Far From Home, Close to Breaking

1720 Words
Chapter 7 Third Person POV Masama pa rin ang loob ni Zeirah habang binabagtas ang madilim na daan papunta sa highway. Balak niyang magpalipas ng oras sa isang bridge sa unahan ng kanilang tinutuluyan. Hindi naman iyon gaanong kalayo, pero kung lalakarin ay aabot ng tatlo hanggang apat na kilometro siguro. Hindi niya alintana ang hingal at lamig ng hangin sa gabi. Basta ang alam niya, galit siya sa dalawa, galit na parang kumakapit sa dibdib niya, mabigat, masakit, at hindi basta mawawala.Pagod na umupo siya sa isang bench sa may tabi ng dagat. Hindi niya alam kung saan siya banda, basta ang alam niya may dagat at may bench, kaya imbes na sa bridge siya pumunta, dito na lang siya dumiretso. Mabuti na lang at dala niya ang maliit niyang sling bag at nasa loob ang wallet at phone niya. May pamasahe siya kung sakali man. Gusto niyang mapag-isa. Magmuni-muni at alisin ang inis niya sa ginawa sa kanya ng dalawa. Nawalan na rin kasi siya ng ganang kumain kaya kahit ramdam ang gutom ay hinayaan niyang kumalam ang kanyang sikmura na parang wala siyang pakialam kahit pa sumakit iyon. Tinatanaw niya ang mga sasakyang dumadaan at mga taong masayang nagkukwentuhan. Napadako naman ang tingin niya sa isang pares na masayang kumakain ng street food sa gilid. Sweet na sweet ang mga ito at nagsusubuan pa. Bigla siyang napangiwi at parang may kumurot sa dibdib niya. Inalis na lang niya ang tingin dito at lumingon-lingon sa paligid.Hindi pa naman niya kabisado ang lungsod kaya medyo may kaba din siyang nararamdaman. Bigla niyang naalala si Ken nang pumasok ang imahe nito sa isipan niya. Malalim siyang napabuntong-hininga at sumandal sa upuang bakal. Kung bakit ba naman kasi hindi mawala-wala sa isip niya ang lalaki. Kahit anong gawin niya, lagi itong sumisingit sa utak niya na parang multong ayaw siyang tantanan. Kaya minsan, lutang siya sa mga ginagawa niya. Ilang gabi na rin siyang puyat kakaisip dito, kaya minsan inaabot siya ng madaling araw. Kaya ang ginagawa na lamang niya, nag-aaral na lamang siya para kahit papaano ay may kabuluhan ang pagpupuyat niya. Hanggang ngayon nga, parang pakiramdam niya, nasa katawan pa rin niya ang init ng yakap at mga halik nito. Minsan, nagugulat na lamang siya kapag sumasagi sa isip niya ang mga ungol nilang dalawa noong gabing iyon. Bigla tuloy nagsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan, hindi niya alam kung dahil ba sa lamig o sa alaala na biglang pumasok sa kanyang isipan.Sinampal niya nang mahina ang kanyang mukha. “Tama na…!” mahinang bulong niya sa sarili. Biglang kumalam ulit ang sikmura niya. Kaya tumayo na siya. Wala siyang choice kundi lapitan ang street food sa may unahan. Bumili siya ng kung ano ang makain. Nang matapos, napadighay pa siya sa sobrang kabusugan at napahimas sa kanyang tiyan. Tiningnan niya ang oras sa kanyang relo. Mag-aalas onse na.Kaya napagpasyahan na niyang bumalik. Kahit hindi sila magpansinan sa loob, uuwi siya. Bayad naman niya ang renta niya at wala siyang kasalanan kaya bakit siya mahihiya sa mga ito? Kung siya lang ang masusunod, ayaw niyang maghanap ng ibang mauupahan—lalo na’t okay na okay siya sa dorm nila ni Risa. Hindi nga iyon mukhang dorm. Iisa man ang kwarto, medyo malawak naman. May sarili itong CR sa loob. Dalawa ang beddings at tig-isa sila.Yung kanya, nilagyan na lamang niya ng