A/N: Kaylan po Update ng "baGAYto" at "My BoyFriend is a HuKemon"? – Kadalasang tanong ng iba kong mga Reader.
SAGOT KO: After po nitong SSIII Magfofocus ako sabay sa baGAYto at sa MBIAH. That's All (#^___^#)
GANNY'S POV
*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*
Patuloy ang malakas na kabog ng aking Dibdib!
Sandali pa kameng nagtitigang dalawa, pinakitaan ko siya ng matang nagtatanong. Bakit anong nangyayare sayo Krib?!
Habang siya naman ay patuloy ang pagluha ng mga mata, habang salubong parin ang mga galit na kilay. Nakabanta parin yung gunting na hawak niya sa kanyang dibdib.
Lalo akong kinabahan ng matanaw ko yung braso niyang may sugat na may tumutulong dugo! s**t!
Lalapit sana ako para tignan yung braso niya nang!
MAS INILAPIT NIYA YUNG GUNTING SA DIBDIB NIYA!
At hindi lang isang kamay ang gamit niya sa pagtutuk dito, hawak na niya yung Gunting ng dalawang kamay niya!
Parang Awa mo na Krib.. Kinakabahan na talaga ako!
"Huling tanong! Aaalis ka o Gustong mong makitang nakatusok ito sa akin!" Tinutukoy niya yung gunting na kawak.
Pakshet! Wala akong magawa!
Inis akong napatayo habang supalpal na inilapat ang isang kamay ko sa aking Noo. "Krib ano bang nangyayare?" nagsusumamo kong tanong.
"Walang mangyayare saking masama kung aalis ka na.." parang demonyong ngumiti sabay tingin sa kisame.
Nang muli siyang tumingin sakin ay kita ko na ang napakademonyo niyang mga mata! "Pero kung gusto mong may mangyareng masama sakin, eh di maupo ka dito.." sabay nguso niya sa tabing isapasyo ng katre.
"Isa.." aniya na nagpatinag sa akin para lumakad na dako sa pintong sarado. "Pakisara nalang ulit pagkalabas mo" bago tuluyang lumabas ay muli ko siyang pinagmasdan.
Wala na yung gunting niyang hawak, nakapatong na ulit yun sa may kit. Habang siya naman ay nakalukob sa sariling mga tuhod at umiiyak.
"Anong nagawa ko?" mahinang usal ko sa aking isipan nang tuluyan na akong makalabas ng kwarto.
Wala ako sa aking sarili ng mapadpad ako sa kanilang istambayan, kompleto silang lahat dun na agad naman akong napansin. Pilit kong inalis yung takot, kaba at pagkatulala ng kaharap ko na sila.
Pero sa loob loob ko ay di parin nawawaksi ang mga masasamang pakiramdam. Bat napunta sa ganong sitwasyon yung di namin pagkaka-unawaan?
I hurt Krib so Much, nakikita't nararamdaman ko yun kanina!
Dapat pala di na ako nagtatanong ng tungkol sa mga nakaraan niya! Minahal ko siya sa kung ano siya ngayon. Kaya ako ang mali! Nawalan ako ng tiwala sa kanya.
Tinangal ko yung sipit ng tiwala sa kanyang puso ng dahil sa selos ko! Tch! Badtrip talaga!
"Huy! Kung gusto mo daw nung mangga!"
Nagulat ako ng biglang sumigaw si Brenth sa tabi ko. Nawala ng bahagya yung mga iniisip ko.
"Aaa sige kayo nalang, di kase ako mahilig sa maasim"
"Huy Gan, hindi ito maasim tikman mo" sabay abot niya sa akin nung platong may laman na manggang pirapiraso na. Medyo kulay dilaw na ito ng bahagya!
"Kakapitas palang namin niyan ni Vince iho" aniya ni Lolo Juan. Nginitian ko naman siya at kumuha na ako ng isang piraso para tikman.
Ano na kayang ginagawa niya sa loob?
"Si bunso, asan pala?"
*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*
Anong isasagot ko kay Brenth?
!!(U......U)!!
Agad kong kinagat yung piraso ng mangga.
CRUNNCCCHHHH..
(a/n: Tunog yan nang pagiging malutong nung mangga! Wag kayong ano!)
Ang lutong na manamis-namis. Hmmmmmm ang Juicy rin..
Pero anong isasagot ko Kay Brenth?! Badtrip!
"Pre napapansin ko tulala ka simula pagdating mo dito. Anong nangyare?"
Sa amin ng kapatid mo? Pre tama ka! Tragic!
"Pre ang sarap kase nung mangga" ako sabay kuha ulit at patuloy na pumapak habang iniisip si Krib.
Sana may kapangyarihan akong kayang makita ang nasa likod ng mga blokeng yan! Tch! Sana nababantayan ko parin ang Krib ko kahit nandito ako. Badtrip!
"Pero asan nga si Bunso?" pag-uulit ni Brenth.
"Oo nga pala, asan na yun.. Okay na ba yung sugat niya?" tanong naman ni Kuya Vince. Okay na kuya Vince, pero yung sugat sa Puso niya. Hindi pa!
"Okay na po Kuya Vince, nagpapahinga narin po siya" pagsisinungaling ko.
"Tulog?" si Ralphyzon na agad ko naman nilingon.
Oo! Bakit may binabalak ka?!
"Oo" sagot ko.
"Hay naku, sasabihin ko talaga si Kapitan na lagyan na ng hawakan yung Tuytuy.. antagal na niyan na ganyan. Di parin naayos. Juan sabihan mo si Kapitan na ayusin yan, kawawa naman ang apo natin"
Sino ba talaga ang magsasabi kay Kapitan Lola? Ikaw o Si Lolo Juan? Kakahilo eh Hehehehehe. Pero Oo nga! Dapat lagyan na yun ng Harang! Napahamak dun ang mahal ko! Kasalanan ito ni Kapitan! Wala siyang kwenta!
