Binuksan na ni Andy ang pinto ng bahay nila saka pumasok. Nakangiti siyang pumasok pero nawala ito nang makita ang asawa. “Babe, nakauwi ka na pala. Hindi mo man lang ako t-in-ext.” Lumapit ito sa kanya saka hinalikan siya sa pisngi. Kumunot ang noo niya nang mapansin na namamawis ito kahit na hindi naman mainit. “Anong ginawa mo?” Nagulat ito at tila hindi na mapakali. “H-Ha? Anong ibig mong sabihin?” Bahagya itong napaatras nang akma niyang hahawakan ang noo nitong pinagpapawisan na. “Anong ginawa mo at pinagpapawisan ka?” Agad na pinunasan nito ang noo. “W-Wala. Kagagaling ko lang kasi sa pag-exercise.” Kumunot ang noo niya. “Excersie? Nang ganitong oras?” Ngumiti ito sa kanya saka siya hinawakan sa balikat at ginaya siya sa kusina. “Wala namang pinipiling oras ang pag-e-e

