"Amaury, puntahan mo na sa kuwarto niya si Deanna para makasabay natin siyang kumain," utos ni Doña Estrella rito. "Ay, huwag na, dahil nariyan na pala siya," pakli nito nang makita ang dalaga na patungong kusina. "Good morning po," bati niya. Umupo siya sa may tabi ni Claude. "Good morning din, Hija. Bakit parang hindi ka natulog kagabi?" tanong nito sa kaniya. Sino ba naman kasi ang makakatulog sa mga narinig niyang masasakit na salita. "Natulog po ako, Grandma, kaya nagising po akong hatinggabi tapos hirap na po akong matulog ulit," pakli niya. Nginitian niya ang matanda at kumuha siya ng kanina. "May oras talagang nangyari 'yan, Hija, basta hindi paulit-uli— teka nga, ano ang nangyari sa kamay mo? Bakit puno ng sugat 'yan?" tanong nito sa kaniya. Kaagad namang kinuha ni Clau

