Emay Malidom "I just want to say sorry." Hindi ako makapaniwala sa narinig mula kay LJ. Tila nag-echo ang sinabi niya sa isip ko. Sa tagal ng aming hindi pagkakaunawaan, hindi ko inakalang maririnig ko ito mula sa kanya. Ramdam ko ang kaba sa kanyang awra. Nanlalamig ang kanyang kamay habang nakahawak sa mesa. Halata ang pag-iwas ng tingin, pero ang bawat galaw niya ay nagtatago ng bigat na gusto niyang ilabas. "What did you say?" tanong ko, nagkunwaring hindi narinig ang sinabi niya. Gusto kong makasiguro. Ayokong magkamali sa narinig ko. "I said, I'm sorry," ulit niya, mas mababa ang boses at nakayuko. Napangiti ako, hindi dahil gusto kong ipakita ang saya, kundi dahil ramdam kong totoo ang sinasabi niya. Humingi siya ng tawad, isang bagay na matagal ko nang hinintay. Sana nga ito n

