A/N: Last 7 Part nalang! Kapit na sa nalalapit na Pagtatapos ng SSIII: c*m Back Home!
GANNY'S POV
Nakaramdam ako ng pagyabag mula sa kwarto kaya naman dali dali kong pinunasan yung luhang namuo sa aking mga mata gamit ang aking damit.
Gulat siya ng makita ako sa labas ng pinto, kita ko sa mata niya yung guilty. Tiyak napapa-isip siya kung bakit ako naroroon.
Pero muling puminta ang galit sa mga mukha niya.
Hindi ko alam kung paano ako magrereak sa lahat na aking naringig. Parang pinipigilan ng puso kong wag maglabas ng anu mang salita ukol sa aking nakita.
"Andiyan ka pala.." mahinang sabi niya habang blanko na ang mukha.
"A—ayos na yung sugat mo?" yun ang naisipan kong itanong sa kanya. Pero parang nahahalata niya ako.
"Siyempre wala ka sa paningin ko ee"
Ouchhh!
"Krib" sabay luhod ko sa harapan niya.
"Anong ginagawa mo?"
"Galit ka ba sa akin? Please ayoko ng ganito"
"Umalis ka nga dyan"
"Ayoko.. Please" halos kaladkarin na niya ako sa inis dahil nakayakap ako sa may hita niya. Ganun ko siya kamahal, kaya kong unawain kahit sinasaktan na niya ang puso ko.
"Mamaya na tayo mag-usap, baka may makakita satin dito" aniya na tila inis na inis.
"Sabihin mo na muna, galit ka sa akin"
"Bumitaw ka sasagutin kita" dahan dahan naman akong umalis. Tumayo ako at humarap sa kanya.
Nagkatitigan kame, pero natatalo niya ako. Ako yung unang sumusuko, ako yung napapatungo.
"Galit ka Krib?" muli kong inangat ang aking paningin at malungkot ang boses kong tinanong siya.
"Oo.." Madiin at galit niyang sagot. "At kahit ilang sorry ang gawin mo sa harapan ko, hindi nun mapapawe ang galit na nararamdaman ko. Saktan mo ako ng isang beses, kaya kitang saktan higit sa sampung beses"
Kasabay nun ay tinalikuran na niya ako at mabilis na lumabas sa buong kwarto. Hindi ko na siya kilala, sa loob ng araw na ito. Bat naging ganun ang ugali ng mahal ko?
Pumasok ako sa kwarto at parang walang buhay na isinalpak ang sarili. Pilit kong pinapangiti ang sarili ko, pero hindi parin nagpapatinag ang mga luhang bumubulusok sa aking mga mata.
Iniisip ko kung bakit siya ganun sa akin? May alam na ba siya sa balak kong pangingibang bansa?
Pero wala ehh tanging si Brenth lang ang nakaka-alam! At hindi ako kayang pangunahan ni Brenth sa paki-usap ko.
At lalong hindi pa sila nagkikita ni Dennis pagkatapos namin mag-usap.
NASAKTAN KO SIGURO SIYA SA PAGKAKITID NG UTAK KONG IPASOK ANG MGA NAKARAAN NIYA SA PAG-UUSAP NAMIN!
Siguro nagalit siya sa akin dahil sa hindi ko pag-unawa sa sagot niya kanina. Sabagay ang pangako ko ay mawawala na ang tampo ko pag nagsabi siya ng totoo.
Pero anong ginawa mo Ganny! Nagdrama ka! Kaya Magtiis ka!
Yun nga ang dahilan, masyado akong naging MAKASARILI!
Napahilamos ako sa sarili kong mukha at gigil na napahawak sa unan na nakapwesto sa aking tagiliran.
Mula naman sa hinigaan niya kanina ay nakita ko yung cellphone niya. Mukha akong tanga na parang humihigop ng hangin dahil parang nauubusan ako ng hininga!
Agad kong kinuha yung cellphone niya.
Alam ko ang password ng cellphone niya, ganun din siya sa cellphone ko. Kaya naman ginuhit ko na yung pattern sa screen lock.
Sorry, try again..
Sorry, try again..
Sorry, try again..
Sorry, try again..
Sorry, try again..
Sorry, try again..
Pero bakit? Bat pinalitan niya?
NANLUMO ANG BUO KONG PAGKATAO. Wala na siyang tiwala sa akin, pero mas mainam na siguro yun.
Para di ko na makita pa ang mas masasakit na katotohanan.
