Relax ka lang!
Ilan beses na kinalma ni Mandie ang sarili habang kaharap ang isang matangkad na lalaki. Ito ang napili niya para maka-one night stand ngayong gabi. Halatang sanay naman ito sa mga ganoong bagay kaya hindi na ito magtataka kung kumilos siya na parang matagal na silang magkakilala.
Maraming itinurong tips si Jecca sa kaniya bago niya ito nakumbinsi na isama siya sa bar na iyon. Habang inaayusan siya ng kaibigan kanina ay ilan beses pa nitong ipinaalala sa kaniya ang ilan sa mga tips nito.
Una ay dapat daw na umakto siyang sosyal. Sa bagay na iyon ay medyo palpak siya. Kahit maganda ang ayos niya ngayong gabi ay hindi kayang takpan niyon ang totoong pinagmulan niya. Napakasimple lamang niyang kumilos kahit pa parang sa isang totoong socialite ang ayos niya ngayon.
Pangalawa ay kailangan daw niyang akitin ang lalaking mapipili niya. Kailangan niyang umakto na parang matagal na silang magkakilala para hindi ito mailang sa kaniya. Base daw kasi sa naobserbahan ni Jecca sa mga lalaki ay marami sa mga ito ang ayaw ng babaeng mahinhin at mahiyain. Pwede siyang magtagumpay sa ikalawa dahil sa dami ng ininom niyang alak ay nawala na ng unti ang hiya niya. Kahit nga sa mga sosyal na kasama ni Jecca ay nakipagsabayan na siya at hindi na nakaramdam pa ng hiya.
Naaaliw na pinagmasdan niya ang lalaki. Gwapo ito. Mali! He looks so perfect and yummy. Kulay asul ang mga mata nito na parang isang malawak at malalim na karagatan. Kanina pa niya ito pinagmamasdan habang nasa malayo ito at may babaeng kausap. Noong una ay naaliw lang naman siya sa tuwing tumatama ang ilaw sa kulay tsokolateng buhok nito. Pero sa bandang huli ay hindi na niya magawang alisin pa ang mga mata niya dito. Parang namagnet na siya at tuluyan na itong sinundan sundan.
Simple lang naman daw ang kalakaran sa mga ganoong lugar. Oras na ngumiti ang isang lalaki sa isang babae ay nangangahulugan na iyon ng 'something'. Hindi man siya sanay sa mga bagay na nakasanayan nila Jecca ay nakahanda siyang sumugal.
Mali. Nakahanda kang sirain ang sarili mo dahil galit ka sa nanay mo.
Napakagat labi siya at bandang huli ay napaigtad nang humakbang palapit sa kaniya ang lalaki.
Naipikit niya ang mga mata nang sumayad ang mga daliri nito sa pisngi niya.
Diyos ko...
nahigit niya ang paghinga nang maamoy ang pinaghalong amoy ng alak at pabango ng binata na malayang nanunuot sa ilong niya. Nakakawala ng sarili ang kakaibang epekto ng ginawa nitong pag ipit ng ilang hibla ng buhok niya sa gilid ng kaliwang tenga niya.
"Are you okay, baby?" bulong nito sa kaliwang tenga niya. Tinangka niyang umatras pero masyadong mabilis ang mga braso nito na pumigil sa baywang niya.
"Y-yes.." halos panghinaan siya habang bumubuga ito ng mainit na hangin sa bandang leeg niya. Dahil nakaharang sila sa daan ay iniyakap nito ang isang kamay sa baywang niya at masuyong dinala siya sa isang sulok ng bar. Medyo maliwanag doon kaya nakita niya na nakatutok ang mga mata ni Jecca at ng mga kasama nito sa kanila ng lalaki.
Napansin niya na halos maglaway si Jecca habang nasa lalaking kausap niya ang atensiyon nito. Nang sulyapan siya nito ay pumalakpak ito at nginitian siya na parang inuudyukan siya na ituloy ang plano.
