Chapter 27 “Welcome home?”sabi ko. Nagpapractice kami sa Mansion sa pagbabalik ni Patrick. Balak kasi naming surpresahin si Patrick sa airport sa pagbalik niya dito sa bansa. At pinapractice nga naming nina Camille ang mga sasabihin ko kasi hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko. Kung paano ako magsisimula. Kung dapat ba muna akong mag-sorry o ano? “Ang pangit naman! Wala man lang bang ka-energy-energy, hindi ka man lang ba excited na makita ang the one that got away mo?” naikwento ko rin kasi sa kanila ang naging buhay ko sa Palawan, maging ang nararamdaman ko kay Patrick, pero sila lang ang nagsasabi na si Patrick raw ang One that got away ko. “Siyempre, excited ako na makita siya.” Sagot ko kay Camille. “Makita lang?” biglang sabat naman ni Mark. Tinignan ko siya ng masam

