DENNIS POV
Kahit sobrang kirot nung pesteng sugat na namuo sa braso ko ay di ko maiwasang mapangiti.
#^___^#
Natotouch ako dun sa reaksyon niya, kitang kita yung pag-aalala sa mga mata niya. Ewan ko ba, di mapigilan ng puso kong matuwa.
At ang lalong nakakatuwa pa ay nung tanungin niya ako, kung okay lang daw ako! Yahhhhh!! Ibig sabihin naaalala na niya ako?
Bat ba ganito yung tuwa ko? Nahulog na nga kame sa tuytuy ganito pa yung saya ko? Tch! Ehh malay ko ito yung nararamdaman ko ehh!
Tapos nararamdaman ko yung braso niya na naging unan ng ulo ko. Hmmmmp Paano kaya yun nangyare?
Di kaya?..
Sinadya niya yung gawin para di ako masaktan?! Tchhhh nakakatuwa naman, he care's for me parin ^......^
.
.
.
.
.
.
.
Back to reality!
Parang nagulat siya dun sa tanong ko, muling nakakunot yung noo at salubong yung mga kilay niya.
Problema nito?
Siya na nga itong dahilan bat kame nahulog dito, tapos parang siya parin yung inis. Dali sagutin mo na ako! Naalala mo na ba ako?
Agad niyang inis na inalis yung braso niya sa uluhan ko at tumayo, sabay inis na nagpagpag na suot niya.
"Naringig ko lang kanina pangalan mo, hindi kita kilala" halatang inis na sagot niya.
"Totoo ba yan o galit ka lang talaga sa akin!"
Come on Daryle alam kong may tinatago ka! Yung pag-aalala mo, natural yun! Isang pag-aalala ng tao sa isang taong mahalaga sa buhay niya at di basta kakilala! Hmmmmmp..
Pero paano nga kung totoo?
Kwinento kase sa akin ng mabilisan ni Kuya Ram yung aksidenteng naharap niya. Nung umalis pala siya dito nung nakaraang taon ay nangyare yun. Anim na buwan rin daw na walang malay si Daryle.
At nang magising ay di na niya kilala ang nanay niya at pati ako di na rin niya naalala. Wowww ahhh kadalasan sa mga palabas lang nangyayare ang ganito.
At ang kadalasang nabubura sa memorya ng taong may Partial Amnesia ay ang mga taong mahalaga sa kaniya bago mangyare ang insidente!
Hmmmmm for sure mahalaga talaga ang nanay niya sa kanya. Pero ako? Bakit ako di rin niya maalala? Ibig sabihin ba nun ay!
"Assumero.."
Parang napahiya naman ako sa sinabi niyang iyon.
"Pwede ba tumahimik ka na! Nakaka-irita na ehh' kung isa ka mang kakilala na di ko maalala dahil meron akong pesteng amnesia na ito wala ka ng paki-alam! Hihilingin ko nalang din na wag ng bumalik ang ala-ala ko, kaysa naman makilala pa kita. Tiyak naman ako isa ka sa mga walang kwenta sa buhay ko" sabay ngisi niya at muling tumalikod. "Bakla.. Manloloko"
Bakla..? Manloloko? s**t! Mahina man ang pagkakasabe niya ay dinig na dinig ko yun! Sinasabi ko na nga ba, wala talaga siyang Amnesia! Iniiwasan niya lang ako.
Pero para saan?
(?____?)
Siguro masakit pa sa kanya ang paghihiwalay namin! Ibig sabihin ba nito, may nararamdaman pa siya sa akin?
"Teka lang!", mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ko siya sa mga braso niya. Natintahan yun ng bahagyang dugo. Shhiiittt muling kumirot ang sugat ko!
(>____>)
Nagulat nalang ako paglingon niya ay ang sama ng tingin niya, pabato niyang inalis ang kamay ko at ..
(@____@!!)
(U____U!!)
BLAGGGGGGGGGGGGGG!!
TINULAK NIYA AKO NG SOBRANG LAKAS (t____t)'
Muli akong sumalpak dun sa may buhanginan sa paanan nung punong raprap na napapalibutan ng maraming pako (Fern).
Arayyyyyyyyyy!!
Muling kumirot ang sugat ko dahil tumama yun sa may malaking bato na naka salpak din mismo dun sa bungad nung puno. Muli kong tinapalan yun ng kamay ko at dahan dahan itong tinignan.
Shit! Ang sakit talaga..
"Gago! Trandado ka ahhh!" agad akong napatingin ng maringig ko yung pamilyar na boses.
Nakita ko nalang si Daryle na nakasalampak narin sa lupa at galit na nakatingin kay Krab.
Sinuntok siya ni Krab
Tch!
(>___>)!!
Di ko alam kung anong mararamdaman ko, di ko alam kung kanino ako magagalit. Tch, naawa ako kay Daryle na may dugo na ngayon sa may bandang labi. Pero siyempre nauunawaan ko si Krab kung bakit niya ginawa yun.
Siguro nag-aalala siya sa akin, kitang kita ko kase yung galit sa mukha niya habang panay sulyap rin sa akin na puno ng pag-aalala ang mga mata.
Tigil mo na yan Krab..
