A Risky Proposal

1532 Words
Chapter 8 Third-Person POV Tanghali na nang muling tumawag si Amarah kay Zeirah, na agad naman niyang sinagot. Lumayo siya at pumasok sa isang bakanteng silid na walang katao-tao.Ayaw niya na may makarinig sa kanya at kilala niya ang mga kaklase niyang bully. “Ate, anong balita?” agad na bungad niya. “Zei… kailangan natin ng pera. Malaking halaga,” mabigat na sagot ni Amarah. “Nakipag-ugnayan na kami sa embahada. Sabi nila, pumayag naman ang mga awtoridad sa Malaysia na makipag-areglo… pero kailangan pa rin magbayad ng multa dahil sa illegal fishing in Malaysian waters.Yun ang sabi sa amin eh,” Napahawak si Zeirah sa noo. “Diyos ko… mabuti kung gano’n, ate. Ibig sabihin makakauwi na sila Papa?” nag-aalalang tanong niya. “Pero magkano daw ba ang kailangan?” “Zei… hindi biro ang hinihingi nila,” nanginginig ang boses ni Amarah. “Kung hindi natin maibigay sa takdang araw o sa palugit na ibibigay nila, posibleng ma-detain si Papa at kasama niya habang dinidinig ang kaso… o tuluyan silang makulong.” “Magkano ba, ate? Baka pwede tayong lumapit kina Mayor… o humingi ng tulong sa LGU,” nagmamadaling sabi ni Zeirah.Bigla kasi siyang kinabahan sa sinabi nito pero hindi niya na muna pinagtuunan ng pansin.Mas interesado siyang malaman kung magkano ang kailangan nila at baka magawan nila ng paraan. Sandaling natahimik si Amarah. “Pitong milyon…” “Ano?!” gulat na gulat si Zeirah. Parang biglang bumigat ang dibdib niya. Kanina, akala niya kaya nilang gawan ng paraan, pero gano’n kalaki ang kailangan? “Sabi ko na nga ba sa’yo, hindi biro…” dugtong ni Amarah. “Nakikipag-coordinate pa kami sa embahada para malaman kung pwede pang mapababa ang multa o kung may ibang paraan, tulad ng paghingi ng reconsideration. Pero yun na lang talaga ang malinaw at maibigay nilang tulong at kasalanan naman talaga nila papa. Kailangan talaga nating maghanda ng pera.” “Yung ibang kasama nila Papa, umaasa rin sa atin,” patuloy ni Amarah. “Pero nangako naman ang mga kamag-anak nila na mag-aambag kahit papaano.” Napapikit si Zeirah, pilit iniisip kung saan sila kukuha ng ganoong kalaking halaga. “Susubukan din daw ulit ni Mama makipag-usap sa embahada,” dagdag pa ni Amarah. “Baka sakaling mapakiusapan na mabawasan ang multa o mabigyan ng mas mahabang palugit." Natahimik si Zeirah. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. Pitong milyon. Paano nila iyon makukuha… sa ganito kaikling panahon? “’Di bale, ate. Gagawa ako ng paraan. Magtatrabaho ako dito kapag wala akong pasok para makapagpadala ako sa inyo,” mahina ngunit determinadong sabi niya.Hindi bale ng mapuyat siya gabi-gabi basta makalaya lang ang kanyang ama, yun ang importante sa ngayon. “Zeirah, ano ka ba? Hindi mo kailangang gawin ’yan. Magagalit sa’yo si nanay. Mag-aral ka at huwag mo kaming alalahanin dito,” agad na sagot ni Amarah. “Ate—” “Sige na. Babalitaan na lang kita kung anong mangyayari.May awa ang dios, ” Hindi na nito hinintay ang sagot niya at agad pinatay ang tawag. Naiwang nanghihina si Zeirah. Dahan-dahan siyang napaupo sa isang bakanteng mahabang upuan, tila ba nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod. Hindi niya alam ang gagawin. Wala rin siyang malapitan para makahingi ng tulong. Kahit patayin pa niya ang sarili sa kakatrabaho, hindi pa rin nila agad-agad makukuha ang hinihinging halaga ng embahada ng Malaysia. Sa layo ng Palawan sa Malaysia, hindi niya maintindihan kung bakit napadpad doon ang kanyang ama. Naiinis man siya sa desisyon nito, alam niyang wala na siyang magagawa pa. Hindi na ito ang oras para maghanap ng sisi at kailangan na niyang maghanap ng paraan. Dahil kung hindi, makukulong ang ama niya… at hindi nila alam kung hanggang kailan. Napahilamos siya sa mukha at sumandal sandali sa upuan, pilit kinokontrol ang emosyon. Maya-maya, tumayo siya, handa nang umalis, ngunit nahagip ng kanyang tingin ang nasa labas ng bintana. Sa kaliwang bahagi, kita mula sa kanyang kinatatayuan ang isang malaking tarpaulin na mukhang bagong lagay pa lamang at kanina hindi naman niya ito napansin nang pumasok siya. Napatigil siya. Nagtatakang pinagmasdan niya ang mukha ng lalaking naroon. Ken Sebastian De Luca? Napakunot ng bahagya ang kanyang noo. “De Luca…?” mahina niyang bulong. Bigla niyang naalala, noong unang araw ng klase, ay tinawag din ito ng “De Luca” ng kanilang propesor. Isang De Luca si Ken? Kaano-ano kaya nito ang may-ari ng De Luca University kung saan siya nag-aaral? Ibig sabihin… mayaman pala talaga ang lalaki. Muli niyang pinagmasdan ang malaking tarpaulin na tila sadyang inilagay