NOTE:Ang nasa larawan po ay isang "Sinapot".
Mahal niyang pinsan? Mahal niya ako!! Wahahahahahahaha.... "Okay lang din.. mahal ko ring pinsan"—Ngumiti ito at inalalayan akong tumayo.
"Andito kana pala kanina ka pa namin hinihintay ahh.. Excited na dun sa loob si Lolo at si lola"—Sabi ng gwapong si Kuya Ralph! Ang unang lalaking nakasibak sa aking bataan! Ay este Caloocan!
"Aaaaa.. ganun pu ba? Ako rin excited na"—Nang makatayo na ako ay bigla niyang tinawag yung dalawang aso. "Avu.. Ava. hali kayo"—halawwwww!! Natakot ako bigla.. Pero lumapit ito kay kuya Ralph at dun naglalambing.
"Pasensyahan mo na pala itong dalawa.. ganito talaga sila pag may bagong mukhang nakikita"
"Aaa aso mo kuya ralph?"
"Ahh ou"
"Ang ganda naman.. anu nga palang pangalan nila?"—Pinipilit kong ngumiti sa dalawang asong nasa tabi niya.
"Itong nasa kaliwa ko si Avu ang lalaki sa kanilang dalawa at itong nasa kanan naman ay kapatid niya, si Ava"
"Hai.. ava.. hai Avu? Hehehehehehe", mahina kong sabi.
"Kumusta ka na? Tagal narin nating di nagkita.. higit isang taon na noh?"—Ang alin? Yung nangyari sa atin?! Ahhh ou mag-iisang taon na yun! (Pero hanggang sa isipan ko lang ang mga salitang yan)
"Ahhh ou.."—s**t parang biglang tinamaan ako ng hiya? Pero bakit!! Dahil nanaman ba sa landimeter dito sa aking katawan?!
"Sige Dennis, pasok ka na dun sa loob.. kumakain sila dun kasama mga kuya mo.. Tsaka yung bisita niyo"
"Uhmmmm sila lolo at lola lang ba nandyan kuya Ralph?"
"Ahhh ou, si tito Romnick kase andun yun sa bahay namin sa kabilang baryo. Ako muna nandito.. kasama sila lolo"
"Anong ginagawa dun ni tito?"
"Nagpapatulong si mama dun sa mga dadalahin dito.. para sa salo-salo dito sa Fiesta. Yung mga gagamitin ba."
"Ikaw kuya ralph. dalaw ka lang ba dito kina lolo?"
"Hindi Ahh, simula nung iwan mo na kame. Pinarito na muna ako ni Mama para makatulong kina lolo."
"Ahhh so kayo ni Tito Romnick ang kasama nila dito?"
"Ganun na nga.. minsan dumadalaw si mama at sila kuya stanley.. pati iba ko pang kapatid"
"Aaaaaaa..."—Anu bayan parang wala na akong maitanong. Parang gusto ko ng sungaban ang matipino niyang katawan. Pero bawal! Dennis! behave! behave!
"Paano ba yan.. mauna na muna ako."
"San punta niyo kuya?"
"Aaaa kukunin ko pa yung kalabaw dun sa bukid, baka mabilad ehh. Yari ako nyan kay Lolo"
"Ikaw na pala kumukuha dun sa kalabaw"
"Kaylangan ehh, mahina na kase si Lolo. Tsaka gusto ko rin, malapit kase ako sa mga hayop"
"Hmmmmm pansin ko nga (Sabay ngiti ko na parang isang bata).. Kasama mo rin sila?"—Tinuro ko yung dalawang abong aso.
"Ahh ou, di yan mapapakali pag di nakasama sa paglipat at pagpapakain dun sa kalabaw"
"aaaaa.. Sige kuya Ralph mukhang tirik na yung araw, baka masunog at maging tapa na dun yung kalabaw sa bukid..Hehehehe"—Pagbibiro ko sa kanya.
"Sige.. usap nalang tayo ulit mamaya"—Tinapik niya ako sa aking balikat at tuluyan na siyang umalis kasama ang dalawang cute na aso. Muli akong tumalikod upang tignan sana siya, pero nagulat ako ng nakatingin rin ito habang inaayos para isara yung gate na gawa sa kawayan. Ngumiti ulit siya ng napakagwapo.. tila kumabog nanaman ng wagas ang dibdib ko! Tumalikod na rin ako ulit upang pumasok na sa bahay.. Hmmmmmm si CoCoa namiss ko rin siya ng sobra #^___#
Walang naiba sa pwesto ng bahay, lalo lang gumanda at lumago ang halaman sa bakuran at sa gilid ng bakod na nakapalibot sa buong compound ng bahay. Bago na rin yung pintura at tila napapa-ayos talaga ng husto ang labas na desenyo nitong bahay na aking kinalakihan.
