THIS MAKES me realize that I can’t run from my real identity and I can’t hide it forever. Patuloy ka ngang hahabulin ng katotohanan kahit anong takas mo. At tiyak na hindi ka rin matatahimik kapag nagtatago ka ng isang lihim. Mabubuhay kang natatakot na malantad ang katotohanan, kaya naisip ko, mas mabuti na siguro kung sa akin marinig ni Zachary ang totoo sa halip na magmula pa ito sa iba. Doon ko rin higit na mapatutunayan kong wagas nga ba talaga ang kaniyang pagmamahal sa akin. “`Tay, bakit gano’n? Bakit hindi matapos-tapos ang pagsubok sa mga buhay natin?” untag ko kay Tatay Andres. Magkasama kami ni tatay sa bagong bahay na aming lilipatan. Nauna kami roon dahil dumaan sa kompanya sina kuya. Hindi pa iyon tapos at wala pang mga kasangkapan doon. Kaysa magbayad ng tao, naisip namin