Susuntukin pa sana ni Krab si Daryle pero mabilis naman itong naawat ni Kuya Ram na nakababa na rin mula dun sa di naman kataasang Cliff mula sa may palayan malapit sa tuytuy.
"Tama na Brad.." sabi ni Kuya Ram.
Inis namang umalis si Krab sa pwesto nila at mabilis na lumapit sa akin. Dun ay bumulusok na ang pag-aalala sa mukha niya.
"Okay ka lang?" malambing niyang tanong.
Okay lang ako Krab ko, yang matang yan na puno ng pag-aalala paano ako hindi magiging ayos.. (^___^)
Tinanguan ko lang siya, sabay napasulyap sa sugat ko. Siyete sobrang kirot!
"Di kase nag-iingat ehh, may palapit lapit pa kaseng nalalaman" muli akong napatingin sa kanya. Merong selos at pagtatampo sa tinig niya.
Pero nagulat ako ng hinubad niya yung sando niya.
KRIKKKKKKKKKKKKKKKKT!
(a/n: Tunog yan ng napunit na sando! Wag kayong ano! Tch!)
"Krab?" nagulat ako ng tumambad yung katawan niya. Wowww aaa? That body is enough to heal those wound in my Arm :)
"Ngingiti ngiti mo dyan?" inis na sabi niya sabay kuha sa kamay ko hininat niya ito pahaba.
"Arayyyy! Dahan dahan naman" di ko mapigilang mainis. Sobrang sakit kase nung pagkakahila niya ehh.
"Tss.." singhal niya sabay dahan-dahan pinulupot na yung sando niya sa may mga sugat ko. "Nakakaramdam ka pala ng sakit, eh nung mahulog kayo? Parang tuwang tuwa ka pa ahh" sarkastikong sabi niya sabay lapit ng husto sa akin habang unti unting tinatali yung sandong basa niya sa sugat ko.
"Krab?"
"Wag lang sana pati loob mo nahulog na rin sa kanya.."
BIGLA AKONG KINABAHAN!
!!D____D!!
Kitang kita ko yung inis sa mukha niya, tapos dahan dahan niyang tinali yung punit na sando sa may sugat ko. Parang nakapawi sa sakit na aking nararamdaman yung lamig dulot ng tubig na nanatiling nananuot dun sa sando niya.
Pero kinabahan parin ako! Si Krab parang nagseselos! Huhuhuhuhuhu..
Tumayo naman siya at inalalayan akong tumayo. "Dennis okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Kuya Ram na di naming napansin na nasa harap na pala.
"OooK—"
Di ko natuloy yung sasabihin ko..
"Ayus na siya, at wala ka na dun. Bumalik ka nalang dun sa pinsan mo at pagsabihing mag-ingat siya sa pinaggagawa niya", sabay duro ni Krab kay Daryle na nakatayo katabi si Ceith.
Sinamaan rin nito ng tingin si Krab.
Shit! Not Again!
"Pasensiya na, ako na ang humihinge ng patawad sa ginawa ng Pinsan ko. Sorry Dennis.." si Kuya Ram na tinanguan ko nalang.
Pag ngumiti kase ako, may kahulugan nanaman yan dito kay Krab. Tch!
"Sige pare umalis ka na.." masungit na sabi ni Krab.
"Ang sungit mo.." bulong ko sa kanya. Tinignan niya lang ako ng masama.
"Tara na" mahina at may inis na sabi niya. Puma-una na siya at sumunod naman ako nasa baba pa kameng lima. Wala pang umaakyat sa taas, meron nman dun parang batong tapakan paakyat kaya walang problema.
Pero ang problema ko ngayon! Huminto si Krab sa harap mismo ni Daryle..
*LUNOK*
Yung galit kitang kita sa mga mata nila, Tila may lazer na naglalaban sa kanilang pagkakatitig.
"Tinitingin tingin mo?!" mayabang na tanong ni Daryle.
"Wala akong pake kung dati kang kaibigan ni Dennis! Sa susunod na makita kong kantihin mo siya (Sabay Turo sa akin, kinabahan bigla ako), Lagot ka sa akin"
"Lagutin mo yang mukha mo!"
"Anong sabi mo!" akmang susuntukin ni Krab si Drayle ng pigilan siya ni Ceith.
"Alam mo, magsama kayo niyan! (turo sa akin ni Daryle! Sunod sunod na lunok ng kaba ang nagawa ko), Para kayong mga walang kwenta. Siya ang lumapit sa akin diba? Tapos ako sisihin mo?", sabay dura sa may gilid. "Ehh baka naman bakla yang kaibigan mo hahahhaha.. Type mo ba ako?", sabay tingin sa akin na may nakaka-inis na ngiti.
*LUNOK*
*LUNOK*
*LUNOK*
*LUNOK*
*LUNOK*
*LUNOK*
Puta?! WatDaPak, di ako ready sa mga ganitong tanong! Sa mga ganitong harapan!
Yung kaba ko di parin naalis.
"Gago ka ba!" sasapakin sana siya ni Krab nang maunahan siya ni Daryle! Tumba agad si Krab, napatingin ako kay Daryle at binigyan ko siya ng masamang tingin.
