ALLAN
Isang umaga sa metro manila meron isang lalaki, disenteng tao nag mamaniho ng kayang mamahaling sasakyan, pag-baba ng kotse ay isang gwapong lalaki ang lumabas,
"magandang umaga boss"
agad siyang sinundo ng mga guwardya upang tulungan siya si allan.
Si allan ay isa sa pinaka mayamang tao sa buong metro manila sa edad na 29 ay meron na siyang bilyong bilyong pera, lumaki si allan sa ampunan, walang magulang at kaibigan, naging libangan niya ang pag-babasa ng mga libro kagaya ng economics, politics, philosophy at iba pa, nagbibigay din si allan ng napalaking pera bilang donation para sa mga walang makain, Hindi niya kayang maka-kita ng naglilimos sa daanan.
Naka ilang kasitahan na si allan subalit hindi niya mahanap ang mga katanggian na hinahanap niya sa isang babae, ang mga nagiging karelasyon kasi ni allan ay habol lang ang kayamanan niyang taglay.
"Ugh kelan kaya ako makakahanap tunay na pag-ibig"
Isang araw papunta si allan gamit ang pribadong eroplano pumutang cebu upang makapag relax, habang nasa biyahe ay sumabog ang kaliwang parte ng eroplano at nag pagiwang giwang eto sa ere.
"Anong nangyayari?"
Nag papanick na si allan sa loob ng eroplano nang makita niya ang labas ng bintana ay umuusok ang pakpak ng sinasakyan niya.
"Anong gagawing ko?"
tumama ang eroplano sa bundok at sumabog ang buong sasakyan.
"Boom"
Nagsasalita si allan sa panaginip na tila may kausap siya "Sino ka"
"Wag kang lalapit"
nakita niya ang isang imahing babae pero hindi niya makita ang mukha.
Pagdilat ng kanyang mga mata ay naka higa siya sa isang malaking kama at agad agad tumayo, ang buong katawan ay basang basa sa pawis at nag hahabol siya ng hininga.
"Hah,Hah,Hah"
Kinakapa niya kanyang sarili ng maalala niya ang mga nangyari.
"Panaginip? huh,hah"
gulat na gulat si allan ng makita niyang walang bali o sugat siyang natamo, habang pinagmamasdan ang palig ng bahay napag tanto niyang hindi niya ito pag aari.
"Ha nasan ako hindi ko pamamahay ito"
Pumasok ang Katulong na nag aalaga sa buong bahay
"Master oras na po para kumain"
at ng makita niya ng gising si allan ay agad siyang umalis.
Gulong gulo ang pag iisip ni allan ng marining niya ang sinabi ng katulong, aksidenteng napatingin si allan sa salamin at napansin niyang nagbago kanyang hitsura.
"Anong nangyari hindi ako ito"
Ang histura ni allan ay bumalik sa pag ka binata ilang beses niyang sinapal ang sarili kung sakaling isang ilusyon lang ang lahat ng ito.
"pak, pak, aw"
pero namula lang ang kanyang pisngi.
"Paano ito nasaan na ba ako"
Nagbihis si allan ng kayang damit at lumabas ng kanyang kwarto, lahat ng katulong ay tila takot na takot sa kanya, walang tumitingin sa kanyang mga mata.
"Bakit sila naka tingin sa sahig?"
patuloy siyang naglalakad at pinag-mamasdan ang nasa paligid.
"Anong klasing lugar ito"
Nakasalubong ni allan ang isang guwardya at bumati sa kanya ito.
"Magandang umaga prinsipe allan"
Tulirong tuliro na si allan sa mga nangyayari.
"Prinsipe allan? Huh kelan pa ako naging prinsipe eh boss ang tawag sakin"
Pagbaba ni allan para kumain ay nakita niya ang ama ng dating prinsipe.
"Anak kumain kana"
pagkasubo ng pagkain ay biglang sumakit ang ulo ni allan, sa sobrang sakit ay napa-dapa ito sa sahig.
"Ahhhh"
Sa sobrang sakit ay napasigaw nang napasigaw si allan at unti unti niyang naalala ang memorya ng dating prinsipe, labis ang pagka-alala ng kanyang ama sa nangyari kay allan.
