Emay Malidom Halos isang buwan na kaming magkasama ni LJ sa opisina. Minsan, may awkward feelings ako, lalo’t alam kong nagkaroon siya ng relasyon sa babae. Maaga ako ngayon dahil magsisimula ang practice at photoshoot para sa mga irarampang damit next week. Pumunta ako sa hall kung saan inaayos ang rarampahan ng mga modelo. Si LJ abala naman sa pagmo-monitor ng sounds. Nandoon din ang mga kaibigan niyang sina Vhiel, Rich, at si Ms. Chelsia, isang modelo na isa rin sa magiging endorser. Hindi ko pa rin nakikita si Ms. Sebastian. Nasaan na kaya siya? “Ace, dumating na ba si Ms. Clere?” worried kong tanong, sa pag-aakalang nag-back out na naman siya. “Hindi ko pa siya nakita, Ms. Emay. Baka late lang 'yon. For sure, darating 'yon. Atsaka tiyak, hindi ka bibiguin nun,” may pang-aasar n