Ng makahakbang na ako sa may maliit na flatform nung terrace ng bahay ay bigla akong kinabahan ulit. Di ko alam kung bakit, parang nahihiya na ewan yung pakiramdam ko ngayon. Pero bat ako mahihiya? Si lolo at lola palang naman ang nasa loob ehhh, wala pa yung iba!
Pumasok na ako sa terrace, konting hakbang ay bumungad naman yung pinto papasok ng bahay. Agad rin naman akong pumasok.. Walang nagbago sa loob, ganun parin ang ayos. Andun yung T.V, Sofa tapos mga mumunting stuff toys sa istante. Pero ang mas gumada dun ay yung pagkakalinis sa loob. Napakakintab ng sahig, napakalamig sa mata ng berdeng kurtinang nakasabit sa bintana at napakabango ng hangin sa loob.
Yung plywood na humihiwalay sa mga kwarto nuon ay may pintura ng kulay asul. Napakaginaw rin sa paningin, ang sarap pag masdan! Sino kaya naka-isip nitong magpintura? Hehehehehe parang ang cool niya rin @^__^@
Kumanan na ako dun sa munting pasilyo patungo sa kusina, nadidinig ko na ngayon yung mga boses na nagmumula sa mga taong nasa loob. Nasa kusina pala sila, tiyak kumakain na ang mga yun.
Heto na ako! Malapit na akong makarating sa kusina! Gossshhhh kinakabahan ako sa muling pagkikita namin ng aking mga lolo't lola :3
Heto na! Heto na!
At nasa bungad na nga ako ng kusina. Nahinto yung mga mumunting pag-uusap at tawanan sa hapagkainan. Mula sa kaliwang bangko tapat ng mesa ay magkatabi si Lolo at Lola. Sa pwestong kanan naman ay naka-upo si kuya Vince, brenth at siyempre ang aking Krabylabs na si Ganny!
"Apo..!"—Masayang bulyaw ng lola ko. "La!.. Lo!..", mabilis naman akong lumapit at yumakap sa dalawa. "Ang mahal kong apo.. lalong gumwapo ang apo natin juan", sabi ng lola carmen ko.
"Musta Dennis? Maray man aa pag-iskwela sa Manila?"—Tanong ng Lolo Juan ko. Hindi ko naman agad yun nasagot dahil sa panay yapos at halik sa akin ang aking lola. "Kumain ka na ba apo?", tanong ni Lola. Nakangiti naman akong umiling. "Gutom na gutom na nga po ehh", tapos inamoy amoy ko yung ulam. Ginataang adobong manok, Ginisang Munggo at ginataang tulingan ang ulam. Hmmmm sabayan pa ng dalawang 1.5 na Litro ng Selecta ice Cream! Ube at Chocolate Flavor!! Uhmmmm Charap!
"Kumain ka na muna apo.. halatang gutom na gutom na ika ayy.. mapagal baya ahh biyahe"
"Napagod siguro Lolo sa mga kaibigan dyan sa labas"—Sabi naman ni Kuya Brenth.
"Tama si Kuya Brenth lo.. la, kukulit kase nila Joaquin ehhh.. Pinagod ba naman agad ako"—Sabay pagitna ko at pumapak ng isang piraso ng manok.
"Naghugas ka na ba ng kamay Dennis?"—Biglang nagtanong si kuya Vince. "Di pa kuya.. Aaa nakalimutan ko", sabay ngiti ko naman. "Hugas ka na muna, para masarap ang kain"—Ngumiti na rin si kuya Vince.
"Sige apo.. dun sa labas"—Si lola. Umalis na muna ako sa bangko sabay labas sa pinto papunta dun sa may labas kung nasaan yung lutuan at lababo. Habang nag-huhugas ng kamay ay natatanaw ko yung bandang likuran ng bahay. Open kase yung daanan bago makapunta dun sa may kabilang hut kung nasaan itong lababo at lutuan.
"Ano pagod ba? Unang araw palang nararamdaman ko na pag ka-out of place ko dito"—Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa aking likuran. Pagtingin ko ay nakita ko si Krab, may dala itong sipilyo at toothpaste.
"Aaaa krab, tapos ka ng kumain?"