Kailangan kong ituloy ang plano. Kailangang mawala ang pagkabirhen ko dahil ayokong maging pambayad utang nila inay. Patawarin ako ng langit pero napapagod na akong intindihin sila. Kailangan ko itong gawin para sa sarili ko.
Sabi nga ng ng nanay niya ay: Ano na lang ba ang pagkabirhen sa panahon ngayon? sus! wala na iyon! ang importante ngayon ay hindi kumukulo ang tiyan natin sa gutom.
Napakawalang kwentang dahilan! Para sa isang katulad niya na nangangarap ng simpleng buhay ay isang masakit na katotohanan iyon. Totoo man o hindi ang paniniwala ng kaniyang inay ay masakit pa rin para sa kaniya na mismong dito niya pa iyon narinig.
Kaya kailangan niyang gawin ang isang bagay na ayaw niya. Tutal naman ay hindi daw importante ang pagiging birhen ng isang babae. Kailangan niyang magrebelde at ipamukha na maling mali ang mga ito.
Pinapungay niya ang mga mata at sinalubong ang humahangang tingin sa kaniya ng lalaki. Maingat na ipinulupot niya ang mga braso sa leeg nito at nagsalita.
"Pwede mo ba akong dalhin sa ibang lugar? Please? ayoko dito, masyadong maingay." paanas na sabi niya. Idinikit pa niya ang mga dibdib sa katawan nito para mawalan ito ng pagkakataong tumanggi.
Kung ganito kagwapo ang aangkin sa akin, payag ako. Payag na payag ako!
"At saan naman, baby?" naglakbay ang mga kamay nito sa baywang niya at kontentong yumakap doon. Sa ginawa nito ay hindi siya nakaramdam ng kahit anong pagkailang. Kontento siya dahil pakiramdam niya ay gusto siya nitong protektahan sa mga bagay na pwedeng makapanakit sa kaniya.
Baby? s**t.
Nakakatunaw ng puso ang malambing na tinig nito. Kahit nagkaroon na ng rebolusyon sa loob ng dibdib niya ay pilit na ngumiti pa rin siya at sinagot ang tanong ng gwapong tagapagligtas niya.
"Sa heaven."
At alam niya na naiintindihan nito ang ibig sabihin ng heaven.
------------------------------------------
"Alam mo, ang gwapo mo talaga."
Iyon ang mga salitang unang lumabas sa mga labi ni Mandie nang makapasok na sila ng binata sa isang engrandeng hotel suite. Hindi niya akalain na sa ganoon karangyang lugar siya dadalhin ng lalaki. Sa pagkakaalam kasi niya ay mga VIP customer lamang ang maaaring makakuha ng ganoon karangyang silid.
Ibig sabihin ay hindi lang basta nagmula sa isang may kayang pamilya ang lalaking napili niya. Base na rin sa mamahaling kotse na gamit nito at sa hotel na pinagdalhan nito sa kaniya ay natitiyak niya na totoong big time nga ito.
Pero hindi naman importante sa kaniya ang pera. Kung siya nga lang ang masusunod ay hindi sa isang bar siya pupunta. Pero wala naman siyang ibang malapitan maliban kay Jecca. At dahil may gimik ito ngayong gabi ay nagdesisyon siyang sumama para nga isagawa ang plano niya.
"You're drunk, sweetie." natatawang sabi ng binata.
Mula sa nagsisilbing sala ng hotel room kung saan sila naroon ay maingat na binuhat siya nito para dalhin sa mismong silid. Parang nahilo naman siya sa ginawa nito kaya iniyakap niya ang mga braso sa leeg nito.
"Hmmmm...." may namuong init sa sikmura niya nang aksidenteng dumampi ang mga labi niya sa mabangong leeg nito. "Teka nga pala, ayokong tinatawag mo akong sweetie. Ayoko, may pangalan ako. Hindi sweetie o baby. Mandie, tama Mandie ang pangalan ko. At ikaw, ano nga pala ang pangalan mo?" aniya sa inaantok na tinig.