kurtina para kahit papaano ay may privacy siya—lalo na’t minsan inaabot siya ng madaling araw sa pag-aaral. Kaya gumagamit siya ng maliit na lampshade na binili niya pa sa online, dahil hanggang 10 PM lang pwedeng gamitin ang ilaw sa dorm. Sa labas naman, may maliit na sofa at doon natutulog ang jowa ni Risa. Nandoon na rin ang maliit na lutuan at lababo, pero may divider naman kaya kahit papaano ay maayos pa rin tingnan at may harang. Pero simula nang dumating ang kumag na lalaking iyon…Pakiramdam ni Zeirah nasakal siya. Parang unti-unting kinukuha ang espasyo nila, hindi lang sa lugar, kundi pati privacy nila. Nawala ang tahimik niyang mundo. Matamlay siyang naglakad pabalik. Nang malapit na siya, biglang nag-ring ang kanyang phone. Napakunot ang noo niya nang makita kung sino ang tumatawag. Ang kanyang ate Amarah. Bigla siyang kinabahan. Bihira naman kasing tumawag ang mga ito nang ganitong oras.Halos hating gabi na. Napahawak siya sa dibdib niya at parang may masamang kutob na sumiksik sa puso niya. Nanginginig ang kamay niyang inangat ang kanyang phone. “Ate…” bungad niya nang sagutin ang tawag. “Zei…” umiiyak na sagot nito sa kabilang linya. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya. Lalong dumoble ang kaba niya. Pakiramdam niya nahilo siya kahit wala pa naman itong sinasabi. “Ate, bakit?!” garalgal na ang boses niya ng magsalita.Hindi nga niya alam na napaiyak na pala siya. Ilang sandali, puro iyak lang ang narinig niya, iyakang puno ng takot at desperasyon. “Anak…” boses na ng mama niya ang sumunod. Doon na siya tuluyang napaupo sa bakal na harang sa gilid ng kalsada. Nanghina ang mga tuhod niya. “Mama, ano bang nangyayari?” “Ang papa mo…” umiiyak nitong sabi, “nahuli sa Malaysia. Tumawid daw kasi ang bangka nila… hindi nila namalayan na bawal na sila sa lugar na iyon. Kaya hinuli sila, kasama ang Tiyo Jun mo at ilan pa nilang kasama…” “Ha?!” napataas ang boses niya. Nanginig ang kamay niya. Parang tumigil ang mundo ni Zeirah. Napahawak siya sa kanyang bibig at muntik nang mahulog ang phone sa kamay niya.Hindi siya makapagsalita. Parang may bumara sa lalamunan niya. Isa-isang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. “Mama… paano…?” “Nakumpiska ang bangka nila, anak…” iyak ng mama niya. “At nakakulong sila ngayon… at kailangan nila ng malaking halaga para mabayaran ang danyos na ginawa raw nila… Diyos ko, saan tayo kukuha ng pera?” Tuluyan nang nanghina si Zeirah. Napahawak siya sa ulo niya habang patuloy na pumapatak ang luha. Pakiramdam niya gumuho ang lahat sa isang iglap na parang may bumagsak na mlaking bato sa ibabaw niya. “M-Ma… anong gagawin natin?” nanginginig niyang tanong. “Hindi namin alam…” sagot ng mama niya. “Wala kaming sapat na pera para sa multa…at paano makakauwi ang papa mo anak.” Napapikit si Zeirah.Pilit na pinapakalma ang sarili.Hindi pa nga siya nakakabawi sa sarili niyang problema… heto na naman. Isa na namang pagsubok. “Mama, sinubukan niyo na bang humingi ng tulong sa mga kakilala natin? Baka may kilala sa embassy… baka matulungan tayo…” natataranta niyang sabi. “Oo, anak. Bukas na bukas lalakad ako… aasikasuhin ko ang dapat gawin para makalaya ng papa mo…” “Mama—” “Zeirah, kami na ang bahala dito… huwag mong pabayaan ang pag-aaral mo. Tatawag kami kung may balita…” “Mama, hindi—” Pero naputol na ang tawag.Hindi na niya nagawang tumayo. Pakiramdam niya