"TANGINA, patay na patay ang gago." I diverted my attention to Jasper who was looking at my phone. Nakangisi pa ito habang nakikititig sa litrato namin ni Lucielle na ginawa kong wallpaper. Kaagad kong inilayo ang phone ko sa kan'ya bago ko siya sinikmuraan. Kaya naiintindihan ko kung bakit siya nababalian ng buto, eh. "Ang damot mo!" singhal nito sa akin habang hinihimas ang tiyan niya. "Nakikitingin lang ako, 'di ba, Nicolette Caroline?" dagdag pang tanong nito kay Caroline na may tinitipa sa cellphone. I was aware of the fact that she likes me before. Minsan ay kinakausap ako nito na parang normal lang, pero minsan din ay nahuhuli ko itong tumititig sa akin. At times like that, I can see the pain on her eyes. Tinatatagan lang niya ngayon ang sarili dahil alam niyang may mga oras na k