Ibinalik ko yung cellphone at padapa akong nahiga sa kama. Hangang sa dinalaw na ako ng Antok..
(U____U)~ ZZZZzzzzz..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Gising"
Naka-amoy ako ng mabangong hangin, parang isang napakabangong katawan na babad sa sa isang mamahaling sabon at shampoo.
Pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko si Krib, blanko parin ang mukha. "Kumain ka na daw dun, sabayan mo si Kuya Brenth" aniya sabay labas dala dala ang kanyang cellphone.
Ang bango niya, gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang maka-isa ngayong gabe..
Pero parang malabo. Ilag parin siya sa akin (--____--|"
Agad naman akong tumayo at tinignan ang oras sa aking Cellphone.
8:53 p.m!
Shit ang haba naman yata ng tulog ko?!
Madali akong tumayo at tinungo yung Kusina. Andun nga si Brenth! Pero asan sila?! Kame nalang ba talaga ni Brenth ang di pa kumakain?!
Nakangiti siya nung papalapit ako. "Tayo lang?" tanong ko sa kanya sabay sulyap sa pagkaing nasa mesa.
Ang sarap ng ulam..
Adobong pusit, bagoong na may sili at kung anong dahon tsaka kinunut na pagi na merong dahon ng malungay.
"Si Kuya Vince kasama ni Ralphy, punta daw ng Peryahan" pagsasalita nito. Ehh si Krib ko asan siya?
"May peryahan pala dito?"
"Ou, pero di ko parin yun nakikita. Puntahan natin gusto mo? Sunod tayo?"
"Hindi na"
Si Krib lang ang gusto kong makita at makasama. Galit sa akin ang kapatid mo Bro!
"Sila Lola kanina pa tulog, Actually si Kuya Vince nga yung gumising sa akin"
"Kakagising mulang din?"
"Ou pre, sarap ng tulog ko"
"Pareho tayo"
"Katext ko kanina si Zak, nakita niya daw kuya mo"
"Huh?!"
Tang-ina ang aga naman ata niya!
"Hindi mo alam?"
Pre Hindi! At kinakabahan na ako ngayon! Badtrip!
"Hindi Pre, kinakabahan tuloy ako" Nagulat ako ng tumawa siya ng bahagya.
"Gan wag kang kabahan, aalis ka lang Pre. Hindi ka mamamatay tsaka wala ka namang Girlfriend diba? Puta dun maraming Chicks, pusatahan!"
Wag na wag mong sasabihin yan sa harapan ng Mahal ko! Kokonyatan talaga kita!
"Kain na tayo.." alok ko sa kanya.
King Ina mo Zhabby! Bat di ka nagsasabing andito ka na sa Pilipinas?!
"Sige gutom na gutom na talaga ako Bro"
Nasa kalagitnaan kame ng pagkain ng biglang bumukas yung pinto sa kusina. Si Krib! Bigla akong napangiti ng makita ko siyang pumasok.
Masaya na ako, makita lang kita..
Ngayon ko lang napansin na nakasandong Green siya, habang suot ang maikling Boxer Short. Nakaka-akit, naakit ako..
Kitang kita mo yung kaputian ng katawan niya, andun man ang pinta ng kanyang sugat pero makikita mo parin yung kagandahan at kalinisan ng katawan niya. Mula ulo hangang paa..
Lalong nakakapang-init sa aking nararamdaman yung amoy ng sabon na gamit niya. Naroroon pa yun, tila bagong ligo ang amoy niya ang sarap yakapin. Ang sarap halikan.
Napatungo at napalunok ako ng maramdaman kong tumigas ng bahagya ang aking p*********i.
Krib I want you tonight.
"Bunso san ka galing?" si Brenth sa kapatid. Hindi siya nito pinansin bagkus ay kumuha ito ng baso at pumalis sa pitsel. "Huy bunso okay ka lang?"tanong ulit ni Brenth.
"Tanong mo sa sugat ko (Sabay turo niya sa sugat niya sa braso) .. Malay mo sagutin ka" sabay talikod sa amin. Hindi niya ako tinignan man lang (=____=)
"Hala anong nangyare dun?" si Brenth na takang taka. "Kanina pa yan suplado, di ko maka-usap ng maayos kanina. Kasalanan ko bang mahulog sa Tulay siya? Hahahahahahaha engot din kase si Bunso ehh"
Tang-ina mo Brenth sasapakin kita!