"Ikaw ang gago! Ano ako tanga para magpasuntok ulit sayo? Bicolano ako! Manila Boy ka. Wala kang laban sa akin!"
"Tama na", mahinahong paki-usap ko nang mapansin kong gustong tumayo ni Krab at gumanti.
"Umalis ka na dito sa harapan ko habang nasa katinuan pa ako, dahil pag mandilim ang paningin ko. Kulang pa ang salitang m*****r para maranasan mo ang lupet ko"
Ngumisi si Daryle ng nakakaloko.
Please tama na, wag ka nang magsalita Daryle (>____>|
"Nasa teritoryo kita, dahan dahan ka ng pananalita mo. Dahil kulang pa ang salitang kamatayan para maglaho ka sa mundong ito!"
"Daryle! Tama na!", awat ni kuya Ram. Agad na nagsimula maglakad si Daryle, si kuya Ram naman ay nag-iwan ng titig na tila humihinge ng despensa. Tinanguan ko nalang ulit siya.
"Hmmmmp!" si Krab sabay sipa sa may buhangin. Galit siya, galit na galit.
Muli kong tinignan si Drayle sa taas na tila nakikipagtawanan na. Mas nainis ako dun, parang ginagawa nila kameng katatawanan. Sila ni Ceith yung nadidinig kong naghahalgalpakan.
Sana nga totoong may amnesia ka, at hihilingin kong wag mo na ako muling maalala. Iba kana, hindi ka na yung dating daryle. Kalaban ka ng mahal ko, kaya wag na wag ka ng magpapakita sa akin!
Inis na bulong ko sa aking isipan.
"Krab?"
"Mag-usap tayo mamaya", tumayo na siya at inis na tumaas na pabalik sa tutuy. Naiwan akong nakanganga at puno ng pagtataka.
0____0???
Anong pag-uusapan natin Krab? Kinakabahan ako..
GANNY'S POV
Fuck you! f**k you! Wag na wag kang magpapakita sa akin ulit, dudurugin ko talaga ng pino ang katawan mo.!
Hindi kame nag iimikan ni Krib pabalik sa bahay nila. Naiinis ako sa kanya, may palapit lapit pa kase siyang nalalaman. Ehh ano naman kung di siya naalala ng Lintek na Hinayupak na yun?!
Bakit may gusto pa ba siya ipaalala?
Dahil sa kalandian niya, nahulog siya sa tulay na yun at ang nakaka-inis ay yung saya sa mata niya kanina ng magkatabi sila ng Punyetang yun! Putang Ina nakaka-asar talaga!
Krib andame mong tinatago sa akin!
"Krab ko hintayin mo naman ako" naringig kong paki-usap niya. Hinarap ko naman siya na may inis sa mukha.
"Kaya mo ngang makipagngitian pagkatapos mahulog sa tulay, ang paglalakad pa kaya di mo kaya?" inis akong tumalikod ulit.
"Ex ko siya"
*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*
(>!______>!)
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, napuno yun ng pagkagulat at kaba. May namutawi ring inis sa aking isipan.
Anong sasabihin ko?
Kaylangan ko ba siyang pasalamatan dahil pinamukha niya sa akin na ex niya ang hinayupak na yun.
Ex niya pala ehh?! Bat lalapit lapit pa siya!
Naiinis ako sayo Dennis!
Inis akong tumalikod at muling naglakad, habang siya naman ay alalang alala yung mukha.
"Krab.."
Dirediretso lang ako at nagliliyab sa galit at inis ang pagkatao ko. Ano bang naisip niya at sinabi niya pa yun?! Pwede namang isekreto niya nalang yun ehh!
Yung si Milo? For sure ex niya rin yun! Pati yung nasa Jeep! Panigurado kalandian niya rin ang isang yun.
Nababadtrip ako sayo!
Hindi naman siya babae pero kung katihin daig pa ang pokpok. Lintik na buhay ito!
Napahinto ako sa paglalakad ng makakita ako ng dalawang paa, nakatungo kase ako nun sa lupa habang naglalakad.
Pagtingala ko ay nakita ko yung mga blanko niyang mga mukha.
Magpapaliwanag ka? Pwes di ko kaylangan ng paliwanag mo!
Pero bigla namang napukaw ang puso ko ng makita ko yung paghawak niya sa braso niya na natatakpan ng sando ko.
Kita ko sa mga mata niya yung kirot.
Kainis kung di lang talaga kita mahal! Badtrip Ohhh..
"San ba yung daan dito?" tanong ko habang nakatingin sa malayo. Nagtatampo lang ako sayo Krib kaw naman kase eh.
"Dito Krab ko, liko lang tayo papunta nayan dun sa likod bahay" sinulyapan ko siya ng mabilis at kita ko yung lungkot ng mga mata niya.
"Geh mauna ka, susunod ako sayo" walang ganang utos ko sa kanya.
Sorry Krib, nakakasama ka lang kase ng loob. Sinasaktan mo ako ng todo (--___--)!!
Wala kameng kibuan hangang sa makarating sa bahay nila.
Tulad ng inaasahan, sinalubong kame ng maraming tanong. Keso ano daw nangyare? Ano ba daw ginagawa namin? San daw kame nagpupunta?
