//Hindi ko yata kaya..//
Ilan beses na napahinga ng malalim si Mandie habang patuloy na pinagmamasdan ang mga nagkikislapang ilaw sa loob ng malawak at madilim na bar na kinaroroonan niya. Pakiramdam niya ay nakakulong siya sa isang maliit na kahon at kahit anong gawin niya ay hindi niya magawang makaalpas.
//Kailangan mong gawin ito...kailangan mo..//
Tama. Dahil kung hindi pa siya kikilos ay baka tuluyan nang magtagumpay ang kaniyang ina. Kailangan niya itong maunahan bago pa mahuli ang lahat para sa kaniya.
"Saang lupalop mo ba natagpuan 'yan kasama mo, Jecca? First time niya?" ang maarteng tanong ng babaeng kasama nila. Nakaarko ang isang kilay nito habang tinititigan siya. Nahihiyang nagbaba siya ng tingin.
"Friend ko siya since high school pa kami. Hayaan mo na nga lang, masasanay rin siya." sabi ni Jecca dito.
Masasanay? Napangiwi siya. Hindi siya nakasisiguro sa bagay na iyon dahil kung siya ang masusunod ay iyon na ang una at huling beses na makakatuntong siya sa ganoon kasosyal na bar. Maliban sa nakakailang makisalamuha sa mga mayayaman na tulad nila Jecca ay hindi rin talaga niya ugali ang magbar hopping.
"May napili ka na ba?" nakangiting tanong ni Jecca sa kaniya.
"Wala pa." matipid na tugon niya. Halos mabingi na siya sa umaalingawngaw na tugtog at sigawan ng mga tao doon.
"Uh, inumin mo na muna para lumakas naman kahit papaano ang loob mo." iniusod nito palapit sa kaniya ang isang kopita ng alak.
"Hindi ako umiinom" nakangiwing tanggi niya.
"No, no, no! nag usap na tayo bago ka sumama dito, ang sabi mo papayag ka sa kahit anong gusto ko. Kaya uminom ka na." pilit nito.
Bumuntong hininga siya at matamang tiningnan ang kaibigan. Kahit siya ay nagtataka kung papaano siya naging malapit dito. Papaano nga ba? Ah, siguro ay dahil palagi niya itong binibigyan ng pabor noong mga bata pa sila.
Dahil nga mayaman si Jecca ay nakukuha nito ang kahit anong gusto. At isa sa mga gusto nito ay ang gawin niya ang lahat ng projects at assignments nito noong high school pa sila. Payag naman siya dahil handa itong magbayad ng malaki para sa serbisyo niya. Kinukulang kasi madalas ang baon niya kaya kailangan din niyang gumawa ng paraan para makaraos siya sa mga gastusin sa eskwelahan. Alam niyang marami ang nagtataka kung bakit patuloy pa rin ang paglapit ni Jecca sa kaniya kahit nakagraduate na sila. Nakatuntong ito ng kolehiyo at ngayong taon nga ay graduating na. Samantalang siya ay natigil sa pag aaral at hindi na pinangarap pang magkolehiyo dahil sa kakapusan sa pera.
Mabait si Jecca. Sosyal man ito at kilalang playgirl sa lugar nila pero hindi mababago niyon ang pagkakaibigan na nabuo nila sa loob ng ilang taon. Siguro nga ay hindi niya gusto ang ginagawa nito minsan pero mahalaga ito para sa kaniya.
At ngayon na siya naman ang may kailangan dito ay hindi ito tumanggi na tulungan siya ng walang kahit anong kapalit.
"Mandie?"
Naikurap niya ang mga mata nang marinig ang tinig ng kaibigan. Mababakas sa mukha nito ang determinasyon na ipatikhim sa kaniya ang isang bagay na kailanman ay hindi niya ginusto. Tumango siya at dinampot ang kopita ng alak. Inisang lagok niya iyon bago siya mahinang napaubo. Narinig niyang nagtawanan ang mga kasama nila sa mesa.
"Oh, baby, you so look hot!" nanggigigil na sabi ni Arnie, isang lesbian na kaibigan din ni Jecca. Muling nagtawanan ang mga ito. Hindi niya pinansin iyon at nakapikit ang mga matang pinakiramdaman niya ang sarili.
Ang init... may kung anong init na namumuo sa loob ng dibdib niya pababa sa sikmura niya. Pakiramdam ni Mandie ay nanunuyo ang lalamunan niya.
Mainit pero masarap... dahan dahan niyang iminulat ang mga mata. Nakita niyang nakatingin sa kaniya ang mga kasama.
"Nagustuhan mo ba?" ang tanong ng isang maliit na babaeng hindi na niya matandaan ang pangalan.
Mabilis na tumango siya. Naghagikhikan ang ilan sa mga ito.
"One more!"
Maging siya ay napahagikhik din. Ilan kopita na ng alak ang ininom niya. Kumakapal na ang balat niya sa pisngi dala ng matinding init.
"Jecca, may kakambal ka ba?" tanong niya sa kaibigan. Bigla ay naging dalawa na kasi ang tingin niya dito.
"Oh, great! lasing ka na talaga, my friend! ano pa ang hinihintay mo? Maghanap ka na ng prospect mo para ma-devirginize ka na tonight!" tili ni Jecca.
"Sssshhh!" napahagikhik siya. "Baka marinig ka nila." aniya at tiningnan ang mga kasama nila. Pero imposible pala na marinig ng iba ang sinabi ni Jecca dahil abala na ang mga ito sa kaniya kaniyang kadate.
Pinagkiskis niya ang mga palad at nang uminit iyon ay inilagay niya sa magkabilang pisngi. Hindi niya maintindihan kung init o lamig ba ang lumulukob sa katawan niya.
"C.r lang ako." sabi niya. Tumango naman si Jecca. Kahit hirap kumilos at nahihilo ay pinilit niyang tumayo.
"Kapag hindi ka na bumalik, isa lang ang ibig sabihin, nakahanap ka na ng gwapong boylet. Call me na lang ha?"
"Sure." medyo sumusuray pa ang paglalakad niya hanggang sa makarating na siya ng comfort room.
"Ang gusto ng boss ko babaeng birhen. Regalo niya sa anak niya. Ikaw anak ba pwede? Handa siya bayad malaki pera."
Natigilan si Mandie. Muli na naman niyang naalala ang isang masakit na tagpong halos sumira sa katinuan niya. Nagsikip ang dibdib niya at nakakuyom ang mga kamaong pumasok na siya sa loob ng isang bakanteng cubicle.
Pero muli siyang natigilan nang may marinig siyang kaluskus at mahihinang ungol mula sa kabilang cubicle.
"Ohhhh! Greeeeg! Harder honey! hardeeeer!"
"I'm cuming! Oooh! I love you, honey!"
Ilan malalakas na ungol pa bago tila nasasaktang sumigaw ang tinig ng isang babae. Namumutlang napaupo siya sa toilet bowl. Animo ay sumali siya sa kung anong marathon dahil sa napakabilis na t***k ng puso niya.
Alam niya ang ginagawa ng dalawang nilalang sa kabilang cubicle. Oo nga at inosente siya pero hindi naman siya tanga para hindi mahulaan ang bagay na iyon. At sa halip na matakot ay parang nakaramdam pa siya ng hindi maipaliwanag na excitement. Na para bang gusto rin niyang gawin ang pinagkakaabalahan ng mga ito. Gusto rin niyang sumigaw na para siyang nakatayo sa rooftop ng isang mataas na building at unti unting bumubulusok paibaba.
Lasing na nga yata talaga ako...