"Baka masama lang pakiramdam" sagot ko naman sabay nguya nung malinamnam na laman ng pagi.
"Sa puso? Siguro.."
*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*
~O_____O~??
"Brenth? Anu yun?"
"Wala, sabi ko tulungan mo ako mag-ayos nitong pinagkainan natin. Aba pre kahit na bisita ka dito matutu kang tumulong. Puta alam mo ba kahapon ko lang naranasan maghugas?"
Tang-ina ang tamad mo kase!
"Gusto mo tawagan ko si Blue? Sabihin ko tulungan ka niya?" sabay tawa ko ng malutong. Saktong kame lang ang nagkakarinigan.
"Gagu naman Oh, Anu bang meron kay Ogie at paulit ulit mo syang dinidikit sa akin?" Inis na siya.
"Bati na ba kayo?"
"Eh kayo ni White?"
*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*
DI KO INAASAHAN YUNG TANONG NIYA!
"Pre wag ka namang magmura sa harapan ko" pilit ngiti kong sagot.
"Same too you Gan.." sabay bigay ng isang napakapilyong ngiti. Nadale mo ako dun Brenth Ahhh?
Hindi na kame masyadong nag-imikan, pero di naman kame galit sa isat isa. Siguro nagkakailangan lang. Hehehehehe
Pareho kameng muntanga di marunong maghugas, basta sinabon namin tapos binanlawan. TAPOS!
Nagkangitian muna kameng dalawa bago maghiwalay. "Nuod lang ako TV Gan, di pa ako antok" paalam niya sa akin.
"Sige, ako maligo na muna tapos matutulog na"
Katabi ang aking pinakamamahal!
"Ah Geh pagkatapos mo, ako sunod"
AT TULUYAN NA NGA KAMENG PUNTA SA KANYA KANYANG DESTINASYON.
Pagkapasok ko sa kwarto ay huling huli ko siyang kinakalikot ang cellphone na agad niyang itinago, ng maramdamang pumasok ako sa kwarto.
Pagsubok lang ito!
Nakatagilid siya at nakaharap sa pader. Nahihigop nanaman ako ng nakaka-akit niyang balat at minamagnet ng bango niyang taglay.
Kitang kita ko yung makinis niyang hita na kay sarap haplos halosin. Puta di pa pwede, maliligo na muna ako siguro.
Sana Pagbigyan niya ako..
Agad kong kinuha yung tuwalya at muling lumabas sa kwarto papuntang banyo.
Halos sampung minuto ang itinagal ko sa banyo, siniguro kong malinis at mabango ako sa pagtabi ko sa kanya.
Nakatapis akong pumasok ulit sa kwarto, ganun parin ang posisyun niya. Tila hinihintay niya akong tabihan siya, yakapin at sungaban.
Hindi na ako nagBrief, nag boxer Short lang ako at nagsuot ng isang Sando Shirt. Pinunasan ko muna ng todo yung buhok ko bago ako tuluyang tumabi sa kanya.
WOOHHHH..
Nagtest Breath din ako. Dalawang beses akong nagsipilyo kanina kaya alam kong mabango ang hininga ko.
Muli akong bumangon at nilock yung pinto, tsaka pinatay yung ilaw. Merong konting ilaw na nagbibigay sa amin. Mula yun sa higaan nila Brenth.
Dahan dahan akong bumalik sa katre na di alam ang gagawin. Ayoko pang matulog, may gusto pa akong gawin kasama siya.
Muling natuon yung paningin ko sa hita niya. At dun bumugso ang libog na aking nararamdaman. Ang Bango niya. s**t!
Hindi ko na napigilan pa, yumakap na ako sa kanya at tuluyan pinahahalikan ang bandang batok at likuran ng leeg niya.
Yung kaliwang kamay ko naman ay mabagsik na tinatahak ang hita niya. "Uhmmmm ano ba?!" nagulat ako ng daglian niyang iniwas ang ulo sa akin.
Mabilis niya ring hinawi yung kamay ko sa hita niya. "Krib?" nakiki-usap kong tanong.
"Antok ako.." siya sabay higa ulit.
Ehh di tatangalin ko yung antok mo.
Muli kong idinikit yung ulo ko sa tainga niya. "Krib I Love you.."
"Good night" sagot niya.
Pero nagsinutil ako, muli kong iginala yung kamay ko sa may braso niya. Ganun na rin ang mga labi ko sa bandang tenga niya.
