50

1059 Words

Tanghali nang nagising si Deanna. Araw naman ng Sabado kaya ayos lang na matanghali siya nang gising. Grabe, sobrang sarap ng tulog ko. Bigla niyang inunat ang kaniyang mga braso at marahang inikot-ikot iyon. Nagugutom na ako. Sabay hawak sa kaniyang tiyan. Lumabas na siya ng kuwarto niya para pumunta ng kusina. Nagulat siya nang makita niya sa sala si Claire. Kausap nito si Doña Estrella at ang magkapatid. Bakit ang aga niya namang pumunta rito? Kunwari ay hindi niya napansin kaya dire-diretso lamang siyang naglakad patungong kusina. "Good morning, Señorita! Ano po bang gusto ninyong agahan, heavy po ba o light lang?" "Heavy meal po kasi talagang gutom na ako at kailangang-kailangan ko po ng lakas ngayon," pakli niya rito. "Sige po, Señorita." Pinaghanda siya nito ng heavy meals.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD