Wrath

2201 Words

LABIS ANG pag-aalala ni Lizbeth para kay Luigi. Sa kabila ng aking tuwa nang malaman kong sila na, lalo naman akong inusig ng aking konsensiya. Pati ang aking mga kaibigan at ang kanilang kaligayahan ay nadamay nang dahil sa akin. Gustuhin ko mang saktan at sisihin ang aking sarili sa mga nangyayaring hindi kaaya-aya at pangkaraniwan sa paligid, nababatid kong biktima rin ako. Kung papipiliin ako ng magiging buhay, paulit-ulit kong aayawan ang katotohanan tungkol sa akin. “Ano’ng sinabi sa  `yo ni Luigi, Liz? Sabihin mo sa `kin, baka may maitulong kami ni ate,” urirat ko kay Lizbeth. Simula nang mangyari iyon kay Luigi ay bumalik siya sa pagiging tahimik, naging mas matatakutin at hindi na gaanong nagsasabi tungkol sa nararamdaman niya. Minsan, naiisip kong galit din siya sa akin, pero

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD