"Sabi ko na nga ba, hindi ka talaga masamang tao, iho. Masiyado ka lang pormal at seryoso sa trabaho pero alam kong kaya mo talagang alagaan ang anak ko." Masayang wika ni Mommy. "Masaya ako na makita kayong ganito." Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang kumakain. Napaiyak na rin ako... Wala akong masabi sa lahat ng ito. Masiyadong mahaba ang gabi para sa usapan na naganap sa lamesa. "I'm good to people who don't disobey me. Your daughter is different. Hindi siya mahirap mahalin. She's kind and obedient. I also like her innocent. I like everything about her. Wala akong rason para hindi siya magustuhan agad." Nakita kong pinagsalinan ako ni Peter ng tubig sa aking baso, saktong nauuhaw ako bigla sa sinabi niya kaya ininom ko agad ito. Sumisinghot na rin ako. Hindi na ako mapalagay sa