Pero naayos naman, dahil naipaliwanag ng magaling kong prinsesa na aksidente lang daw ang nangyare!
Hindi siya nandamay ng iba, sarili niya lang daw na katangahan. Yun ang lalo kong kinainis, parang pinagtatakpan niya yung Daryle na yun!
Ang nandun na ay ang Lolo't lola niya, mga kuya niya pati yung pinsan niyang si Ralphyzon.
Si Lola Carmen naman ay kinuha na yung pinaglabhan namin at siya na daw magbabanlaw sa may Gripo.
Madumi daw kase yung sa sapa.
Pina'inom naman kame ni Vince ng buko Juice, na talaga naman napakasarap. Parang tinanggal nun yung inis sa kalooban ko.
Pero meron paring konti..
Abala sa pagtingin sa mga alagang manok si Vince at ang Lolo ni Dennis. Habang si Ralph naman at Brenth ay nasa kusina, parang nagluluto sila.
Si Lola Carmen naman ay binabanlawan nga yung nilabhan namin.
Tapos kameng dalawa ni Krib ay walang imikan dito sa istambayan nila, habang umiinom ng buko juice at kumakain nung laman ng niyog na puno ng gatas.
Ang sarap ng iniinom at kinakain ko, pero napakasama ng lasa ng pakiramdam ko. Tch! Dumagdag pa to sa problema ko, paano ko ngayon sasabihin yung tungkol sa pag alis ko?! Lintek naman Ohhh, may tampuhan kame ngayon kaya parang ang panget na magmoment ako tungkol sa paglayas.
Tch!
Tangna! Badtrip!
>(!!_____!!)
"Krab ko? Sorry na please.. magpapali—"
Agad akong tumabi sa kanya at hinawakan yung kamay niya, kaya naman di na niya natuloy yung sasabihin pa.
Pero sa malayo ako nakatingin..
Hmmmmp ang lamig na ng kamay ng Krib ko.
"Mamaya na natin pag-usapan yan, magbanlaw na muna tayo tapos gagamutin ko yang sugat mo"
SABAY TANGAL KO NG KAMAY KO SA KAMAY NIYA, AT DIRE DIRETSO AKONG TUMUNGO DUN SA MAY GRIPO PARA MAGBANLAW.
Wag kang mag-alala krib di na ako galit, di ko lang talaga alam kung anong gagawin ko. Na paano ko sasabihin ang lahat sayo ng di ka masasaktan.
o(=____=)o
Pagkatapos naming magbanlaw ay kapwa kameng nagbihis sa kwarto, magkasama man kame dun..
Pero wala parin kameng imikan, magkatalikod kameng dalawang nagbibihis.
Di naman naglaon ay biglang sumilip si Brenth sa pinto ng kwarto.
"Kakain na mga tropa" tawag niya sa amin. Ngumiti naman ako ng tipid habang sinusuot na yung damit ko.
"Sige susunod... nalang ako"
Puta ano bang nangyayare sa akin? Sususnod nalang ako? Diba dapat susunod nalang kame? Oo! Kame ni Krib. What a bullshit answer Ganny!
"Ikaw bunso?" tanong ni brenth kay Krib na nilingon ko naman.
Napakalungkot ng mga mata niya, tapos parang ang tamlay niya. Kita ko rin yung mga sugat niya na, medyo namumula at may konting tagas ng mapupulang dugo.
"Hmmmm sunod nalang din ako" malungkot niyang sagot.
Sorry Krib ko. Ang sama sama ko..
"Okay lang yan bunso, gamutin nalang natin yan mamaya" sabi naman ni Brenth sa kapatid. "Lika nga, patingin" sumunod naman agad si Dennis at parang batang lumapit sa kuya niya.
Di naman ito tumingin sa akin..
Galit na siya Ganny! Tarantado ka kase eehh!
"Di kase nag-iingat eh" parang inis rin na singhal ni Brenth.
"Sorry kuya ko"
"Sige na tara na.. Gan" sabay tingin sa akin si Brenth.
"Geh" ako na pinagmamasdan si Dennis na nakatalikod sa akin.
AT TINUNGO NA NGA NAMIN ANG KUSINA KUNG NASAAN YUNG DINING AREA NILA.
Habang kumakain..
Panay ang kwentuhan nung lima, kame naman ni Krib ay nakikinig lang. Nakikitawa rin kame minsan at nakikisagot sa kanila.
Pero kameng dalawa, walang Pansinan. Tch! Badtrip naman Ohhh!
Hanggang sa matapos yung pananghalian ay di ko alam ang gagawin ko. Paano ko ba sisimulan suyuin ang mahal ko?
"Aaa bunso kunin mo yung First Aid Kit ko dun sa bag, tapos gagamutin ko yan sa may isatmbayan" aniya ni Vince sa bunsong kapatid!
Hmmmmmp dapat ako gagamot kay Krib aa! Pinangako ko rin sa kanya yun na pagkatapos naming magbanlaw ay gagamutin ko ang sugat niya!
Dapat ako! Dapat ako!
