PATAWAD

1116 Words
Nakita ni allan ang mga nakatagong yaman na pweding ibenta sa ibang nasyon upang gawing pondo. "Sobrang dami nito at ang mga bagay na dito ay para dapat sa mga tao" Pumunta si allan sa harap ng madaming tao at kinuha ang kanilang atinsyon. "Mga mahal kong kaba-bayan makinig kayo sa sasabihin ko" walang sino-man ang nagtangkang lumapit maliban sa isang bata, ang batang ito ay suot suot ang damit na binigay ni allan. Pinag tinginan siya ng mga tao at sinigawan. "Hoy bata umalis ka dyan" Sigaw ng nakararami, ang ina ng bata ay agad na humingi ng patawad, nakita niya ang balat ng ina ay halos makita na ang buto sa payat. "Pasensya na po patawarin nyo po aking anak" Lumapit si allan at itinayo ang mag ina na naka luhod sa harapan nito. "ako dapat ang nagsasabi niyan" Nilakasan ni allan ang boses niya upang marining siya ng marami. "Patawarin nyo po ako sa nagawa kong kasalanan sana bigyan nyo ako ng isa pang pagkakataon upang baguhin ang mga pagkakamaling nagawa ko" Ang mga naka rinig nito ay nagulat, ang dating walang kinakatakutang prinsipe ay humihingi ng paumanhin sa harap ng madaming tao. may iilan na nakumbinsi at ang ilan naman ay hindi ito tanggap. "Alam ko hindi nyo ako handang patawarin pero pangako ko ay hindi na tayo magugutom sa susunod na ilang araw" Natuwa ang taong bayan habang ang iba ay hindi naniniwala, "Hindi na ako naniniwala diyan halos ilang dekada na akong nagugutom" tugon ng mga hindi naniniwala. dumagungdong ang pangyayari sa kanilang bayan, kahit ang kanyang ama ay hindi maka paniwala sa ginawa nito. "Ang anak ko si allan gagawin ang bagay na ito?" Nakipag ugnayan si allan sa ibang bentahan ng mamahaling bagay upang mapalitan ito ng ginto. hiniwalay ni allan ang mga walang kwentang bagay at hindi kapaki-pakinabang. "Ahh sobrang daming basurang gamit dito pero maganda din ito ibenta" naipon ni allan ang limang malaking sakong punong puno ng ginto pero hindi pa ito sapat upang mabago ang sistemang nakasa-nayan nila. "Kaylangan ko mag hanap ng mga taong may sapat na talino at talento upang matulungan ako" Nag pakalat si allan ng mga papel at dinikit kung saan saan, para maka hikayat ng endibidwal na may aking talento o talino, naka sulat dito na bibigyan niya ng dobleng sahod and sino mang may aking talento. "Tignan niyo itong inilabas ng prinsipe" Sobrang daming tao ang nag punta upang sumubok, ngunit apat na tao lang ang naka pasa sa mga katanggian hinap ng prinsipe. pumasok ang apat na indibidwal at nagpakilala isa isa kay allan. "Ako po si kelzy prinsipe may sapat na talino sa pag hawak ng pera" "Ako naman po si sunny isang witch hadang Protektahan ang prinsipe" "Ako po si fabie kilala bilang magaling sa pakikipag usap sa harap ng madaming tao" Meron isang batang babae ang lahi niya ay hindi tao, nag mula siya sa isang lahi ng lobo nag sasalita siya ngunit hindi marinig ni allan ang kanyang sinasabi. "Hoy bata hindi namin marinig ang sinasabi mo" Sigaw ng isang guwardya. pinigilan ni allan ang guwardya at lumapit ito sa bata, binuhat nya ito sa harap at pinaupo sa kanyan upuan. "Anong pangalan mo?" Gulat na gulat ang mga guwardya at ang iba pang naka kita nito, nanlaki ang mga mata dahil sa unang beses palang itong nangyari sa kasaysayan. "Ah eh yumi" Hindi maka tingin ng diresto si yumi sa prinsipe dahil sa ginawa nito. nakita din ni allan ang mga personal na impormasyon ng apat na indibidwal ng mabasa nya ang kay Yumi. lumaking walang magulang at pagala gala sa lansangan. Naawa si allan na makita niya ang suot nitong damit na punit punit at nakayapak, sinabi sa publiko na. "Simula ngayon ang batang ito, hindi si yumi ay magiging naka babata kong kapatid" Pinaalis ni allan ang mga tao at inutusan niya ang mga ito upang bihisan si yumi, ang balita ay kumalat ng husto ang pag apon niya kay yumi. Pumasok ang kanang kamay ng kayang ama at tinatanong kung ano ang pumasok sa isip nito. "Mahal prinsipe anong kaloko... anong ibig sabihin nito?" Galit na galit si lenard at ang tono nitong pasigaw, agad na napansin ni allan ang tono nito at tinignan niya ito harap harapan. "Hindi ko na kaylangan pang ulitin o baka may problema ka sa disisyon ko" Natakot si lenard sa titig ni allan at umalis agad ito at di na muling tumingin sa likuran. Tinawag si allan ng kanyang ama sa isang pribadong kwarto upang kausapin siya sa mga pangyayari, naka titig ito sa bintana at naka tingin ng malayo. "Ama bakit nyo po ako Pina-tawag" Limingon ito patalikod at kina usap si allan ng masinsinan. "Nabalitan ko kay lenard ang mga pinag-gagawa mo" Takang taka ang ama niya kung anong nangyari simula ng mahimatay si allan ay tila nag bago ang pagkilos nito. Sinabi ni allan ang balak nito sa kanyang ama. "Babaguhin ko ang sistemang naka paikot sa ating bayan" Laking gulat ng ama ng marining niya galing kay allan ang salitang babaguhin. "Pero hindi ka naman ganyan" Gumawa ng paraan si allan upang hindi ito mapansin ang kanyang kilos. "Oras na para magbago" Umalis si allan ng kwarto habang ang kanyang ama ay naka tingin padin sa binta, napa-ngiti ito ng nalaman na nagbago na ang pag uugali ng kanyang anak. "Haha narinig mo ba yon mahal" Bumalik si allan sa kanyang opisina upang maghanda ng plano sa gagawin niyang malaking hakbang, ilang sigundo ang lumipas kumatok si yumi sa kwarto para ipakita ang kanyang damit. "knock" "Prinsipe" Naka tago si yumi sa likod ng pinto na tila nahihiyang magpakiya kay allan. "Hali ka at umupo ka tsaka sumula ngayon ay tawagin mo na ako kuya" Pag pasok niya ay nakita ni allan suot ang malinis na damit, magandang sapatos at maayos na buhok. Nabigla si allan ng makita niya ito. "Loli? kalma FFBI ako ng wala sa oras" "waw tignan mo cute mo pala pag naka ayos ka simula ngayon di mo na mararanasan ang paghihirap mo nuon" Pangako ni allan bakas sa mukha ni yumi ang labis na pagka saya. Ipininatawag ni allan si kelzy upang ihanda ang pondong gagamitin para sa gagamiting paghanda. "Mahan na prinsipe" Lumuhod si kelzy bilang pag bigay respeto. "Ihanda mo ang mga perang gagamitin natin para sa isasagawa kong hakbang" Agad agarang umalis at inasikaso ang utos ng prinsipe. "Masusunod mahal na prinsipe" Lumabas si allan para puntahan ang mga nasasabing problema sa bayan at tignan itong maigi para magawan ng paraan, sinama niya si yumi at sunny sa pag labas ng kastilyo. "Samahan nyo akong tignan ang ilang lugar ng bayan"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD