Chapter 51 Series 08: Leighton Achilles Yvanov Mabilis ang takbo na ginagawa ng mga magulang ni Leigh habang tinatahak nila ang hallway ng hospital na pinagdalhan kay LAY matapos sabihin ng information staff kung saang kwarto na admit si LAY, abot-abot ang kaba ni Leigh at ng kaniyang ina ng tumawag ang ospital na pagmamay-ari na Tad sa nangyari kay LAY. Kasunuran din nilang humahangos ang buong Phantoms ng tawagan sila ni Tad, kahit sila ay nag-aalala sa kalagayan ng kaibigan nila. Wala silang pakielam kahit pinagtitiginan sila ng mga tao sa loob ng ospital, dere-deretso lang nilang tinatahak ang hallway ng ospital upang puntahan ang kwarto ni LAY. Nang malapit na sila sa kwarto ni LAY ay nakita nilang lumabas doon si Tad na napalingon sa kanila na agad ikinalapit ng ina ni Leigh dito