"Ah sige po kuya Vince"
"AKO NALANG PO!" tatayo na sana sa lamesa si Vince ng maisigaw ko yun. Tch! Nakakhiya! Badtrip! Tapos tumingin siya na tila nagtatanong. "Aaa ako nalang po sana gagamot sa kanya, sa mga sugat niya po Hehehe"
Tang ina! Jahe! Badtrip!
"Sige.. kunin niyo nalang yung kit dun sa bag" si Vince na nakangiting tumayo. "Huy Brenth.. maghugas ka ng mga plato"
"O_____O" – Si Brenth
"Ehh? Ako maghuhugas?" turo pa nito sa kanyang mukha. Napangiti naman ako dahil sa sobrang pag-angal ng reaksyon niya.
"Ako na Bro, ako na bahala diyan" biglang singit naman nung ralphy at isa isa na ngang inayos niya yung mga kalat sa lamesa.
Yung Lolo at Lola naman ni Krib andun na sa may Istambayan, magbabalat lang daw ng indian mango.
"Ahh sige samahan ko na rin si Insan Ralph" sabay tulong naman ni Brenth sa pinsan.
"Basta bahala na kayo diyan, lalabas na ko gusto ko na kumain ng manga"
"Hahahahaha parang buntis!" biro ni Breth. Pero nagulat ako ng biglang mag-iba ang mukha ni Vince.
Nagsalubong ang kilay nito at parang gusto ng manapak. Natigilan kameng lahat at napatingin sa kanya.
"Aaaa ah s--sorry kuya" utal at tila takot na sabi ni Brenth.
Ha?! Anong nangyayare?!
"Ayoko na ulit mariringig ang salitang yan" sabay padabog na umalis si Vince.
Nagkatinginan kame ni Brenth, binigyan ko siya ng nagtatanog na titig. Pero matipid na ngiti lang ang sagot niya sa akin.
"Gamutin mo na si Bunso Bro" sabi ni Brenth.
Kaya naman napatingin ako kay Krib na nasa tabi ko na pala. Nakatungo lang siya sa sahig at nilalaro ang mga kuko ng kamay.
Tang-ina! Bat ako naiilang na kausapin siya?!
"Tara dun sa loob" Mahinang usal ko, nagpaalam ulit ako kay brenth at nagsimula na ngang maglakad papasok sa kwarto.
Nakasunod lang sa akin si Krib..
Dali pansinin mo ako..
"Krab ha—hanapin ko lang yung kit dito sa bag ni Kuya"
Nakahinga ako ng maluwag at may ngiting namutawi sa aking mga labi!
"Sige" matipid kong sagot bago pumasok ng tuluyan sa kwarto. Naka-upo naman ako sa kama habang hinihintay siya.
Mayamaya ay dumating na ito papasok sa kwarto.
"Dito ka" sabay pagpag ko dun sa tabing parte ko ng katre. Napangiti naman siya at mabilis na sumampa sa katre at tumabi sa akin.
"Uhmmmmp" tanging nabigkas ko. Nakakagulat yung bigla niyang pagyakap sa akin. Napangiti naman ako ng bahagya habang di nakatingin sa kanya.
Ang higpit ng yakap niya, yakap na parang ayaw ng bumitaw. Yakap na nagpapawi ng inis na nararamdaman ko.
Hmmmmmm ang sarap ng yakap pag galing sa mahal ko. Krib ko, mahal na mahal kita. *(^___^)*
"Krab ko?.. Sorry na galit ka ba sa akin?"
Hindi krib, nagtatampo lang ang Krab mo. Kaw kase ehhh U(--____--)U
*TSUP*
Hinalikan ko siya sa pisnge..
"Di galit si Krab, nagtatampo lang" Lalong humigpit yung yakap niya.
"Paano ko maalis yung pagtatampo mo Krab ko?" Parang bata siya na naubusan ng cake sa sariling birthday party.
"Magsabi ka lang ng totoo Krib.."
Shit ano ba itong sinasabi ko?
Napatungo siya at tila lumuhag ang pagkakayakap sa akin. "Gagawin ko yun Krab, basta wag ka lang magtampo sa akin"
BUMITAW NA SIYA NG TULUYAN SA PAGKAKAYAKAP
Hindi ko alam Krib kung mawawala ang tampo ko kung magsabi ka sa aking ng totoo, baka yung tampo maging galit lang.. Hayssss!
"Sige mamaya na natin yan pag-usapan yan, gamutin na muna natin yang sugat mo."
"Sige Krab ko" sabay lahad ng braso niyang may sugat. Sinimulan ko na nga ang paglilinis at pagpapahid ng gamot sa mga sugat niya.
Naalala ko tuloy yung time na inukitan ko yung bisig ko ng palatandaan ng pagmamahal ko sa kanya. Sana tulad ng ukit na yun, ganun rin ang dahilan ng mga sugat mo sa braso habang ginagamot ko ito..
Tulad ng paggagamot mo rin sa akin nuon.
Pero hindi ehh! Nasugatan ka Krib dahil dun sa Ex mo! Na tila kunatuwa mo pa!
"Aray.." natigilan ako sa pagtatapal ko nung gasa ng umaray siya. s**t nawawala ako sa wisyo. Badtrip!
