Humagulhol siya sa iyak, napatigil lamang siya nang kumatok si Claude sa kuwarto niya at dire-diretso itong pumasok at naupo sa kaniyang kama. "Hi. Don't be sad. 'Wag mo na lang pansinin ang kapatid ko," saad nito sa kaniya. "Claude, ano bang kasalanan ko para sisihin niya ako?" "Wala kang kasalanan. I think, there's a reason kung bakit ginagawa niya 'yan sa iyo," tugon nito.. "Anong rason? Dahil ba ayaw niya sa 'kin? "I don't know. Anyway, gusto mo bang matikman ang ginawa kong ice cream?" nakangiting wika nito. "Ice cream? Marunong kang gumawa no'n?" "Oo, naman. Ginawa ko 'yon kagabi kasi nabo-bored ako," wika nito. "Talaga? Sige, gusto kong matikman ang gawa mo. Tara, dali," pakli niya. Sabay silang bumaba ng ground floor patungo sa kusina. "Ano bang flavor ang ginawa mo

