Hell! Mapapakinabangan pa ba kita?
inis na napabuga ng malalim na buntong hininga si Taru habang may kapit siyang kopita ng alak. Kagaya ng dati ay mainit na naman ang ulo niya dahil sa naging pagtatalo nila ng daddy niya. Pinipilit siya nitong magpatingin sa isang magaling na doktor dahil naniniwala daw ito na may malalang sakit siya.
Bullshit! alam niya ang sintemyento ng daddy niya sa kaniya at kahit nakakainis ay naiintindihan naman niya ito. Tatlong taon na kasi magmula nang literal na tumigil sa pag ikot ang mundo niya. Mula sa pagiging playboy ay nagtransform siya bilang isang mahigpit at workaholic na CEO ng Quantum Advertising Company.
Ang international company na ipinamana sa kaniya ng lolo niya sa mother side. Maliban sa hawak niyang kompanya ay mayroon pang ibang negosyo ang pamilya niya na nasa pamamalakad naman ng daddy niya. Parehong nagmula sa makapangyarihang angkan ang mga magulang niya kaya hindi nakapagtataka na maraming kompanya -maliit man o malaki-ang nasasakupan ng mga Campbell.
"Kentaru Campbell, wala ka na talagang pakinabang, alam mo ba iyon? hindi mo na mabibigyan ng apo ang mga magulang mo. Wala nang magmamana sa mga ari-arian ng pamilya mo kaya galit sa'yo ang daddy mo. Hindi na lang daw dapat siya sumunod sa payo ng doktor na isang anak lang dapat ang gawin nila ng mommy mo, dahil useless ka pala. O kaya naman ay nag ampon na daw dapat sila noon pa para naman hindi lang ikaw ang aasahan niya na magbigay sa kaniya ng apo..ah, no..ng mga apo." pagak na natawa siya habang nakatitig sa kopita.
Nang inumin niya ang alak ay tuluyan nang kumalma ang katawan niya. Kahit papaano ay nababawasan na ang inis sa dibdib niya. Tama, kailangan niya ng alak para makalimot. Kailangan niyang magpakalasing para naman hindi na niya maalala kung gaano siya kawalang kwenta. Kung gaano siya nainsulto nang sabihin ng daddy niya na naputol na ang angkan ng mga Campbell pagdating sa kaniya.
"Hey,"
Awtomatikong umangat ang isang sulok ng mga labi niya ng
may isang magaang kamay ang pumatong sa balikat niya. Dahan dahan niya itong nilingon.
"Thea." matipid na tugon niya.
"Sorry pero hindi ako si Thea." disappointed na wika nito.
"Sorry," malamig na tugon niya.
"Okay lang," naupo ito sa bakanteng silya na katapat niya. "Hindi mo ba ako natatandaan? We made s*x three years ago at hindi lang isang beses iyon."
So? Tatlong taon tumigil ang mundo niya. Tatlong taon niyang kinalimutan ang dating siya. Kung hindi lang naman siya napuno sa daddy niya dahil sa pagtatalo nila kanina ay hindi siya aalis ng mansiyon at babalik pa sa bar na iyon.
"Naaalala ko na sinabi mo sa akin dati na paborito mo ang bar na ito, kaya madalas din akong magpunta dito. Umaasa ako na magkikita pa rin tayo. Nag enjoy ako sa ginawa natin noon at gusto kong maulit iyon, nang paulit ulit." kinagat nito ang ibabang labi at namumungay ang mga matang tiningnan siya.
Iglap lang ay naramdaman niya na umaakyat na sa kaliwang binti niya ang isang paa nito. Naramdaman pa niya ang pagtusok ng dulo ng high heels nito sa tuhod niya bago nito tuluyang tinumbok ang pagitan ng magkabilang hita niya.
Madilim sa sulok na iyon ng bar kaya natitiyak niya na walang makakakita sa ginagawa nito. Idagdag pa na ang paa lang naman nito na nasa ilalim ng mesa ang gumagawa ng milagro sa kaniya. Itinukod ng babae ang siko nito sa mesa at nangalumbaba. Nakita niya ang matinding pagnanasa sa mga mata nito.
Hindi na niya matandaan ang pangalan nito. Sa dami ng mga babaeng nagdaan sa buhay niya ay hindi na niya maalala pa ang karamihan sa mga ito. Tahimik na pinagmasdan niya ito.
"Hindi mo pa rin ba ako maalala? I'm Tricia." yumuko ito na tila ba ipinangangalandakan sa kaniya ang malaking dibdib nito na halos lumuwa na sa suot nitong dress. Matipid na ngumiti siya habang patuloy pa rin ang babae sa ginagawang pang aakit sa kaniya.
Kayang kaya niya itong pagbigyan. At ngayon na nagrerebelde siya sa ama ay gusto niyang patunayan sa lahat na siya pa rin ang dating si Kentaru. Umilalim ang mga kamay niya para hawakan ang paa ni Tricia. Nagulat naman ito sa ginawa niya. Bago pa ito makahuma ay hinubad na niya ang suot nitong high heels. Ibinaba niya ang zipper ng suot niyang maong jeans para mas maramdaman nito ang init ng p*********i niya.
"Ooooh! s**t!" napaungol ito at parang bitin na bitin na nagsalita ulit.
"Can we do this somewhere baby? I need you now, Oh! heaven!" ipinasok nito ang isang daliri sa loob ng pantalon niya.
Naramdaman niya ang bawat paggalaw ng daliri nito. Ang bawat ungol nito ay halos bumingi sa kaniya kasabay nang malakas na music na pumapailanlang sa loob ng bar. Dapat ay nabuhay na ang init sa katawan niya.
Dapat ay nagmamayabang na 'iyon' sa babaeng kasama niya. Kaya niya itong dalhin sa kahit saang madilim na sulok ng bar na iyon at angkinin. O kahit sa hotel. Kaya niya itong paligayahin ng higit pa sa inaasahan nito.
Pero hindi ngayon. Hindi na kasi muling uminog pa ang mundo niya. Hindi na niya maalala ang dating siya. Napayuko siya at dismayadong tumutok ang mga mata sa bagay na nasa pagitan ng mga hita niya.
Wala ka na talagang pakinabang pa! hiyaw niya sa isip. My God! He was celibate for almost three years and he can't do something about his 'bad' situation.
Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Taru at itinaas ang zipper ng pantalon niya.
"Let's go?" namilog ang mga mata ni Tricia pero namutla rin ito ng umiling siya.
"Dito ka na lang, wala ako sa mood ngayon." tugon niya at tumayo na.
"What?" natigagal ito at pagkaraan ng ilang segundo ay nang uuyam na tiningnan siya. "Totoo nga siguro ang tsismis. Alin sa dalawa, bakla ka o totoo ngang hindi na muling tumatayo 'yan alaga mo dahil sa nangyari sa'yo three years ago?"
Nagdilim ang mukha niya at mariing nagsalita. "Ulitin mo pa iyan at may kalalagyan ka. Kilala mo ako, hindi ako madaling kalaban." banta niya.
"I-im sorry." nababahag ang buntot na napayuko ito. Mahinang napamura siya at iniwan na ang babae. Ilan babae pa ang nagtangkang lumapit sa kaniya pero nilampasan lang niya ang mga ito.
Damn! hindi na dapat pala siya nagbalik pa doon. Hindi na rin dapat niyang tangkain na ibalik pa ang dating siya dahil imposible na iyon.
Agad na kumunot ang noo niya nang bigla ay may babaeng humarang sa daan. Inihanda na niya ang sariling sigawan ito pero natigilan siya nang mapagmasdan ito.
Wow. Kulang pa ang salitang maganda para ilarawan niya ang hitsura ng babae. Dahil kung siya ang tatanungin ay daig pa nito ang diyosang bumaba mula sa langit dahil sa nakakaakit na inosenteng kislap ng mga mata nito.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang pumitlag ang puso niya. Kakaibang init ang lumukob sa kaniya habang nakatitig siya sa malambot at mamula mulang mga labi ng babaeng kaharap niya. Natutunaw siya. Nagliliyab. At gustong gusto niya ang mga bagay na nararamdaman niya ngayon. Gusto niya itong angkinin. Nang paulit ulit. Nang buong buo.
Iglap lang ay naramdaman na niya ang unti unting pagkabuhay ng p*********i niya....