"Sorry" mahinang usal ko. Dahan dahan ko na rin yung itinali at tuluyan ng natapos ang paggagamot ko sa sugat niya.
Nagulat ako ng makita ko siyang umiiyak ng bahagya, agad niya yung pinahid at parang batang nagtalukbong ng kumot.
Badtrip! Badtrip! Di ko alam kung anong nangyayare!! (!!=____=!!)
"Sorry, nasaktan ka ba dun sa pagdiin ko nung gasa?"
Hindi siya sumagot..
Kung inis ka! May naiinis ako! Nagseselos ako sa lahat ng tao sa nakaraan mo! Tapos nahihirapan ako kung paano ko sasabihin ang pag-alis ko! Sana wag ka namang maginarte Krib!
"Sige lalabas lang ako" ako sabay tayo at ginilid ko yung First Aid Kit sa may katre.
"Hindi naman ako galit, nahihirapan lang ako sa ipinapakita mo. Parang grabe naman nung kasalanan ko, pa--*HIKBI* parang nakapatay naman ako ng tao"
"Ano ba yang sinasabi mo?" inis akong umupo ulit sa tabi niya. Bigla niya naman inalis yung kumot at tumingin sa akin.
Basang basa yung mukha niya ng luha at ang lungkot pa ng mga mata at labi niya. "Tumigil ka na nga diyan sa kaka-iyak mo" mahina pero may pagkainis na sabi ko.
"Tanungin mo na ako, magsasabi ako ng totoo. Gusto ko mawala na yung.. *HIKBI*" sabay punas niya gamit ang mga kamay. "Ayoko kase ng ganito tayo ehh *HIKBI*, Uhmmmm gusto masaya tayo sa bakasyon na ito"
Biglang may kumurot sa puso ko. Tang-ina mo Ganny! Bat mo ba pinaiiyak ang taong mahal mo! Gago nakaka Badtrip!
Agad akong tumayo at sinarahan yung pinto.
"Ano mo si Milo at yung Lalaki sa Jeep?"
Sumagot ka! Pero yung magugustuhan ko. Wag mo akong saktan ngayon!
"Ex ko rin si Milo, si kuya Prince naman nagkaroon din kame ng ugnayan"
Letse! Putang ina!
Hindi ko kinaya yung sagot niya, napahawak ako sa aking noo at inis na tinitigan siya. Parang dahan dahang nanggilid ang mga luha ko sa sobrang sakit na nalaman ko.
Padabog kong sinipa ng mahina yung katre, habang siya naman ay nagsisimula nanamang humikbi!
Di ko na kinaya ang inis at galit! Ayoko muna siyang makita! Naasar ako, hindi sa kanya.
Naasar at nagagalit ako dahil sa nakaraan niya!
Tangna! Dapat di na ako nagtanong ehh!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
*(w--____--w)*
Maya maya lang ay natagpuan ko ang sarili ko sa terrace ng bahay nila, wala yung mga tao sa bahay nila. Naupo ako dun sa isang kahoy na silya at dun ko inilabas yung galit ko.
Pinagsisipa ko yung sahig ng buong pwersa habang nakabusangot ang mukha.
Pauulit ulit yun hangang sa mapahinto ako dahil sa napansin kong may nakatingin sa akin mula sa pintuan.
Si Brenth!
Napabuntong hininga ako, sabay bagsak sa katawan sa kahoy na silya. "Mukhang mainit tayo Gan?" nakangiting usal niya.
Sasabihin ko ba sa kanya?
Lumapit ito at tumabi sa akin, naupo siya sa isa pang kahoy na silya. "Ano bang problema?" muli niyang tanong. Siguro mas mabuting kay Brenth ko muna ipaalam na aalis ako, na sa ibang bansa na ako mag-aaral. Baka mabigyan niya pa ako ng payo, kung paano magpaalam ng maayos sa taong ayaw mong masaktan.
Sa taong aking mahal, sa taong aking buhay at sa taong nagpapagana ng puso ko para mabuhay.
At ikaw yun Krib..
"Pre, aalis na akong pilipinas. *Gulat siyang napatingin sa akin*.. Sa america na ako magtutuloy ng pag-aaral"
"Ano?!" gulat na usal niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kwinento ko kay Brenth ang LAHAT, naging tahimik ang paligid pagkatapos ng seryosong usapan na yun.
Pati ako di ko na alam ang gagawin ko, di ko na alam ang sasabihin ko. Putcha kinakabahan na ako ng Todo!
"Loko ka, mukhang susundan mo dun si Gheo ah?"
Tang-ina kala ko pa naman magdadramahan na kame dito! Talagang naisali niya parin si Gheo. Sabagay nasa America rin pala yun.
"Oou nga pala noh." matipid kong sagot.
Brenth tulungan mo ako! Paano ko sasabihin sa kapatid mong aalis na ako?!
"Wala naman Gan Problema sa pag-alis mo, hindi lang naman kase yan para sa sa magulang mo. Para rin yan sa kinabukasan mo. Mas magandang mag-aral dun Pre.. maniwala ka sa akin"
Gagu! Parang pinalalayas na ko ng King Ina!
"Pre sayo madali, sa akin Hindi" seryoso kong sagot.