sa gitnang bahagi ng paaralan, parang isang modelong ginawang advertisement ang itsura nito. Hindi ito pangkaraniwang gwapo lang. May kakaibang halo ang kanyang itsura, kapangyarihan, awtoridad… at isang uri ng presensya na kayang manindak.Nakakatakot. Nakakakaba. Parang sapat na ang isang tingin niya para mapatahimik ang kahit sino at saksi siya na hanggang ngayon hindi pa rin kayang iboses dito ang nangyari sa kanilang dalawa. Napalunok si Zeirah. Kung ilalarawan niya ito… para itong karakter mula sa mga mafia series na binabasa niya tuwing wala siyang ginagawa sa dorm nila ni Risa. Though malinis at clean-cut ang lalaki, pero ang mukha nito ay nakakatakot tingnan—parang kaya nitong suriin ang buo mong pagkatao gamit ang hazel brown na may halong green na mga mata nito, na una niya talagang napansin noon. Ilang segundo pa niya tinitigan ang tarpaulin bago siya nagpasyang umakyat sa rooftop habang wala pang klase. Kailangan niyang mag-isip, at pagdating nga niya sa taas ay agad siyang naghanap online ng mga pwedeng part-time job sa gabi. Ilang minuto na siyang nakasandal at nakasalampak sa semento habang abala sa paghahanap nang mag-angat siya ng tingin at makita ang isang pares ng sapatos sa kanyang harapan. Halos mahulog ang hawak niyang phone nang makita ang kunot noong mukha ni Ken na nakatunghay sa kanya. Hindi siya nakapagsalita, lalo’t hindi rin nakagalaw dahil biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Anong ginagawa nito dito? she asked herself. “Excuse me, miss.” malamig nitong sa sa kanya, “Ah, yes? B-bakit?” nabubulol na sagot niya, halos ayaw lumabas ng boses niya. “I need my belongings—they’re behind you.” “Huh?” gulat na napatayo si Zeirah kaya umurong si Ken, nagulat din sa biglaan niyang pagtayo. Saka lang niya napansin ang medyo nakatagong bag nito sa bandang likuran niya. Kaya pala sinabi nitong kukunin nito ang gamit dahil nasa likuran niya pala. Nagbigay-daan siya para makadaan ang lalaki. Nang makuha nito ang black bag at isinabit sa balikat, yumuko siya para makaiwas ng tingin. Nilagpasan naman siya nito, at napapikit si Zeirah nang maamoy ang mabangong pabango nitong naiwan sa hangin, nakakahiya naman Heaven Scent niyang pabango na kulay pink. Tinitigan niya ang papalayong pigura nito, at hindi niya maiwasang maalala ang sandaling minsan ay nakulong siya sa mga bisig nito at naramdaman ang init ng haplos nito. Napalunok siya at bago pa niya mapigilan ang sarili, tinawag niya ang pangalan ng lalaki. “Ken!” Nakita niyang gulat sa mukha nito nang huminto ito at lumingon sa kanya.Pakiramdam ni Zeirah dinig niya ang yabag nito ng dahan-dahan itong humarap, wari’y hinihintay kung may sasabihin pa siya. Nagpalinga-linga muna si Zeirah upang tiyaking walang ibang tao. Nang makumpirma niyang wala, halos matisod siya sa sobrang kaba habang lumalakad palapit sa lalaki. “What?!” medyo iritable ang boses nito nang magtanong sa kanya, kaya lalo siyang naumid. Hindi siya makapagsalita; lalo pang bumilis ang t***k ng kanyang puso. “You called me, then you didn’t say anything. Are you trying to waste my time?” inis nitong sabi at akmang lalakad na. Biglang hinawakan ni Zeirah ang braso ng lalaki, ngunit agad naman itong lumayo sa kanya. Pumiksi pa ito, na para bang ayaw nitong dumikit siya rito, kaya napaatras siya nang bahagya. “May sasabihin ako… alam kong hindi tama, pero importante sana.” lakas loob niyanh sabi sa lalaki. Tinaasan siya nito ng kilay at hinintay ang kanyang sasabihin. Napabuga ng mahinang hangin si Zeirah para alisin ang kabang lalong bumalot sa buo niyang pagkatao. “Kailangan ko ng pera… malaking pera—” napangiwi siya dahil hindi niya alam kung tama ba na ito ang lalapitan niya.But when she lifted her gaze and looked straight into his face, he let out a soft laugh—a laugh filled with disbelief. “Are you trying to piss me off?” malamig at matigas ang boses na tanong nito kaya agad na umiling si Zeirah. “No… ibig kong sabihin, hindi. Kailangan ko talaga ng pera kasi nakulong ang papa ko. Kailangan kong magbayad ng multa dahil kung hindi, baka hindi siya makalabas.” Tuluyan nang humarap sa kanya si Ken at sinusukat siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa, pabalik-balik kaya pakiramdam ni Zeirah napapaso siya sa paraan ng pagkakatingin nito. “And why are you saying this to me? Why should I care if your father is in jail?” His words had a sting in Zeirah’s heart, but she quickly brushed it off. Since she was already here, why not just tell him? “Ibebenta ko ang katawan ko sa’yo!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD