Kinabukasan niya muling bumalik si Janna at si Cedrick sa hospital pero umuwi din sila ng wala sa oras kahit nandoon na rin si Mother Superior dahil nagwawala si Janna Mae. Ayaw siya nitong makita dahil siya ang sinisisi nito kung bakit nagkandaleche-leche daw ang buhay nito. Hiyang-hiya naman sa paghingi ng paumanhin sa kanya ang mga magulang nito pero sabi niya ay naiintindihan naman niya. Kahit si Mother Superior ay hindi rin nagustuhan ang inasal na iyon ni Janna Mae. Si Cedrick naman ay hindi na nag-abala pang makipagtalo kay Janna Mae. Pinapansin na rin siya nito pero hindi na katulad ng dati, nararamdaman pa rin niya ang pagmamahal nito ang pag-share nito pero medyo nag-iba na nga lang sa dati nitong ginagawa. Nagpasya din ito na tuluyang i-lock ang pintuan patungo sa terrace ng

