Nang maisara ni Andy ang pinto ay napatingin siya kay Alec na namumula na ang mga mata ngayon. Sari-saring mga emosyon ang nababasa niya sa mga mata nito. Nandoon ang lungkot, sakit, pagsisisi, at pag-aalala sa kanya. “Natapos nang sabihin ni Savanna ang gusto niyang sabihin. Ngayon, ikaw naman. Ano naman ang sasabihin mo para mapaniwala mo ako sa ‘yo? Galingan mo, Alec, para sa ‘yo ako maniwala at hindi kay Savanna.” Bigla itong lumuhod sa kanya saka umiyak. “Hindi ako gagawa ng kwento o kasinungalingan para sa akin ka maniwala, Andy.” Tumingin ito nang diretso sa mga mata niya. “Inaamin ko, nagkasala ako sa ‘yo. Totoong may nangyari sa amin ni Savanna.” Napapikit siya dahil parang isang matalim na bagay ang mga salita nito na tinutusok sa puso niya. Para sa kanya ay wala nang ikakas

