Chapter 6
Third Person POV
“Are you listening to us? Sinusundan mo ba ako?”
Sunod-sunod ang tanong ni Ken kay Zeirah. Lalong kumabog ang dibdib niya sa bawat salitang binibitawan nito. Dumilim ang mukha ng lalaki at lalong kumunot ang noo nito at hindi maipinta ang ekspresyon nang lumabas siya ng tuluyan mula sa likod ng pader kung saan siya nagtatago.Tinaasan siya ni Ken ng kilay, tila naghihintay ng paliwanag mula sa kanya.Napakagat naman si Zeirah sa sariling labi. Kitang-kita sa mukha niya ang kaba. Bumuka ang bibig niya para magsalita, ngunit parang natuyo ang kanyang lalamunan na para bang umurong ang dila niya sa loob ng bibig niya at ayaw gumalaw.Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag dito kung bakit nandodoon siya sa lugar.
Paano ba niya sasabihin na hindi niya ito sinusundan? Na nagkataon lamang na nakita niya ito kasama ang isang babae? Ngunit bago pa siya makahanap ng mga salita, bigla na lamang siyang tinalikuran ni Ken.Naglakad ito palayo na para bang wala siyang pakialam kung ano man ang sasabihin ni Zeirah. Nanatiling nakatayo si Zeirah sa kanyang kinatatayuan. Tinanaw na lamang niya ang likod ng matangkad na lalaki hanggang sa tuluyan itong mawala sa kanyang paningin.Dahan-dahan niyang hinawakan ang kanyang dibdib.Hindi pa rin humuhupa ang malakas na kabog ng kanyang puso.Napasinghap siya at napalunok, saka bahagyang tumikhim para maalis ang bara sa kanyang lalamunan. Pakiramdam niya ay saka lamang siya nakahinga nang maayos.
“Grabe…” mahina niyang bulong sa sarili.
Ipinilig niya ang ulo upang itaboy ang mga iniisip. Hindi na siya dapat makialam sa mga bagay na hindi naman niya problema, lalong-lalo na pagdating kay Ken.Ni hindi ng ata siya nito nakilala, bagay na ipinagpasalamat niya kahit papaano.Dahil wala naman talaga siyang rason para mag overthink sa mga bagay-bagay at pipilitin na lamang niyang mag focus sa kanyang pag-aaral, kahit pa alam naman niya sa sarili niya na kahit anong gagawin niya mahirap yata na kalimutan agad ang lalaking unang umangkin sa kanya.
Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya bago siya naglakad papunta sa sakayan ng jeep upang makabalik sa apartment na inuupahan nila ni Risa. Sa daan ay dumaan muna siya sa isang maliit na karinderya at bumili ng hapunan, isang take-out na ulam at kanin.
Pagdating sa tinutuluyan nila, tahimik na ang paligid. Iilan na lamang ang ilaw sa hallway. Dahan-dahan siyang umakyat sa hagdan habang hawak ang plastic ng pagkain. Ngunit pagdating niya sa ikalawang palapag, bigla siyang napahinto.May isang lalaking nakatayo sa labas ng pinto ng tinutuluyan nila ni Risa. At agad niya itong nakilala.Boyfriend ni Risa.
Bahagyang kumunot ang noo ni Zeirah.May kausap ito sa phone at katulad ng dati, wala itong suot na pang itaas na para bang proud na proud itong ibalandra ang katawan nitong hindi naman kagandahan.Tumikhim siya kaya napalingon ito.Medyo nakaharang kasi ito sa kanyang dadaanan kaya gusto niyang ipagbigay alam ang presensya niya.
“Wala pa ba si Risa?” tanong niya para mawala ang awkwardness na meron sa pagitan nila ngayon, habang kinukuha ang susi sa kanyang bag.
Ngunit bago pa niya mabuksan ang pinto, biglang inabot ng lalaki ang kanyang braso. Nagulat si Zeirah at napaatras ng kaunti.Hindi man lang niya nabuksan pa ang pinto na hindi niya alam kung nakalock ba o hindi.Basta kinuha lang niya ang susi sa bag niya.
“Wait,” sabi nito, bahagyang mahina ang boses nito pero nakangisi sa kanya na nakakabastos. Napaangat ang tingin niya sa lalaki. Mas lalo siyang kinabahan nang mapansin ang malisyosong tingin ng lalaki sa kanya, hinagod pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Pwede ba kitang makausap sandali?” tanong nito.
