Tulak-tulak ni Andy ang cart na napupuno ng mga pinamili niya. Papalabas na siya ng grocery store nang biglang mahulog ang isang cellophane na binili niya at nagkalat sa sahig ang mga laman nito. Mabilis niyang pinagkukuha ang mga nahulog dahil maraming mga tao ang dumadaan. Napatingin siya sa isang lalaki na bukod tanging tumulong sa kanya sa kabila ng dami ng tao na dumadaan. Nagpasalamat siya sa naging tulong nito sa kanya. “Mag-isa ka lang?” tanong nito nang maipasok na niya sa cellophane ang mga nahulog. Tumango naman siya bilang sagot. “Dapat may kasama ka sa paggo-grocery lalo na’t madami kang binili.” “It’s okay, sanay naman ako na ako lang ang namamalengke. Busy din asawa ko sa trabaho.” Napatitig ito sa kanya na tila nagulat sa sinabi niya. Bahagya naman siyang natawa sa mukha

