"Janna Bakit naman ayaw mo? Ayaw mo bang makasal tayong dalawa? Tsaka ayaw mo ba na tuparin ko iyong pangako ko sayo noong si Bonenay ka pa, kahit na ngayong si Janna ka na. Dalawang beses na ako sayo nangako kaya dapat lamang na tuparin ko iyon. At isa pa magsasama na tayo kaya dapat lamang na makasal tayo kahit na simpleng kasal lang." pahayag nito sa kanya pero paulit-ulit lamang siyang umiling. "Cedrick alam mo ang kalagayan ko, hindi pa natin alam ang mangyayari sa hinaharap kaya dapat lamang na huwag tayong magdesisyon ng padalos-dalos. Alam mo ang sakit ko at ang may sakit na ganito ay walang karapatang bumuo ng sarili niyang pamilya lalo na ang magpakasal. Pero pumayag ako na makasama ka pero hindi pa napapanahon para magpakasal tayo. Hindi natin alam kung gaano na kalala ang ka

