C49 JADE POV “Jenny…” Hindi ko mapigilan na mapa-iyak habang nakikita si Mommy na mahigpit na niyayakap ang kapatid ko. “Jade, hija, salamat at nai-ligtas mo ang kapatid mo..” Ngumiti ako kay Mommy, at pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. “Sisiguraduhin kung pagbabayaan ng Davis na ‘yon ang ginawa niya kay Jenny.” Wika ni Daddy, habang tumingin sa kanya si Jenny. “A-ano po ang gagawin n’yo sa kanya Dad?” Taka akong napatingin sa kapatid ko dahil sa tanong niya kay Daddy. “Dad..Pwede po bang ‘wag n’yo po siyang saktan…. M-mabait naman po siy-.” “No Jenny! You’re wrong! Hindi siya mabait! Masama ang taong ‘yon at kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa ‘yo!!” Galit kong sigaw sa kanya. Alam kong soft hearted siya, at mabilis maawa, pero hindi niya pwedeng kaawaan ang taong