Mas wala kang Kwenta Ganny! Sinaktan mo ang Krib mo!
"Ayy sige, baka bukas pumunta ako sa bahay ni Kap" sagot naman ni Lolo Juan.
Hindi ko na ulit sila pinagtuunan pa ng pansin, nakatingin lang ako dun sa pinto ng Kusina nila. Nagbabakasakaling lumabas si Krib na nakangiti na sa akin. Na hindi na siya galit, na parang wala lang yung nangyare kanina.
GUSTO KO SWEET NA ULIT KAME TULAD NG DATI!
Please Lumabas ka na Please?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Naramdaman ko nalang na napakalamig na nang paligid ko! Pagmulat ng aking mga mata ay GABI NA!
At andito ako sa mahabang upuan ng Istambayan nakahiga. Tch! Tuluyan pala akong nakatulog kanina kakahintay na lumabas siya.
Pero hanggang ngayon wala parin siya ..(W_____W)..
Pagtingin ko sa kabilang upuan ay nakita ko rin si Brenth na TULOG RIN!
Hehehehe BestFriend ko talaga ang isang ito! Maasahan!
Pero iniwanan ko na muna siya para pumasok sa loob ng bahay at para makita ko na ulit ang aking Prinsesa! Siguro hindi na siya galit sa akin..
Hay Krib ko, namiss na kita!
Pero naisip ko lang, Paano nga kung bati na ulit kame..
Pero aaminin ko sa kanya yung tungkol sa Paglisan ko? Tch! Panigurado bagong tampuhan nanaman ito!
Badtrip! Badtrip! Badtrip!
Pero sabi nga ni Brenth, Mauunawaan niya rin ako! At kaylangan paunawain ko si Krib sa mapagmahal na paraan. Yung hindi siya masasaktan!
Masaya akong pumasok sa kusina nila, nakita ko naman dun sa lutuan sila Vince at Lola Carmen. Parang tinuturuan ni Lola Carmen si Vince magluto ng isang putahe.
Hindi nila ako napansin, di ko narin sila nagawang pansinin rin dahil excited na akong makita ang aking Alimango sa kwarto!
Mula naman sa sala ay pansin kong nang-uusap ang maglolo, si Ralphy at Lolo Juan.
Ayos ito! Walang istorbo! Walang sagabal!
Papasok na sana ako, pagkatapos kong marating yung pinto ng kwarto namin na medyo naka-awang.
Pero natigilan ako ng maringig ko si Krib na nagsasalita. May kausap siya sa Cellphone!
"Uhmmmm talaga lalong gumanda dun?" Kitang kita ko yung ngiti sa kanyang mukha!
Pakshet! Saan nagmumula ang mga ngiting yan Krib!
"Oo naman bukas ba?"
Anong bukas?!
"Hindi ako busy no? Tsaka wala rin naman akong ginagawa dito sa bahay" Sabay pigil ngiting tila... Kilig na Kilig!
"Miss na rin kita eh" Dun nagsimulang magpantig ang tenga ko sa aking nadidinig! Parang tinutusok ng karayon ang mata ko!
"Sino?" naka-kunot noong tanong nito sa kabilang linya. Sinong pinag-uusapan nila?!
"Ahh siya ba? Wala yun.. Bisita lang yun ng kuya ko. Bakit selos ka?" sabay tumawa ito ng ng bahagya.
Bisita lang yun ng kuya ko. Bakit selos ka?
Bisita lang yun ng kuya ko. Bakit selos ka?
Bisita lang yun ng kuya ko. Bakit selos ka?
Bisita lang yun ng kuya ko. Bakit selos ka?
Ako ba yung tinutukoy niyang Bisita LANG?!
Tapos magseselos sa akin? What The F!
Pa-ulit ulit na rumihistro yun sa aking isipan. Letse! Pigilan ko mang di mainis, pero Wala ehh! Sumisigaw na yung puso ko sa sakit!
Hindi ko narin mapigilang masaktan at kasabay nun ang pagtulo ng aking mga LUHA..
Mahal kita, pero bakit mo ginagawa ito? Sapat na ba yung away nating yun para ganituhin mo ako Krib? Ang sakit, sobrang sakit..
"Basta aaa yung ginataang santol dalhan mo ako aaa!" dinig kong sabi niya pero di na ako nakatingin dito. Napa-upo na ako dun sa kama nila Brenth.
"Anong santol mo diyan! Adik! Manyakis! Hahahahahahaha Geh bukas ulit"
"Ha? ANONG SABI MO?"
"I .."
Anong sinabi nung nasa kabilang Linya?! Anong I?
"Nagmamadali? Sasabihin na nga.." si Krib na halatang kinikilig! Wag naman Ganito Krib wag naman Ganito.
Please wag mo siyang sagutin ng mga salitang gusto kong akin mo lang sinasabi. Saktan mo na ako't lahat. Wag mo lang gawin yan!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"I Love You too.."
*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*
GUMUHO NA NANG TULUYAN ANG MUNDO KO...
(=______=)
A/N: Comment at Vote ka po Pleeeeeease? Sana yung Komento man lang na makakapagbigay SAYA at INSPIRASYON sa aking PUSO. Sana yung Comment niyo ay base mismo sa Reaction at Opinyon niyo sa Update.
Maraming Salamat! Kita nalang sa susunod na Update..
- Green Shadow o---(=......=)---o