Guilt

2137 Words

ISANG LINGGO na ang nakalilipas nang makatanggap si Mirasol ng isang recorded video mula sa cellphone ni Luigi. Doon ay hinihimok niya si Mirasol na sumama na sa kaniyang ama at ipinapangako umano nito na pakakawalan ang mga binihag nila at titigil na sa pag-atake sa mga tao. Alam kong nang dahil doon ay lalong gumulo ang isipan niya. Umiiyak niyang inuulit-ulit na ayaw niyang sumama sa kaniyang ama, ngunit kailangan niyang iligtas ang kaniyang mga kaibigan. Nangangamba akong mapilitan siyang sumunod. Kaagad ko itong ipinaalam kay Drew, hindi ko man nasisiguro kung matutulungan kami ng kaibigan kong alagad ng batas, sapagkat hindi naman tao ang aming kalaban. Subalit maaaring ang gamit niyang armas ay makapagbigay ng karagdagang proteksyon sa magkapatid. Habang hinihimas-himas ang kaniya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD