Introduction
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ko ang dalawang puntod na nasa harapan ko ngayon. "Inay, itay." tawag ko na lamang sa mga pangalan ng taong nagmamay-ari ng puntod na yun.
Mahigit pitong taon na rin ang nakalipas simula nung iniwan nila ako inay at itay. Labingtatlong taong gulang lang ako nung namatay sila dahil sa isang aksidente. "Magkakacollege na po ako." nakangiti kong balita sa harapan ng dalawang puntod na tila ay nakamasid lamang sila sa akin.
"Sa mga Montemayor pa rin naman ako nakikituluyan. Mabuti naman po ang pakikitungo nila sa akin. Ang mag-asawang Montemayor po ang nagpapaaral sa akin tay." Noong buhay pa sina itay at inay ay naninilbihan sila sa pamilyang Montemayor. Namamasukan bilang katulong ang ina ko at hardinero naman ang aking ama sa kanila.
Mayayaman ang mga Montemayor at kilala sa aming lugar pero di sila katulad sa iba na masama ang pag-uugali at mata pobre. Mabait naman sila sa akin at sa iba pang namamasukan don bilang kasambahay nila. Simula ng mamatay sila inay ay kinupkop na ako ng mag-asawa dahil wala na naman rin akong natitirang pamilya. Nagsilbi na lang ako sa kanila dahil nakakahiya kung wala naman akong gagawin bilang kapalit nung pagpapatira nila sa akin.
Hindi na bago sa akin ang mga gawaing bahay dahil bata pa lamang ako ay dinadala na ako nila inay doon sa tuwing wala kaming klase. Sa murang edad ko pa lang ay nakagisnan ko na ang kahirapan.
"Inay, itay pasensiya na po talaga kung ngayon lang ako nakadalaw. Marami kasi akong inasikaso nitong mga nakaraang araw para sa pagpasok ko ng College next month." paghingi ko pa ng paumanhin.
Natahimik ako ng ilang saglit. Tanging huni lamang na mga ibon ang naririnig ko. Napakagat labi ako. Ayoko nang umiyak. "Nay, tay miss ko na talaga kayo."
Mula sa pagkakaupo ay tumayo na ako at pinagpag ang suot kong jeans. "Alis na po ako. Dadalawin ko na lang po kayo ulit."
"Huwag po kayong mag-aalala dahil siskapin ko po talagang mag-aral ng maigi. I promise po." nag-gesture pa ako sa panatang makabayan. Ngumiti na lang ako at kinuha na yung bag ko.
Lumabas na ako sa sementeryo at naghintay na lamang ng masasakyan. Ilang metro na rin lang naman ang layo dito sa hacienda ng mga Montemayor. Maya-maya pa ay isang pedicab ang dumaan kaya pinara ko na at sumakay na.
"Sa Montemayor po." sabi ko nung pagkasakay ko pa lang. Nahalata ko naman ang pagtingin sa akin ng drayber kaya napatingin na rin ako pabalik. "Iha, ikaw ba yung anak nina Berting at Ester?" wika pa niya nung nakaandar na kami.
"Opo. Ako nga po iyon." sagot ko naman pabalik kay manong drayber.
"Naku, eh kay laking bata mo na." yun lamang ang sinabi niya at ngumisi na lamang ako. Mga ilang minuto pa ay nakarating na rin ako sa Hacienda ng mga Montemayor at dalian na akong bumaba at pumasok agad sa loob. Malapit na ako sa mansyon nila nung may nahagip ang mata ko. Sa harap ng mansyon ay may nakaparadang sasakyan na kulay itim at may dalawang lalaki na nakatayo sa balkonahe.
Syempre kilala ko ang mga yun. Anak sila ng mag-asawa. Agad akong nagtungo sa direksyon nila at tinawag yung isa sa kanila. "Brent?!" pagkilala ko pa. Lumapit naman siya at niyakap ako kaya niyakap ko na rin siya pabalik. "Ako nga Lee." ginulo niya pa yung buhok ko nung bumitaw na kami mula sa pagkakayakap.
"Umuwi ka na pala?" di ko makapaniwalang tanong. Matagal na kasi siyang di nakauwi dito dahil doon niya tinapos yung pag-aaral niya sa States. Mahigit three years rin yung wala siya dito. Siya yung naging kuya ko at tinuring ko nang kapatid talaga at ganun rin siya sa akin.
Siya kasi yung nagtatanggol sa akin kapag inaaway ako ng kapatid niyang engot. Napasulyap ako saglit kay Klein na kapatid niya na nandun lang sa gilid at nakaupo habang nagyoyosi. "Tss." narinig ko pang sambit niya at nagpatuloy lang sa pagyoyosi.
Nasanay na talaga akong ganun na yan noon pa man. Parang laging galit sa mundo. Magkaedad lang kami ni Klein at matanda lang ng tatlong taon sa amin si Kuya Brent.
Natatandaan ko pa noon na kapag naglalaro ako nun ng mag-isa ng barbie doll ay lumalapit yang si Klein at sinasabihan ako ng ang pangit daw ng manika ko kaya magkamukha daw kami ng manika. "Tama lang na laruin mo yang manika mo, pareho rin naman kayong mga pangit eh." yun palagi yung sinasabi niya sa akin kaya ako naman noong batang iyakin ay agad na umiiyak. Nabebwesit talaga ako kada na maalala ko ang bagay na iyon.
"San ka pala galing Lee?" tanong naman ni Kuya Brent sa akin kaya napabalik sa kanya yung atensyon ko. "May inasikaso lang ako para sa pag-aaral ko." sagot ko naman. Napatango-tango naman si Kuya Brent.
"So, are you free now? Sabayan mo na kami ni Klein somewhere at may konting celebration lang kami para sa pag-uwi ko." napaisip naman ako sa yaya niya. "Pangit naman kong kaming dalawa lang yung magce-celebrate,right? Kapatid na rin kita." tawa pa niya.
"Huwag mo na yang isama si Liean. KJ na yan noon pa." sabi pa ni Klein kaya napatingin ako sa kanya. Lee yung kadalasang tawag sa akin ng iba. Siya lang yung tumatawag sa akin ng Leian dahil Leiandra naman yung totoong pangalan ko.
"Hindi kaya ako Kj. Eh kesa naman sayo na di makain ng kahit na sino ang pag-uugali. Kahit aso ayaw yang kainin." balik ko naman sa sinabi niya.
"Pareho pa rin kayo ng manika mo, ang papangit." saad pa niya. Napakagat naman ako sa labi ko. Ganito kasi ako pag-nagagalit o kapag naiinis na.
"Kayong dalawa talaga naman oh. Wala pa ring pinagbago. Same old, same old." napailing na lamang si Brent sa aming dalawa. "Hindi ako umuwi dito para maging referee ulit." dagdag pa niya.
"Brent, sama na ako para mapatunayan kong di ako Kj." sabi ko pa saka inikutan ng mata si Klein.
Updates?