Esther May Nagising akong ganito pa rin ang posisyon namin. Bahagya kong inilayo ang mukha ko. "Good morning. Gising ka na pala," saad ko sa kanya na tila nanigas sa itsura nito dahil sa posisyon naming dalawa. Napasinghap ito. "Good morning din, Ma’am Lj. Baka kasi magising ka kapag gumalaw ako," tila nahihiyang sagot nito. Babangon na sana ako ng bigla kaming magkasabay, dahilan para matumba ako sa dibdib nito. Parang dinaga ang dibdib ko. "So-sorry, Ma’am. Mag-CCR lang po ako," at mabilis kong tinungo ang banyo. "Haist, kanina pa ba 'yon gising? Bakit alam niyang tinitigan ko siya?" saad ko habang nakatitig sa salamin na nasa banyo. Inayos ko ang sarili ko at lumabas. Wala na siya sa kwarto. Maayos ang higaan. Maayos ang mga gamit nito. Wala na siya sa room, kaya bumaba ako para han