Mahinang umungol siya nang ibaba na siya ng lalaki sa malambot na kama.
"Taru,"
"Taru?"
"Kentaru, babe."
"Kentaru? Pangalan ba iyon? hindi lugar o bansa? baka naman pangalan ng isang Japanese restaurant iyan?" tanong niya.
Tinangka nitong tumayo pero mas pinagbuti niya ang pagpulupot ng mga braso sa leeg nito. Nawalan ito nang panimbang kaya napilitan itong umibabaw ulit sa kaniya. Mabigat ito pero nakaya niya dahil na rin sa pag alalay nito.
"Kentaru Campbell ang buong pangalan ko. May dugong Japanese ang mommy ko."
"Japanese ka?" bulalas niya.
"A little."
Masusing pinagmasdan niya ang buong mukha ni Taru. Hindi pa siya nakontento at sinapo ng mga palad niya ang pisngi nito. Umusod pa siya pababa para magpantay ang mga mukha nila.
"Hindi ka mukhang Japanese. Siguro dahil nga medyo malayo na sa dugo mo. Mas tamang sabihin na mukha kang American. Kamukha mo ang mga bidang lalaki na napapanood ko sa mga English movie." Humahangang hinaplos niya ang kaliwang pisngi nito. "Taru.... Ang sarap bigkasin."
Mula sa pagkaaliw ay nahaluan ng kakaibang kislap ang mga mata ni Taru. Pagnanasa ba ang tawag doon?
May kung anong pintig siyang naramdaman sa ibabaw ng puson niya at ayaw niyang magbaba ng tingin para alamin kung ano iyon. Baka mas lalong magwala ang puso niya.
"Say it again," namamaos na anas ni Taru at ibinaon nito ang mukha sa leeg niya bago ito mahinang umungol.
"H-huh?" nalilitong tanong niya.
Nakakalito ang nararamdaman niyang init. Ang excitement. Parang kinikiliti ng ilang daang kuting ang puso niya.
"I want you to say my name, iyong paulit ulit. Hanggang sa mapagod tayo. Hanggang sa magsawa tayo. I want you, baby."
"T-taru..." gustuhin man niyang ulit ulitin ang pagbigkas sa pangalan nito ay parang imposible iyon. Nagkaroon na kasi ng bara sa lalamunan niya kaya hirap siyang magsalita.
"Oh! Crap!" tuluyan na itong hindi nakapagtimpi at inangkin ang mga labi niya.
Nagulat siya dahil sa pagbaha ng napakaraming sensasyon sa katawan niya. Hindi niya mabigyan ng pangalan ang kakaibang nararamdaman niya habang sakop nito ang mga labi niya. Parang tinatangay siya ng hangin. Para siyang isang bagay na unti unting nawawalan ng gravity.
Hindi ni magawang tumutol ni Mandie dahil una pa lang ay wala na iyon sa isip niya. Mayroong kung anong koneksiyon siyang naramdaman sa binata na kailanman ay hindi niya pa naramdaman sa iba.
"Babe?" tumigil ito sa paghalik at pinagdikit ang mga noo nila. "Are you sure about this?" parang nag alangan ito na muling angkinin siya.
"Lesson number three. Huwag kang mailang at kailangan game ka. Kapag hindi ka nagresponse malamang na magdalawang isip sila. Ang karamihan sa mga boys ayaw ng babaeng inosente. Hassle daw kasi iyon." naalala niyang bilin ni Jecca sa kaniya.
Oh my god! nakalimutan niya ang itinuro ni Jecca sa kaniya sa loob lang ng ilang sandali. At ang lahat ng iyon ay dahil sa lalaking kasama niya. Dahil sa nakakapanghinang mga halik nito.
"Yeah, I'm sorry may naalala lang ako. Promise, hindi na mauulit."