"Kung gagawin mong mahirap ang isang bagay, mahihirapan ka talaga. Take it easy Gan, walang sitwasyon na puro madali ang nararanasan. You need to sacrifice" nakangiting sabi niya.
"Di kita get's pre.."
"Kung ano man meron ka dito kaylangan mong isakripisyo, don't make your life misirable by making decision. Take it easy always"
Takte umi-englis si Gagu!
"Paano kung may isang taong ayaw mong masaktan dahil sa pag-alis mo?" Ngumiti si Gagu! Tnag-ina nagiimagine ang Puta!
"Kilala ko ba siya?"
*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*
Napalunok ako sa kaba, may alam ba siya?
"Huy" nakangiti niyang tawag ulit sa akin.
"Ha?" ako.
"Sabi ko kung kilala ko siya kako?"
Oo Brenth kilala mo siya! Siya yung pinakamaganda niyong Bunso!
"Uyy wag kangang imaginero, tinanong ko lang yun dahil yung bawat ISA sa inyong mga kaibigan ko. Di ko alam kung paano magpaalam ng hindi kayo nasasaktan"
Ngumiwi siya..
"Bat naman kame masasaktan? Pre masaya nga ako para sayo ehh. Baka naman yung masasaktan yung nag-iISA diyan" sabay suntok niya ng mahina sa kaliwang dibdib ko.
Sheeet! Brenth anu bang sinasabi mo? Takte wag ka ngang paranoid Ganny!
"Patawa ka pre.. baka yung nag-iISA diyan sayo ang namimiss mo. Si Blue ba" Hahahahahahaha BIRO KO SA KANYA!
Maiba man lang yung Topic (#^____^#)
Asar talo nanaman si Brenth! Yehey!
"Seryoso ako Pre, wag mo nga siyang binabanggit sa usapan" Tangna galit na si Gagu!
"Biro lang Brenth.." seryoso ring usal ko.
"Basta tulad ng sinabi ko, wag mong gawing miserable ang pagdedesiyun mo dahil sa iisang tao. Dahil kung sino man yan Gan, alam kong matatanggap niya yang rason mo. Maganda yung dahilan mo pre.. Very Reasonable.." pilit na ngiting aniya.
"Paano kung hindi niya matanggap?"
"Ang pagtanggap Pre, hindi yan biglaan. Proseso yan"
"Proseso?"
"Kaya habang nandito ka pa, take time with that person kase yan yung basic step para maunawaan ka niya. Wag kang magdrama dahil baka maging tragic ang wakas ng buhay niyo. Bahala ka"
Feeling ko tuloy may alam na si Brenth! Pero alam ko namang kung may alam na siya ehh kokomprontahin niya ako.
"Salamat, pero actually natanong ko lang naman yan. Wala pa namang nag-iisa dito. LAHAT pa kayo nanadito! Kayong mga kaibigan ko! Bwahahahaha"
Brenth biro lang yun, may nag-iisa na dito. At yun ang kapatid mo..
NAGTAWANAN NALANG KAMENG DALAWA.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagtuloy tuloy yung usapan hanggang sa mapagtanto kong, mali ang inaasal ako kay Krib. Kaylangan ko ng suyuin ang BabyKrib ko. Sorry Krib ko, di ko talaga sinsadya. Nadala lang ako ng tampo ko.
"Hahahaha gusto mo kame maghatid sayo ni Dennis pag aalis ka na?"
*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*
Puta yung kaba ko ang LAKI! Nilingon ko si Brenth..
"Ahh Brenth? Pwedeng wag mo munang sabihin kay Dennis?" paki-usap ko. Puta binigyan ako nito ng titig na nagtataka.
"Bakit?" aniya.
Wooooooooooooooooh! Di ko alam idadahilan ko. Badtrip!
"A---ano kase, diba alam mo namang super close ko na yang kapatid mo?"
"Tapos?"
Takte ang bilis magtanong!
"Ehh kase nga, baka magtampo yun na sa iba niya malaman na aalis ako. Diba nga kase bisita niya ako dito?"
Hehehehehehe kapal muks ko!
"Ahh Okay yan" sabay ngiti.
Tang-ina mo Brenth! Aminin mo may alam ka na!
"Sige Gan, punta na muna ako dun sa istambayan, Hmmmm ayaw mo sumama? Kain tayo manga. Masarap yung bagoong"
Di ko mabasa kung anong laman ng isip mo Brad ahh!
"Geh sunod nalang kame ni Dennis, puntahan ko siya sa kwarto" ako na tumayo na.
"Ayus na ba si Bunso?" tanong niya.
"Ah ou naman hehehehehe"
Ako pa? Magaling akong Doktor!
"Buti naman, alagaan mo yang kapatid ko. Pag may nangyari nanaman diyan. Lagot ka talaga sa akin" sabay labas niya sa terrace at dirediretsong tumungo sa direksyon papunta sa may istambayan.
Napabuntong hininga naman ako, bago tuluyang pumasok ulit sa Kwarto. Hehehehehehe Krab is Back may Baby Krib.
Kunwari galit pa ako kaya naman sinimangot ko yung mukha ko. Hehehehehe pero biro lang ito Krib.
o---(^___^)---o
TULOG SIYA..
