"NAALALA MO ang sinabi ko sa iyo, Amelia? Siya ang magkukusang pumunta rito." Tumingin ang lalaki sa akin habang may hawak-hawak itong baril sa kanang kamay niya. Matalim ang tingin nito at halatang hinahamak ako na nasa harapan niya ngayon. "Right, Lucy?" dagdag pang tanong nito. Nagtiim-bagang ako habang nakatitig sa kan'ya. Anger suddenly rushed into my body and I know that it was evident in my eyes, but what do I expect? The man in front of me was heartless. Ngumisi lang ito dahil sa ekspresiyon na ipinakita ko. Ni hindi man lang ito nakonsiyensiya o natakot. Pagkapasok ko pa lang sa abandonadong lugar kung saan ako dinala ng isa sa mga tauhan niya ay siya kaagad ang bumungad sa akin. He was wearing a black suit which intensifies his aura. Sa bawat segundo na lumilipas ay mas lumalak

