Maagang umuuwi si Andy para sana hintayin si Alec, pero nasa harap pa lang siya ng gate ng bahay nila ay nakita na niya si Savanna na nakayuko. Mukhang naghihintay din ito. Hindi nga niya lang alam kung sino ang hinihintay nito, siya ba o si Alec. Lumapit siya dito saka seryoso itong tiningnan. “Anong ginagawa mo dito?” Napaangat ito nang tingin sa kanya saka tinawag nito ang pangalan niya. Napatiim-bagang siya. Pakiramdam niya ay nadumihan na ang pangalan niya dahil lumabas ito mula sa bibig ng kaibigan niyang ahas. Sa haba ng panahon na magkaibigan sila ay ngayon lang siya nagalit ng ganito kay Savanna. Kahit nga noon ay hindi naman sila nag-aaway. Kahit anong isip niyang kaibigan niya ito, na masama ang tumanim ng sama ng loob sa kapwa ay hindi mawala-wala ang galit niya sa ginawa n