Lalong kumunot ang noo ni Zeirah ngunit hindi pinahalata na kinabahan siya.
“Tungkol saan?” maingat niyang tanong.
Saglit itong nag-atubili bago nagsalita.
“Alam mo ba, ang ganda-ganda mo?” sabi nito at walang pakialam sa gulat na nakita nito sa mukha ni Zeirah. “Kaya lang suplada ka eh. Dapat ikaw ang niligawan ko noon, hindi ‘yung kaibigan mong sobrang hot sa kama, minsan nakakaumay na ding kasama.”
Bulgar nitong sinabi na para bang normal dito ang bastos nitong salita, nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ni Zeirah at lalong kumunot ang kanyang noo.Oo, alam niyang may pagkamanyakis talaga ang lalaki, pero hindi niya naiisip na kaya siya nitong kausapin na parang hindi girlfriend nito ang baabeng tinutukoy nito.
Napaatras siya at masamang tinitigan ang nobyo ni Risa.
“Ano bang pinagsasabi mo? Malalaman lahat ito ni Risa,” matapang niyang sabi.
Humalakhak ang lalaki at umiling-iling na parang lalo pang naaliw sa sinabi niya.
“Eh di sabihin mo,” hamon nito. “Tingnan lang natin kung sino ang paniniwalaan niya sa ating dalawa.”
Nagngitngit sa galit si Zeirah. Sa sobrang inis, buong puwersa niya itong tinulak at agad na binuksan ang pinto. Pumasok siya sa loob at mabilis na isinara at nilock ang main door. Dinig pa niya ang malakas na tawa ng lalaki sa labas na lalo lang nagpanindig ng balahibo niya. Wala si Risa sa loob. Marahil ay nasa labas pa ito. Pareho sila ng paaralan nito, ngunit magkaiba ang kurso nila kaya madalang silang magkita kung hindi nila sasadyaing magkita sa loob ng campus.
Wala siyang balak buksan ang pinto hangga’t hindi dumarating si Risa, at baka hindi siya tatantanan ng baliw nitong nobyo.Umupo siya sa kanyang higaan at agad itong tinext.
Zeirah: Risa, nasaan ka?
Ilang segundo ang lumipas ngunit wala pa ring sagot. Napabuntong-hininga siya at nagpasyang maghilamos at magpalit ng damit. Mamaya, kapag dumating ito, sasabihin niya ang ginawa ng boyfriend nito sa kanya. Hindi siya komportable na nandito sa tinutuluyan nila ang lalaking iyon. Nagbabayad din naman siya ng renta, samantalang mukhang palamunin lang ang lalaki. Si Risa pa ang gumagastos at sumusuporta dito.Akala ba niya mayaman ito? Bakit nakikisiksik sa kanila ang kumag?
Lalo tuloy siyang nainis. Lumipas pa ang ilang minuto bago niya narinig ang pagkatok sa pinto.
“Zeirah? Nandiyan ka ba, bakit nakasara ang pintuan?” boses ni Risa mula sa labas.
Mabilis siyang tumayo at binuksan ang pinto. Pagpasok ni Risa, agad napansin nito ang seryosong mukha niya.
“O bakit? Anong nangyari?” tanong nito.
Hindi na nagpaligoy-ligoy si Zeirah.Kumuha siya ng lakas ng loob, tiningnan muna niya ang labas at dahil wala ang lalaki at ewan niya kung saan pumunta ay bumalik siya sa pwesto ni Risa na ngayon ay kumukuha ng tubig sa miniref nila.
“Risa, kailangan nating mag-usap. May ginawa kanina ang boyfriend mo.”
Bahagyang kumunot ang noo ng babae.
"Ginawa? Bakit?”
Napapikit sandali si Zeirah bago nagsalita.
“Risa… binastos niya ako.”
Biglang nagbago ang ekspresyon ng babae.Ang kaninang kunot nitong noo ay napalitan ng pagkagulat.
“Ano?”
“Kung anu-anong sinasabi niya sa’kin. Sinasabi niyang dapat ako raw ang niligawan niya at kung anu-ano pa tungkol sa’yo,” mariin niyang sabi.
Tahimik na tumingin sa kanya si Risa. Ngunit imbes na magalit sa nobyo, tila nagdududa pa ito.
“Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” malamig nitong tanong.
