“Hindi ka pa ba matutulog, Babe?” Napatingin si Andy kay Alec na nasa hamba ng pinto ng kusina nila. “Alas dyes na ng gabi pero gising ka pa din,” sabi nito habang nakatingin sa relong pambisig nito. Lumapit ito sa kanya. “Mapupuyat ka niya kasi gigising ka pa ng maaga bukas.” “Tikman mo ito, Babe.” Hindi niya sinagot ang tanong nito at kumuha ng cookie na kanyang b-in-ake. “Masarap ba?” nakangiti niyang tanong dito. Kinain naman ito ng asawa saka tumango-tango. Hinalikan siya nito sa noo. “It’s delicious, Babe. Sigurado akong magugustuhan ito ng mga bata.” Napangiti siya sa sinabi nito. “Hindi ka pa ba matutulog?” tanong nito ulit. “Later, Babe. Matatapos na din naman ako. Kailangan ko na lang ay ilagay ito sa mga cellophane para maibigay ko na ito sa mga bata bukas.” Napatingin siya

