Chapter Twelve

1080 Words
" Look at the bright side." Halos lahat iyon ang kanilang pag kumbinsi sa sarili nang makarating sa Isla. " Sa kabilang cottage lang ako, Lavin." Paalam ni Nikko sa kanya matapos nitong ilapag ang kanyang mga gamit sa cottage na inuokupa nila. " Sige bye, Nikko. Salamat." Sabi niya at naupo sa papag na kawayan. Ang kanyang mga kasama na kaibigan ay nakatingin sa kanya kaya tinaasan niya nang kilay. " What?" " Mukhang sa ating lahat ikaw ang mag e enjoy." Komento ni Ava sa kanya na halata na masama ang loob. " I don't mind being here!" Sabi naman ni Csezah na napatingin kami sa kanya. " Bakit ka pala nandito? Wala ka naman sa bridal shower?" Tanong niya sa dalaga na noong kasal lang nila nakita. Matagal itong namalagi sa Spain. " Hm, to do some reflections? Soul searching?" Patanong nitong sagot at humiga sa kawayang papag. " Isipin na lang natin na nasa bakasyon tayo, ganun na lang. Maganda naman ang tanawin at sariwa ang hangin." Dumipa at suminghot pa nang hangin si Scarlet. Tulad niya may kasama din itong bodyguard. " Yeah, maganda nga ang tanawin." Sang ayon ni, Ava, na nakatingin sa dalampasigan, at sumulyap sa kanya. " Di ba Lavin?" Tanong nito kaya tumingin siya sa tabing dagat at naglalakad si Nikko na naka topless showing his masculinity. It is indeed a good view, pero umiwas siya nang tingin nang sumulyap sa kanya si Nikko. " Ewan ko sa iyo Ava." Tumayo siya at tumabi kay Csezah sa kawayang papag. Hindi naman nagtagal tinawag sila para kumain. Ganun na lang ang galak nila nang makita ang nakahanda. " Wow! Fresh seafood." " Kain lang kayo. Sana magustuhan ninyo ang aming ini handa." Matapos nilang magpasalamat sa mga nanduon ay magana silang kumain. Saglit lang sila nag siesta sa kanilang kubo nang muli may sumundo sa kanila para sa island hopping. " Careful Lavin." Sabi ni Nikko na nakaalalay sa kanya na sumakay sa bangkang de motor.Alam niya ang sulyap nang mga kasama pero hinayaan na lang niya. Si Csezah ang parang naging official na photographer nang kanilang grupo. Bilib siya sa hilig nitong kumuha nang litrato. " Bagay kayo ni Nikko." Sabi nito habang nakatingin sa larawan na kinunan nito. Mahina lang tumawa si Nikko, pero kumislap ang mga mata nito nang lumingon sa kanya. Mabuti na lang nakarating na sila sa fish pen na nasa gitna nang dagat kaya doon napunta ang atensyon nang lahat. "You did a great job, Iris." Sabi nila dito nang manghuli ito nang bangus dahil pumayag na din ang bantay. Hindi naman nagpatalo si Csezah na sinubukan din manghuli. Kaya nang makabalik sila sa kanilang kubo na tinutuluyan ay agad nilang inihaw ang bangus. "This is so yummy!" Nagsalo sila sa inihaw na bangus at sa ibang bahagi nang isla meron din palang nag alaga nang mga talaba. " Careful, Ezah. Is your stomach strong for this kind of food?" Tanong ni Ava dahil ang talaba ang pinag diskitahan nito. Ito ang mapalad na napamanahan ng ama sa pagiging mahina sa inom. " I'm improving, Ava. Prepare the beer!" Sabi pa nito na inabutan naman ni Nikko. " Bodyguard ka ba ni Lavin o boyfriend?" Tanong nito nang abutin ang bote nang beer. " Hindi pa nag iinom lasing na, yan pala ang nag improved!" Biro niya kay Csezah na pilit na iniiwasan ang tanong at tukso sa kanya. " What's the real score Nikko?" Pilit nito kay Nikko, pero bumaling lang ito sa kanya at ngumiti. " Mom?" Pinandilatan niya ito nang mga mata. " Why do I have this feeling, it's M-o-m, not M-a-a-m.?" Malaki pa ang ngisi ni Csezah, habang nag umpisa na itong uminom nang beer. " Sisa!" Aniya at kinurot ito sa tagiliran na tinawanan lang siya. Kinausap muna sila nang lider nang purok bago sila pumasok sa kani kanilang kubo na pansamantalang tinutuluyan. Pero dahil sa namamahay siya at talagang hindi komportable ang kanyang higaan kaya hindi siya makatulog. Lumabas siya nang kubo at tumayo sa tabing dagat. Masarap ang simoy nang hangin masarap ding pakinggan ang mahinang alon sa dalampasigan. " Can't sleep?" Naramdaman niya ang pagtabi ni Nikko sa kanya. " Naninibago lang." Sagot niya na hindi inaalis ang tingin sa dagat. " But you have to rest, Love. Baka hindi mo kayanin ang activity bukas kung hindi ka magpapahinga tonight." Bumaling siya dito at ngumiti. " Tutulungan mo naman ako di ba?" " Of course I will." " Good. Stay with me for a while Nikko." Hiling niya dito, umupo siya sa buhanginan at ganun din ang ginawa nang binata. Hindi siya tumanggi nang akbayan siya nito. Ihinilig naman niya ang ulo sa balikat nito. Maya maya narinig na niya ang mahina nitong pagkanta. There's a lover's moon tonight As I look back over my shoulder... Simula nito, na nakapag pangiti sa kanya. All the stars are shining bright Just like the nights when I used to hold her She's out there somewhere under the lover's moon Lover's moon, won't you shine on me? I'm dancing with a memory I wish I may, I wish I might Have one last chance to hold her tight Waiting, I know she's waiting I know she waits for me under the lover's moon. Sinabayan niya ito sa pagkanta, at masaya siya nang, sandali na iyon. There's a lover's moon tonight Shining down on half of this world So many souls are in its light But for me, there is just one girl And she's waiting, I know she's waiting I know she waits for me under the lover's moon Under the lover's moon. " You can sing ha?" "But not as good as you." Sabi nito at ginagap ang kanyang mga kamay. "I'm looking forward to your birthday Lavin. And I'm hoping it's a yes. Gusto na kitang dalahin sa bahay ko." " I uuwi mo ako sa bahay mo?" Natawa ito sa sagot niya. " No, ipapakilala kita sa family ko." Pagtatama nito sa naisip niya. " You can't do that, kahit hindi ko pa birthday?" " Papayagan ka ba nang parents mong isama kita sa US to visit my family? They are based in New York managing our newly open branch there." " We have to wait." Tumango naman si Nikko. " Yeah, we have to wait." Isang mabilis na halik sa labi ang binigay sa kanya ni Nikko as goodnight kiss nang ihatid siya sa kaniyang kubo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD