Chapter 15 Sumapit na ang ala-sais at inilabas ni Marlon ang isang bote ng alak. Excited na uminom sina Sheena at Alexa habang ayaw naman ni Meng kasi mapapagalitan raw siya. Kaya di na pinilit nila Marlon. Habang si Cecil ay ayaw rin kaya sa akin napunta ang baso. Tumingin sa akin si Cecil pero huli na, nainom ko na ang alak. Nakailang lagok pa ako ng alak at tila tinatamaan na ako. Hanggang sa naalala ko na iyong huling beses ako na uminom ng alak. It turns out na ginahasa ako ng tatlong lalake. At kaya ako napadpad sa lugar na ito. Tapos tinutulak-tulak na ako ni Cecil. Naririnig ko siya pero di malinaw ang mga salita niya sa tainga ko. Pero isang boses lang ang tanging nagpagising sa diwa ko ng oras na iyon, si Patrick. "Cecil, ilagay mo na sa tricycle iyong mga gamit niyo at

