C48 ANTHONY POV “Where is she?” Tanong ko sa katulong ko ng makarating ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan mainis, dahil konting problema sa kompanya kailangan pang ako mismo ang pupunta. “Nasa taas po Senyorito.” Sagot niya habang mabilis ko siyang tinalikuran. Nang makarating ako sa room ko ay binuksan ko agad ito. Napatingin ako sa misa at nakita ang tray na may pagkain pa rin. “Manang!!” Malakas kong sigaw habang sinilip ko si Judy sa ilalim ng kama. “Hey! Lumabas kana… Nandito na ako.” Mahina kong wika para hindi siya matakot sa akin. “Judy..” Ulit kong sambit dahil hindi siya nakikinig. Hindi ko naman maiwasan na mapahawak sa noo ko, dahil malapit na namang nag-init ang ulo ko dahil hindi na naman siya nakikinig sa akin. “Bakit po Senyorito?” Napalingon ako

