Nasa mall si Andy at nagtitingin-tingin sa mga tindahan, nag-iisip siya kung ano ang pwedeng ibigay niya sa susunod na dadalaw siya sa mga bata. Nagtingin-tingin siya sa mga school supplies. Malapit na din pala ang pasukan at magsisipag-aral na ang mga ito. Habang nagtitingin-tingin siya ay napalingon siya sa gilid nang may mahagilap ang kanyang mga mata. Napatuwid siya ng tayo nang makita si Savanna na naglalakad habang may kahawak itong isang lalaki. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito. Alam niyang si Savanna ito dahil nakita niya ang kalahating mukha nito. Masaya pa nga ito habang kausap nito ang kasama nitong lalaki. “Savanna!” Ilang beses niya itong tinawag pero mukhang hindi siya nito narinig dahil hindi ito lumingon sa kanya at nagpatuloy lang ito sa paglalakad

