Chapter 16 Kinuwento ko kay Mama ang mga nabalitaan kong kwento tungkol kay Lola Lolita. At maski siya ay hindi makapaniwala sa mga nabalitaan niya mula sa akin. Hindi naman raw kasi sinasabi ni Tita Teresa ang tungkol sa mga nasabi ko. Hindi niya alam na ganoon pala kalala ang epekto ng pagkawala ng Lolo Ambo kay Lola Loleng. Sa lahat raw kasi ng anak si Mama ang paborito ni Lolo Ambo. Matalino, maganda at mabait raw kasi na anak si Mama Amelia. Kaya mataas ang pangarap nila rito. Kaso, nang mabalitaan ni Mama na ipagkakasundo siya sa isang politiko ni Lola Loleng ay doon na siya tumakas at umalis sa lugar nito dito. Kwento-kwento pa na sumama raw sa lalaki si Mama para makaluwas pa Maynila pero base sa kwento ni Mama, ang mga inipon niyang pera sa pagsali-sali sa mga beauty contest at

