TUMATAKBO KAMI sa karimlan para tumakas sa mundong hindi namin kailanman pinangarap na kahantungan. Bahagyang maputik ang daang malapit sa malaking ilog. Samantalang ang mauulinigan sa katahimikan ay ang mga tunog ng tuyong dahon na natatapakan, ang aming paghinga at impit na mga hikbi sa takot. Hindi nagtagal ay nagpaulan si Fairah ng mga bolang apoy na unti-unting sumiklab—nasunog ang mga kubol, ang kanilang mga nakaimbak na pagkain at maging ang inukit na rebulto ng isang retilyano na kanilang sinasamba. Umalingawngaw sa gitna nang lumalaking apoy ang mga sigaw nina Darius at Vermon. Habang ang mga kababaihan ay nagtatakbuhan upang makalikas kasama ang kanilang mga anak, ang ilan sa mga kampon ay sumugod sa amin. Wala kaming nagawa kung hindi ang makipagbuno sa kanila at gamitin ang am