Parang ang himbing ng tulog ng Krib ko aaa? Hmmmmm siguro nakatulog ang KribbyBabe ko dahil sa galit sa akin?
KAYA ANDITO NA ANG ImYourMan mo Krib, hihingi na ako ng Sorry at sasabihin ko na ang lahat sayo sa mapagmahal at sa paraang di ka masasaktan.
MAHAL NA MAHAL KITA KRIB..
*SINGHOT*
*HIKBI*
Ano yun?!
Hangang sa mapansin kong gumagalaw galaw yung bandang likuran ni Krib, nakaharap kase siya nun sa may pader. Puta! Umiiyak ba siya?
Hindi kaya?
Dinamdam niya yung pagtrato ko kanina?! Sinasabe ko na nga ba ehh. Napakawalang silbi ko talaga! Sinaktan ko nanaman si Krib.
Dahan dahan naman akong lumapit, naupo ako dun sa tabi niya. Hinawakan ko yung braso niya.
d(??O___o??)b
Nagulat ako ng bigla niyang hawakan at tangalin ito. Patay ka Ganny galit na galit nga!
"Krib?"
Ayyyy s**t! Ngayon ko lang napansin na yung brasong may sugat niya ang nahawakan ko.
KALA KO KUNG ANO NA EHH >(^>^)C
Ikikiss ko nalang siya..
Mapapatawad na niya ako Hehehehehehe.
"Krib ko? Sorry na di ko napansing nahawakan ko yung sugat mo.. Sorry na" Humiga ako sa tabi niya. Hinawakan ko yung kamay niya at sinubsub ko yung mukha ko sa may leegan niya.
PAKKKKKKKKKKKKKKKKK!
!!!!
Nagulat ulit ako ng sinampal niya paalis yung mukha ko sa leegan niya. Ang sakit nun!
Bumangon siya at yung mga kilay niya..
SALUBONG NA SALUBONG!
Tapos puno pa siya ng luha sa mata. Sorry Krib, nasaktan pala kita ng husto..
(--____--)'
Hawak niya pa yung kamay ko, pero ang ikinagulat ko ay tinapon niya ito papunta sa akin.
DUN NA AKO KINABAHAN.
What the?!! What Happen to you Krib?!
"Krib ano ba?!" inis na sabi ko sa kanya.
"Ayaw kitang makita *HIKBI*.. Umalis ka muna!" sigaw niya sa akin.
"Kung dahil ito sa kanina. SORRY! SORRY na!" inis naman na sabi ko. Grabe naman siya, parang di ako nasasaktan sa ginagawa niya. Tch!
"Wala akong paki-alam sa makitid mong kukute! Ang gusto ko ayokong makita ang pagmumukha mo ngayon! Ayokong makita ang lahat sayo ngayon!"
"Ayoko! Dito lang ako.."
"Umalis ka sabi ehhh!"
"Ayoko!"
Hindi siya nakapagsalita, naglaban yung mga titig namin na kapwa salubong ang kilay.
Bigla ay kinuha nito yung First Aid kit sa gilid ng Katre!
Kinuha niya yung Gunting!
"Hindi ka aalis?!" sabay tutuk niya sa talim ng gunting sa sugat niya sa brasong napapalibutan na ng gasa.
Marunong ka na ngayon manakot ahhh? Tch! Kalokohan mo!
Salubong parin ang kilay kong umiwas ng tingin sa kanya, ibinaling ko ang paningin ko sa saradong pinto. "Ayoko.. dito lang ako sa tab—"
"Ano hindi ka pa ba lalabas!" Nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. *TSUK!* Itinusok niya yung matalim na gunting sa braso niyang may sugat pa!
!!|O____O|!!
Hindi ako nakapagsalita, yung kaba sa dibdib ko ay nangibabaw. Krib anong nangyayare sayo?!
Gusto ko yung itanong! Pero di lumalabas sa mga labi ko! Putang Ina anong nangyayare?! Angulo! Angulo!
"O baka naman *HIKBI*.. Gusto mong itusok ko ito dito?!" Napakagat ako ng labi at napakumyos ko ang mga kamay ko ng biglang hugutin niya yung Gunting sabay tutuk sa sa Dibdib niya!
Sa kaliwang Dibdib niya kung saan nakapwesto ang kanyang Puso! Kasunod nun ang panginginig ng kamay niyang may dugo na galing sa gunting. At sumunod nun ang pagdaloy muli ng mga luha niya.
Hinalukay lahat ang KABA at TAKOT na di ko maintindihan sa pagkatao ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko, hindi rin makapagsalita ang mga labi ko.
Sumunod na nangibabaw ang malakas na kabog ng Dibdib ko!
"Isasaksak ko toh?! O Aalis ka sa harapan ko!"
*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*
A/N: Comment at Vote ka po Pleeeeeease? Sana yung Komento man lang na makakapagbigay SAYA at INSPIRASYON sa aking PUSO. Sana yung Comment niyo ay base mismo sa Reaction at Opinyon niyo sa Update.
Maraming Salamat! Kita nalang sa susunod na Update..
- Green Shadow o---(=......=)---o
s7+&