Chapter 52 Series 08: Leighton Achilles Yvanov “T-tan-tan?” “Mukhang nakakita kayo ng multo ah, kamusta?” nakangiting pahayag nito sa kanila na ikinatuod lang nina Alpha sa kinatatayuan nila habang nakatingin sa kaibigan nilang alam nilang matagal ng patay. “I think I should go muna, see you later Yvanov.”sambit na paalam ni Tad dahil pakiramdam niya ay kailangan niyang umalis. Deretso ng lumabas si Tad sa kwarto ni LAY kung saan naiwan niya ang mga may gulat sa mukhang mga kaibigan ni LAY. Kahit si LAY at Athena ay hindi makapaniwala sa nakikita nila, hindi makagalaw si Athena sa kinatatayuan niya habang nakatingin dito dahil napanuod niya sa malaking screen sa nagdaang kaarawan ni LAY na pinatay ito ng kapatid niya, na ginilitan ito ng kapatid niya. Na ikwento din ni LAY sa kaniya n

