Itinapat niya ang kaniyang tainga sa pinto ng kaniyang kuwarto upang pakinggan kong dumating na si Amaury galing school. Nasaan na kaya ang walang hiyang 'yon? Ang tagal naman niyang dumating! Mabuti pang doon muna ako tumambay sa sala para makita ko siya pagdating niya. Bumaba muna siya patungong sala, naupo siya roon at nanood ng tv. Nasaan na kaya ang gagong iyon? "Ateng!" tawag niya sa isang katulong na dumaan. Nahihiya siyang tawagin itong 'yaya'. "Bakit po, Señorita?" tanong nito sa kaniya. "Umupo ka po muna rito sa tabi ko, dahil may sasabihin po ako sa iyo," utos niya rito. Sumunod naman ito sa sinabi niya. "Ano po ba ang sasabihin ninyo, Señorita?" "Sa 'ting dalawa lang ito, ha? Kapag dumating si Amaury, tawagan mo ako sa kuwarto ko," pakli niya. "Sige po, Señorita. P