"Allan okay kalang, tulungan nyo ako"
Nawalan ng malay pansamantala at hiniga siya sa kama, tinitignan ng doctor ang kayang kalagayan.
"Okay naman siya, siguro naka inom lang si allan ng alak tapos ay nasobrahan"
nang malaman ng ama niya ang balita ay gumaan ang kanyang kalooban.
"Salamat doc"
ilang oras ang lumipas si allan ay muling nagising at nalaman niya ang dating memorya ng prinsipe.
"Ngayon alam ko na na hindi ako nasa Earth kung di nasa ibang mundo"
Ang dating prinsipe ay ganid,mayabang at walang awa kaya takot na takot ang mga tao sa kanya tuwing nakikita siya.
"magka-pareho pa kami ng pangalan"
naglibot si allan sa labas ng kanilang palasyo, nakita niya ang mga magagandang bulaklak.
"Ngayon nalang ulit ako naka-kita ng bulaklak"
ng tumayo ito para silipin ang kanilang nasasakupan laking gulat niya.
"Anong klasing lugar ito"
Napansin niyang ang mga tao ay walang maayos na damit nag aagawan sa pagkain at maraming krimen na nangyayari.
"Eto na ba ang bago kong tirahan kung saan magulo't walang makain"
Kinabukasan ay umalis si allan ng palasyo upang makita nang husto ang kalagayan ng mga tao, pagka-tapak niya sa maliit na pintuan ay nag tinginan ang mga tao sa kanya at kung ano ano ang ibunubulong.
"Naku andito nanaman siya"
Naglalakad si allan upang obserbahan mga problema subalit meron bumato sa kanyang likuran
"Tak"
"Ouch"
Nang tumingin si allan ay walang tao na nasa likuran niya, hinayaan niya nalang ito at nag patuloy sa paglakad, subalit sobrang dami na ng mga bagay na tumatama sa kanya agad siyang tumakbo papalayo.
"Hoy di ako nandito para makipag away"
Hindi pinakinggan ang mga salitang sinabi ni allan at gustong gusto siyang paalisin.
"Umalis ka dito demonyo ka dahil sa inyo kaya kami nag hihirap"
Nang makalayo si allan ay naalala niya na ang dating prinsipe ay ninanakawan ang mga tindahan at pinapadukot nito ang ilang kababaihan.
"Hay naku oo nga pala nasa katauhan ako ng dating prinsipe"
Nakita ni allan ang isang batang natutulog sa sahig walang suot na damit at gutom na gutom, agad siya lumapit at ibinigay ang kanyang damit.
"Bata eto gamitin mo tong damit kong malaki at kumain ka"
Nag aalin-langgan ang bata kung tatangapin niya ba ito o hindi.
"Kainin mo na yan o ikaw kakainin ko raw"
pabirong sinabi ni allan.
Natakot ang bata at agad niya tong kinaan, nang siya'y masarapan unti unti niya itong naubos, ibinigay ni allan ang kanyang baong tubig.
"Dahan dahan lang sa pagkain ito umunom ka ng tubig"
Bumalik si allan sa kanyang palasyo, nalaman niya ang mga pagkukulang nang dating prinsipe sa mga taong bayan,
"Pano ko ba mababago ang reputasyon ko, hindi ko panga tanggap ang mapunta sa mundong ito"
napansin din niya na hindi lang tao ang mga naninirahan sa mundong ito.
Kagaya ng pusang tao, elves, witches at iba pa sa kasarian.dito din karamihan na insidenting pagdukot ng mga tao upang ibenta sa ibang lugar labis, ang pagka galit ni allan sa dating prinsipe.
"Napaka walang kwentang tao nitong dating prinsipe"
Nag iisip si allan ng paraan upang mabago ang takbo nang kanilang kaharian at malinis ang kanyang pangalan, kinumbinsi niya ang kanyang ama para gamitin ang mga naitatagong kayamanan upang magamit ito.
"Ama pwede ko bang hingiin ang mga naitatagong kayamanan"
Pumayag naman ang kanyang ama at walang alin-langan sumagot pero napansin ng ama niya ang pagbabago ng kanyang kilos pero hinayaan niya muna ito.