" Okay ka lang ba dito?"
Umangat ang kanyang mga palad sa nag aalalang mukha ni Nikko.
" Okay lang ako, they're my friends. Sina Ava ang kasama ko."
Assurance niya sa binata. Bantulot man siyang iwan ay wala itong nagawa dahil bridal shower ito ni, Dia.
" Call me Love, anytime."
Bilin nito bago sumakay sa sasakyan.
" Let's go inside, Lavin."
Tawag sa kanya ni Ava, at sumunod siya sa dalaga. Mas nauna sila para masiguro na nasunod ang ayos nang venue sa napagkasunduan nila nang organizer.
" Let's give Dia a fright."
Natatawa na sabi ni Ava habang nakatingin sa mga odd shape na balloons. Siya man ay natatawa, matatakot siguro siya kung hindi pa siya nakakita noon.
Agad niyang inalis sa isip ang intimate moment nila na Nikko.
" Isn't it scary Lavin?"
Nakatawa na sabi ni Ava habang hawak ang p***s-shaped ballon.
" Yeah with that size, it's so scary. Bitiwan mo nga yan."
Aniya at humarap sa wall na may nakasulat na same p***s forever. Naiiling na lang siya sa idea ni Ava.
" Isn't it sweet, Lavin? Same p***s forever? But before that, let's Dia enjoy her eyes first with the hot guys. I can imagine her scream later."
At natatawa ito sa isipin na reaksiyon ni Dia. Ang conservative at never nagka boyfriend na kanilang kaibigan. She's like that and planning to be like her until she met Nikko.
Nagpawala siya nang buntong hininga at lumapit sa beverage area at kumuha nang malamig na tubig.
Hanggang mag simula na ang party hindi siya nagkamali. Halos mawalan nang boses si Dia sa kasisigaw nang lumabas ang mga hunk at sayawan ang dalaga.
" Ava!Ava! Ava!"
Sigaw nito na tinawanan lang nila. Hanggang nauwi ang party sa isang meeting.
" Gosh, Ava sigurado ka ba sa naisip mo?"
Halata ang pagka disgusto ni Dia sa napag usapan nilang paraan para paaminin si Aidan and fiancée nito sa nararamdaman para sa dalaga.
" We will help you."
Aniya at nilingon ang iba pang katabi na mga mga kaibigan na sabay sabay naman na tumango.
May pag aalinlangan man ay walang nagawa si Dia dahil sa sinabi ni Ava.
" Nahuli na kayo, Dia. Me nangyari o wala. Hindi na maganda ang tingin ng pamilya mo kay Aidan at magsisimula na din na lalayo sila sa pamilya namin. Your dad and my papa have been friends for a long time. Simula pa nang high school days nila. Naiisip mo ba how they will be affected kung sakali?"
Saglit na nag isip si Dia tapos mabigat ang loob na sumang ayon.
" Fine! Siguruhin ninyo lang na hindi ako mananagot."
Sabi nito at uminom muli sa shot glass.
" Alright! Cheers for Dia's same p***s forever!"
Ani Ava at itinaas ang shot glass ganun din ang ginawa nila.
" Shaun called me."
Panimula nang kanyang ama habang kumakain sila nang agahan. Three days after nang bridal shower ni Dia.
" Hmm, tuloy ang kasal? And you will be their primary sponsor."
" That is sure, matagal na namin usapan iyan. But he called me for another reason."
Sabi nang kanyang ama at sa kanya particular na nakatingin.
" What you girls did to Aidan?"
Tanong nito kaya hindi siya naka imik sumulyap sa kanyang ina. Tumango lang ito sa kanya.
" I don't know what to say, dad."
Nasabi na lang niya bilang pag amin na me ginawa sila sa binata.
" Nangyari na ang nangyari, Lavin. Shaun told me what you girls did to Aidan. Kaya napag pasyahan nilang ipadala kayo sa isang isla para tumulong sa community doon."
" Pero Daddy."
Agad na pinutol nang kanyang ama ang kanyang sasabihin.
"No exemption, lahat kayo! But you can bring Nikko if you want to."
" Pasalamat na lang kayo, matagal nang mahal ni Aidan si Dia or else you will bring chaos to both their families."
Singit ni Sebastian na kasalo nila sa agahan.
" Mahal pala, bakit hindi niya sinasabi?"
Sinimangutan niya ang kapatid.
" Lucky for those men who can easily declare their love declaration. Pero si Dia ang pinag uusapan natin at si Aidan. Kilala mo sila."
Dugtong pa nang kapatid.
" Kahit pa."
" You and your friends will stay on the island for one month. Iyon ang napagkasunduan."
Sabi nang kanyang ina, na agad nakapag patayo sa kanya sa mesa.
" One month? Mom! Dad!"
Napakuyom ang kamao ni Sebastian ng lingunin niya.
" That's the consequences of your action, Lavin. And that is final."
Sabi nang kanyang ama kaya nahahapo siyang bumalik sa upuan, pero hindi na niya na galaw ang pagkain.
" Kung bakit kasi naisipan ninyo palabasin na itinanan si Dia nang ibang lalaki? Kahit sino masasaktan sa ginawa ninyo."
Reklamo ni Sebastian habang mabilis na tinapos ang pagkain.
" Bring tons of sunblocks there, Lavin. Sigurado masusunog ang balat mo."
Pahabol pa ni Sebastian bago tumayo sa hapag kainan.
"Daddy, can you ask Tito Shaun to make it at least two weeks?"
Pagmamakaawa niya sa ama.
" Lavin, kahit ang Tito Theo mo hindi na nag reklamo to send Czesta for a month in an island, ganun din si Pascal. Kilala mo naman how protective your uncle to your cousins. Dalhin na lang ninyo ang bodyguard for your safety."
Pag pinal sa usapan nang kanyang ama. Thinking na kasama si Nikko, pinakalma niya ang sarili.
Kaya nang araw nang kasal kahit masaya sila para kina Dia at Aidan ay hindi nila magawa ang magsaya. Dahil alam nila after nang kasal kung saan nag ho- honeymoon ang bagong kasal. Sila ay nasa isang isla and only God knows what will happen to them.
" Look at Dia, she's happy. Lasingin kaya natin?"
Sabi Ava habang nakatingin sa bagong kasal na nag sasayaw.
Pero bago pa nito mahatak ang bride agad na lumapit si Tito Adam.
" You want two months on an island Ava?"
Laglag balikat na bumalik sa kanilang pwesto si Ava. At hindi nagtagal nagpaalam na din ito dahil masakit daw ang ulo.
Thinking about on an island for a month gusto niya ding sumakit ang ulo. Gumawi ang tingin niya kay Nikko na hindi nag reklamo na isasama niya sa isla. He is happy to come with her.