Ngumiti ito. Nang muli siya nitong hagkan ay buong pusong tumugon siya. Kinalimutan niya ang lahat. Kinalimutan na muna niya ang dahilan dahil nagiging totoo na ang lahat sa kaniya. Naglakbay ang ekspertong mga palad nito sa ilalim ng suot niyang miniskirt.
Mariing naipikit niya ang mga mata at nahaplos ang mga hibla ng kulay tsokolateng buhok ni Taru nang dumako ang mga daliri nito sa mismong undies niya. Lumalim ang paghalik nito sa kaniya at halos ikabaliw niya iyon. Sinundan niya ang bawat paggalaw ng mga labi nito at mabilis niyang natutunan iyon.
"Taruuuu!" mahinang umungol siya nang tuluyan na nitong mahubad ang suot niyang panloob. Nakita niyang ihinagis nito iyon sa may paanan ng kama. Nang tumbukin ng isang daliri nito ang kaselanan niya ay napasigaw siya at halos sabunutan na ito.
Hindi niya alam na ganoon pala kasarap iyon. Napakasarap na gusto niyang ulitin dahil nasisiguro niya na hahanap hanapin ng katawan niya ang pagsambang ginagawa ni Taru sa katawan niya.
"Babe.." anas nito at pinakawalan ang mga labi niya.
"Hmmm?" tumaas baba na ang dibdib niya dala ng matinding tensiyon. Hindi na niya kayang magsalita ng mas mahaba pa sa isa o dalawang letra. Baka tuluyan nang mapatid ang katinuan niya.
"Oh... Jesus.. You're so beautiful," hinaplos ng isang palad nito ang kanang pisngi niya. Kinintalan niya ng magaang halik ang tungki ng ilong nito. Ang isang daliri nito ay patuloy sa paglulumikot sa p********e niya kaya napapaigtad siya. Napapaangat ang likod niya. Naroong ititigil niya ang pagsabunot sa malambot na buhok ni Taru at ibabaon ang mga kuko sa likod nito.
Ohhhhh... nasasaktan ba niya ito sa pagbaon niya ng mga kuko niya sa balat nito? napakasama niya kung ganoon. Dahil sa kabila ng masarap na ipinapalasap ni Taru sa kaniya ay nagagawa pa niya itong saktan at sugatan ang likod nito. Mahaba pa naman ang mga kuko niya.
"A-ang..ang likod mo.." napaangat ang katawan niya ng muling ibaon nito ang daliri sa kaloob looban niya.
"I'm okay," ipinagpatuloy nito ang ginagawa sa kaniya. Hindi niya na halos namalayan kung papaano nito nahubad ang suot niyang miniskirt.
Muling bumalik sa normal ang paghinga niya nang itigil nito ang ginagawa. Ang akala niya ay aalis na ito sa ibabaw niya pero hindi pa pala. Hinubad lang nito ang suot na t-shirt. Halos dumugo na ang pang ibabang labi niya dahil sa mariing pagkagat kagat niya doon nang tumambad sa kaniya ang perpektong katawan ni Taru.
Malapad ang mga dibdib nito at may magandang hugis ng mga balikat na siyang gusto niya sa isang lalaki. At nasisiguro niya na napakasarap din tikman ng mga pandesal nito sa tiyan.
Muling yumuko ang lalaki at isa isang hinubad ang butones ng pang itaas niya. Nakita niyang kumislap ang mga mata nito nang tumambad dito ang malusog na mga dibdib niya. Tinulungan niya itong hubarin ang suot niyang damit.
Pero pagdating sa b*a ay hirap na hirap ito. Nalukot ang gwapong mukha nito at nagsimulang mainis. Kahit nabibitin ay hindi niya mapigilan ang mapahagikhik. Daig pa kasi nito ang batang inagawan ng lollipop dahil sa biglang pagbabago ng mood nito.
"Argh! You're teasing me!" umarko ang isang kilay ni Taru at pinanggigilan siyang kagatin sa balikat. Malakas na tili ang pinakawalan niya kasabay ng muling paghabol niya ng paghinga.