nawalan ng lakas ang kanyang mga paa at tuhod para humakbang.Sari-saring tanong ang pumasok sa isip niya.Paano kung hindi makalabas ang kanyang ama? Paano kung napakalaking halaga ang kailangan? Paano kung… hindi nila kayanin? Bigla niyang gustong bumalik sa isla nila at damayan ang pamilya niya, yakapin ang mama niya, at sabihing kakayanin nila. Ngayon niya lubos na naiintindihan ang trabaho ng kanyang papa. Lumalayag ito, nakikipagsapalaran sa dagat, at minsan ilang araw bago makauwi para lang may pang tutos sa kanilang mag-anak. At ngayon… iyon pa ang naging dahilan ng problema. Napabuntong-hininga siya at hindi mapakali. Muling naglakad, kahit hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga paa niya. Kinabukasan, kahit puyat at halos walang tulog, maagap pa rin siyang gumising. Mabigat ang pakiramdam niya,parang may nakadagan sa dibdib niya. Ang balak sana niyang maghanap ng bagong dorm ay naudlot dahil sa nangyari sa kanila. Mabuti na lang at wala ang dalawa kagabi kaya malaya siyang nakapasok. Hindi nga rin umuwi ang mga ito, at wala siyang pakialam kung saan nagpunta ang mga iyon. Nasa loob na siya ng campus ngunit wala pa rin siya sa sarili. Lutang, tahimik, at punong-puno ng iniisip ni hindi na rin siya nakapg focus sa nga dapat niyang aralin. Mabuti na lang at wala silang morning class at may meeting ang faculty, kaya agad siyang umakyat sa rooftop para tawagan ang kanyang ate Amarah. “Zeirah!” sagot nito agad. “Ate, ano na daw balita?” “Wala pa eh… kailangan magbayad nila papa ng multa. Si mama naghahanap ng kakilala sa embassy para makipag-ugnayan sa Malaysian embassy. Nasa store kasi ako ngayon, Zei, at walang maiiwan sa bahay. Si mama nagpunta ng munisipyo para humingi ng tulong…” “Sige, ate… balitaan mo ako agad ha pagdating ni mama…” Pinilit niyang maging matatag ang boses niya, pero sa loob, durog na durog siya. Parang anumang oras, pwede na naman siyang bumagsak. “Bunso, ang sabi pa ng mga kaanak ng kasama nila papa, tayo ang magbabayad ng danyos nila at hindi naman daw kasalanan nina Tito Jun kung bakit sila napadpad sa Malaysia… kaya namomroblema kami ni mama saan tayo kukuha ng pera…at galit ang mga kaanak ng kasama ni papa” Hindi nakasagot si Zeirah. Parang may pumigil sa lalamunan niya. Kahit gusto niyang magsalita, walang boses na lumabas. Para bang naubusan siya ng lakas, pati ng sasabihin. Napabuga siya ng hangin at napatingala sa langit—malawak, maliwanag, at tila napakapayapa… na para bang walang problema sa mundo. “Diyos ko…” mahina ngunit puno ng bigat na naibulalas niya. “Nakapagtanong-tanong ako… ang sabi nila baka aabot daw ng anim hanggang pitong milyon ang kailangan nating ihanda. Pero hindi pa natin sigurado kung papayag ang Malaysia na makipag-areglo tayo…” Nanghina lalo si Zeirah. Anim hanggang pitong milyon? Parang umalingawngaw iyon sa isip niya. Saan sila kukuha ng ganoong kalaking halaga? Ni isang daang libo nga, hirap na silang hanapin. Milyon pa kaya? Napabuga na naman siya ng hangin, mas mabigat, mas masakit. Parang bawat paghinga niya ay may kasamang bigat na hindi niya mailabas. Hindi na niya kinaya. Pinatay na lang niya ang tawag. At bago pa siya tuluyang makapag-isip ay dumausdos siya pababa. Diretso siyang napaupo sa semento. Nanghihina ang katawan, nanginginig ang mga kamay, at tuluyang bumigay ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD