Narinig ni Amaury na nag-uusap-usap ang kaniyang mga kaklase tungkol sa kaklase nilang nag-confess sa group ng school nila sa social media. Nakatayo sila sa may pintuan ng room nila, habang nagbabasa ng libro. Madalas niya iyong gawin na doon na lamang siya magbasa kahit nakatayo kaysa sa loob ng room nila na sobrang ingay. "Pare, alam ninyo bang si Nathan ang nag-confess na iyon? Siya lang naman ang naka-eye glasses dito sa 'tin, e." Bulalas ng kaklase niya habang sinasabihan nito ang kaibigan na kaklase niya rin. Napatigil siya sa pagbabasa dahil naalala niya ang lalaking hinahanap ni Deanna. Why is she looking for that man? Nagulat siya nang makita niya si Deanna na paparating kaya ang ginawa niya ay nilapitan niya si Nathan. "Nathan, pahiram nga muna ng eyeglasses mo, kasi susubuka