"Ano ba! Matulog ka na nga.. ano bang ginagawa mo?!" inis at mahina niyang sabi.
"Krib ang ganda mo ngayon.. Uhmmm" hinalikan ko siya sa kanyang leeg.
"Wala ako sa mood, pwede bang tigil mo na yan?!" Di man siya nakatingin sa akin pero ramdam ko yung malamig niyang pananalita.
"Ayoko, gusto kita makasama ngayon.." ako sabay dikit ko sa aking p*********i malapit sa kanyang pwetan.
"Ikaw yun, ako ayoko! Ano ba!" humarap na ito sa akin at tinulak ako. "Ang bastos mo! Natutulog na yung tao ehh. Dun sa labas maraming babae! Dun ka!"
"Krib?" malungkot kong tugon. "Ayaw mo na ba sa akin?" di ko na mapigilan pang tanungin siya.
"Ang kulet mo kase ehh sabi ko ng ayaw ko diba?" sabay inis na tingin sa ibang direksyon. "Pag ayaw ko ayaw ko! Mahirap bang intindihin yun? Good Night!"
"Krib?.. wag naman ganito" pigil ko sa kanyang braso nang tatalikod sana siyang muli.
"Arayyyy! Puta! Ano ba ahhhh?!" nagulat ako ng itapon niya yung kamay ko na napadiin pala sa may sugat niya.
"Krib hindi ko sinasadya.." akmang aalalayan ko siya. Pero pinandilatan niya ako, kaya naman natinag ako.
"Antok na ako, intindihin mo naman. Wag mong unahin yang Libog mo. Please?? Magbate ka diyan o kung di ka komportable dito. Dun sa banyo.. Kung gusto mong may sumusubo, dun sa labas. May parlor dun sa bandang baba.. madaming bakla"
Tila nainsulto yung pagkatao ko.
Ganun nalang ba kabilis ipamigay ang tulad ko Krib?
Sobrang napahiya ako, di ko nalang yun pinakita sa kaniya. Nahiga nalang din ako patalikod sa kanya.
Sana Bukas magbago ka na..
SANA BALIK NA TAYO SA DATI BUKAS.
(S____s)... ZZZzzzzz
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kinabukasan ay hindi nagbago ang turing niya sa akin, lalong nanlamig ang pakikitungo ni Krib sa akin.
Hindi na niya ako pinapansin at para kameng mga estranghero sa isat-isa. Ganun din siya sa kanyang mga kapamilya.
Matipid at pilosopo na kung sumagot.
Lumipas ang mga araw at walang nagbago sa kanyang asal. Lalong lumala, lalong hindi ko na kilala ang Dennis na aking nakikita.
Lage narin siyang nakakulong sa kwarto at dun nanatili maghapon. Lumalabas lang siya tuwing gusto niya, tuwing kakain siya at tuwing maliligo siya.
Hindi narin siya nakikisama sa mga kaibigan niya na halos pabalik balik kada oras dito sa kanilang bahay.
Magkatabi man kame sa pagtulog pero hindi ko siya ramdam para siyang imbisibol. Hindi namin siya nakakasama tuwing oras ng pagkain, nagdadala lang siya ng pagkain sa kwarto.
Lahat kame tameme sa ipinapakita niya, pero pinapabayaan nalang nila. Inuunawa nalang siya ng mga ito.
Pero ako, iba sa kanila. Lubos akong nag-aalala sa pagbabago niya.
Minsan nahuhuli ko siya lageng may katawagan at nakangiti pag may katext ito. Lantaran at harapan na yun kahit nasa loob ako ng kwarto.
Pero tinitiis ko, inuunawa ko siya. Kaya kong isakripisyo ang sariling nararamdaman para sa kanyang kasiyahan.
Dumating na rin yung iba niyang pinsan, kanyang tiya at ang kang tito Romnick. Pero ngiti lang ang sinalubong ni Krib sa kanila.
Walang gulat o pagka-Ecitement man lang na ipinakita.
Pauulit ulit yung ganung sistema niya, paulit ulit akong nalilito at nasasaktan ng palihim.
Paulit ulit bigong umamin tungkol sa aking paglisan.
Hangang sa dumating na nga ang Huling araw ko sa kanilang Probinsya. Hapon nuon at kameng dalawa lang ang naririto sa bahay.
Sinadya kong hindi sumama sa pamilya nilang pumunta sa may Peryahan. Kaylangan ko na siyang maka-usap!