Napakunot ang noo ni Zeirah.
“Oo naman! Ano ba sa tingin mo?”
“Hindi ko lang maisip na gagawin ‘yon ni Steve. Hindi siya gano’n,” pagtatanggol nito sa nobyo.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Zeirah.
“Risa, narinig mo ba sarili mo?” galit na sabi niya. “Ako na nga ang nagsasabi sa’yo!”
Umiling si Risa.
“Baka naman nagkamali ka lang ng intindi. O baka nagbibiro lang siya.”
Napatawa si Zeirah, ngunit walang bahid ng saya iyon.
“Ano?… nagbibiro?” ulit niya.
“ kilala ko ang boyfriend ko.”
“Eh ako? Hindi mo kilala?” nanginginig sa galit na tanong ni Zeirah.
Sandaling natahimik ang dalawa. Ngunit sa huli, umiwas ng tingin si Risa.
“Alam ko naman na may gusto ka kay Steve, Zei,” malamig na sabi ni Risa. “Sinabi niya sa akin na palagi raw ang tingin mo sa kanya at madalas ka niyang nahuhuli. Hindi ko pinansin ang mga sinasabi niya noon dahil kilala kita. Alam kong hindi mo naman aagawin sa akin si Steve. Kaya hindi ko inisip na aabot ka sa ganitong pamimintang, Zei.”
Lalong gumulo ang kaninang magulo ng itsura ni Zeirah.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.Hindi siya agad nakasagot. Natameme siya, tila hindi makapaniwala sa mga narinig mula mismo kay Risa.Umaasa pa naman siyang kakampihan siya nito, dahil kapwa niya babae at halos maituturing na magkaibigan naman sila. Ilang segundo ang lumipas, napatawa siya ng mahina,isang tawang walang bahid ng saya at puno ng pait ang boses ni Zeirah.Napahawak siya sa bibig habang ang isang kamay ay nakatampal sa noo niya.
“Risa… mali ang iniisip mo,” sabi niya habang umiiling. “Bakit ko naman gugustuhin ang lalaking kagaya ng jowa mo? "
“Come on, Zeirah,” sagot ni Risa, halatang hindi kumbinsido. “Kahit ako napapansin ko. Kapag nandito tayong tatlo, ilag na ilag ka kunwari sa amin. Pero kapag kayong dalawa lang ni Steve, kinakausap mo siya.”
Unti-unting napakunot uli ang noo ni Zeirah.
“Seryoso ka ba?” napataas ang boses niya.
Hindi sumagot si Risa. Ngunit sapat na ang katahimikan nito para maintindihan ni Zeirah ang ibig sabihin. Napailing siya at napatawa ulit.
“Grabe ka, Risa,” mahina ngunit puno ng galit niyang sabi.
“I’m just trying to understand—”
“Understand what?” putol ni Zeirah. “Na ako ang masama? Na ako ang may gusto sa kanya?”
Tumaas ang kilay ni Risa.
“Kung hindi totoo, bakit parang galit na galit ka?”
Napatingin si Zeirah sa kanya ng mariin.
“Alam mo kung bakit?” mariin niyang sabi. “Dahil ikaw na nga ang niloloko ng lalaking ‘yan, ako pa ang ginagawang kontrabida.”
“Enough, Zeirah,” malamig na sabi ni Risa. “Huwag mong insultuhin si Steve.”
Napapikit si Zeirah sa sobrang inis.Ilang segundo siyang tahimik, pilit kinokontrol ang sarili.Pagkatapos ay mariin niyang kinuha ang bag niya mula sa kama at naglakad papunta sa may pinto.
“Zeirah—”
Huminto siya saglit ngunit hindi lumingon.
“Kung gusto mong maniwala sa lalaking ‘yan kaysa sa akin, problema mo na ‘yon,” malamig niyang sabi. “Pero huwag mo akong gawing masama para lang maipagtanggol mo ang boyfriend mong manyakis.”
Pagkatapos noon, binuksan niya ang pinto at lumabas nang hindi na lumilingon. Malakas niyang isinara ang pinto sa likod niya. Sa hallway, mabilis ang paghinga ni Zeirah habang pinipigilan ang galit at sakit na nararamdaman. Hindi niya akalaing darating ang araw na hahantong sila sa ganito. Bukas na bukas din ay maghahanpa siya ng malilipatan dahil ayaw niyang makasama ang dalawa.