Mula sa istambayan ay naglakad na ako papasok sa bahay, papasok sa kwarto namin. Tulad ng inaasahan ko, ngiting ngiti ko siyang naabutan habang tutuk na tutuk sa kanyang cellphone.
Hindi ko alam kung sino ang kataext niya, wala akong ideya. Hindi rin naman kase natuloy yung sinasabi niyang magkikita sila nung katawagan niya.
HUHULIHIN KO SANA AT PAPATAYIN KO SA SUNTOK ANG LALAKI NIYA!!
Padabog kong sinara yung pinto!
Baggggggggggggggggggggggggggg!
Nakuha ko naman agad yung atensyon niya. "Baka masira mo yang pinto" buti naman at nagsalita na siya.
"Akala ko pipi ka na" sarkastikong sabi ko.
"Now you know.." siya na ngiting ngiti pa sa harap ng cellphone.
"Akin na nga yan!" inis akong humarap sa kanya at hinihinge ang cellphone.
"Bakit Cellphone mo ba ito?" tanong niya na parang nag seselfie pa sa cellphone niya. Ngiting ngiti.
"Hindi."
"Okay.. eh di kunin mo yung sayo. Bigyan kita katext gusto mo?"
"Peste! Ano ba?! Ano sabihin mo sa akin! May iba ka na ba?!"
"Ramdam mo?" nakangiti niya ring sagot.
"Hindi kita maintindihan, ano bang nangyayare sayo?! Para akong tanga tinitiis ang hangin na presensya mo! Baka nga maging yelo ako sa malamig na pakikitungo mo ehh!" pigil galit kong sabi.
"Ehh di benta mo sarili mo dun sa naghahalo halo, malaki laki kang yelo" pilosopong sagot niya na kinainis ko.
"Are you breaking up with me?"
Natigilan siya sa kanyang ginagawa, parang nagulat na ewan. Pero muli siyang ngumisi at tumayo sa aking harapan.
"Ano pang ginagawa mo? Ayusin mo na kaya mga gamit mo. Diba lalayas ka na bukas?"
*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!* DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*
Shit!
"Alam mo na?"
"Sasagutin ko yung tanong mo, pero.. (Nagulat nalang ako ng biglang napa-upo siya sa kama. Biglang lumungkot ang mukha niya at bigla siyang lumuha) Sagutin mo *HIKBI* muna ang tanong ko"
"Ano yun?"
"Iiwan mo ba ako?"
"Krib.. magpapaliwana----"
"STOP! Just answer my f*****g bullshit question!"
"Oo" mabilis kong sagot habang nararamdaman ko na yung kalungkutan. Yung pamumuo ng mga tubig sa aking mga mata.
"Then.. Break na tayo"
Siya na na pilit ngiting tumayo . "Goodluck", aniya sabay labas na ng pinto ng kwarto.
"Hindi ako makapaniwala, ambilis mong sumuko. Ambilis mong isuko ang pagmamahal ko sayo. Ambilis sumuko ng pagmamahal mong yan. Siguro nga hindi mo talaga ako mahal" Napahinto siya sa paglalakad.
"Ni hindi mo nga ako tinanong kung anong dahilan ko? Di man lang pinakinggan kung may paliwanag ako"
"Tch.. aanhin mo naman pala yung paliwanang ko na yun kung hindi mo naman pala paniniwalaan. Sige para sa ikasasaya mo, parang atat ka na kase ata humiwalay ehh. Gusto mo na ata dun sa lalake mo. Pasensiya na ahh di ako marunong magluto ng ginataang santol. Para sa kalayaan mong lumandi .. sige tinatanggap ko ang desisyun mo. Hiwalay na tayo" Hindi ko na kaya Krib, nasasaktan rin ako..
Kasunod nun ang mabilis na pag-agos ng aking mga LUHA..
இ_இ
Hindi na tayo, wala ng tayo. Pero mahal parin kita at hindi yun magbabago. Ikaw lang talaga yung sumuko.
Paalam Krib ko..
Agad kong kong kinuha yung maleta ko at nagsimula ng ayusin ang mga gamit kong dadalhin pabalik sa maynila.
A/N: Comment at Vote ka po Pleeeeeease? Sana yung Komento man lang na makakapagbigay SAYA at INSPIRASYON sa aking PUSO. Sana yung Comment niyo ay base mismo sa Reaction at Opinyon niyo sa Update.
Maraming Salamat! Kita nalang sa susunod na Update..
- Green Shadow o---(=......=)---o