"Sa mga kaibigan ko, mas inuuna pa kita"—Hala nagtatampo nanaman siya! "Krab.. pleaseee? ngayon lang ito.. bukas pramis tayong dalawa lang"—sabi ko naman.
"Sige pasok ka na dun sa loob, kumain ka na"
"Krab...?"—tapos na ko maghugas ng kamay.
"Sige na balik ka na dun"—tumalikod ito at humarap dun sa lababo at nagsimula ng magmumug. Sinunud ko naman siya, naglakad na ako pabalik dun sa loob.
Habang papasok na ako sa pinto ng kusina ay nakasalubong ko naman si kuya Brenth na nagmamadali habang hawak yung sipilyo nito. "Andun na si ganny?"—tanong niya. "Aaaa ou kuya"
"Ahhh geh kain ka na dun Bunso.."—Tinapik ako nito sabay takbo na papunta kay Krab.
NAKAKA-INIS SI KUYA BRENTH! MAY PA'AKBAY AKBAY PANG NALALAMAN KAY KRAB.. EHH MAGSISIPILYO LANG NAMAN SILA!!
Pagkapasok ko sa kusina ay nagsimula na akong kumain at nagpatuloy ang pag-uusap sa pagitan namin ni Lolo, Lola at kasama na rin si Kuya Vince. Marami kameng pinag-usapan. Tungkol sa pag-aaral ko, sa aming magkakapatid, si Krab at marami pang iba.
Kanina nga habang nag-uusap kame, nung pumasok si Kuya Brenth at Krab. Naiinis ako! Sobrang napaka sweet naman ng mga kinikilos nila. Alam ko Bestfriend sila! pero sana isipin naman ni Krab na may maiinis at may masasaktan ng palihim! Hmmmmmp.
Nang matapos na kameng kumain ay iniwan ko na rin ang tatlong nag-uusap pa. "Magpahinga na rin muna daw ako pagkatapos magsipilyo"—Buhat kase dun sa mahaba'habang byahe wala pa akong maayos na tulog. Kilig all the way sa bisig ng mahal ko! Meron pa +^___^+
Hinanap ko yung gamit ko, nakita ko naman si kuya Brenth na may tuwalyang nasa balikat buhat sa isang kwarto. "Kuya.. Uhmmm yung gamet ko?"
"Ahhh yung gamit mo? Andun sa kwarto niyo ni Ganny"—- Ha?! tama ba yung naringig ko? kwarto namin ni Krab (Feeling masaya to da max! Pero gulat kunwari Hehehehehehe)
"Kwarto namin ni Ganny?"
"Ahhh ou bunso, hinati pa daw kase ulit yang kwartong yan sa dalawa."—Turo niya sa kwartong nasa bandang kaliwa gilid sa pader ng bahay. Uhmmmmm hinate pala nila sa dalawa?
"Ehh kayo kuya?"
"Diyan din kwarto namin ni Kuya.. pero dyan kame sa unang pinto.. dun kayo ni Ganny sa pangalawa"
"Ahhhh okay.. pero bat diyan ka galing?"
"Ahhh kinuha ko lang tong tuwalya.. dito ko kase nailagay kagabi"
"Sige kuya.. punta na muna ako sa kwarto"—Hehehehehe andun kaya si Krab? Ano kayang ginagawa niya?
"Sige maligo narin ako bunso.."
"San kuya? Sa sapa o diyan lang sa Gripo?"
"Dito lang di ko pa kabisado dito.. bukas samahan mo kame ni ganny"—- Ha? kasama ka? cheeee! Feeling kame lang ng Krab ko noh!! "Okay", mahina kong sagot.
Lumabas na siya at ako naman pumunta sa kwarto namin.. Ehemmm asan kaya siya? pagkapasok ko sa unang kwarto ay nakita kong ayos na ayos ito.. talagang pinaghandaan ni lola ko. Lumiit nga yun, tulad nga ng sinabi ni kuya Brenth hinati daw.
Sa gilid naman nung kwarto ay may kurtinang nagsisilbing pinto. Patay walang privacy neto! Lumapit na ako dun at hinawi yung floral na kurtina. Sumambulat sa akin ang naka-upong gwapong nilalang sa isang simple at di naman kalakihan at di naman kaliitang katre na may sapin na banig at nabababawan ng medyo may kakapalang kumot.
Malungkot siya (W....W)
Lumapit ako dito at pilit tumabi kahit kaka-unti yung space. "Bakit kaya siya sad?"—paringig ko sabay tingin sa kanya. Di niya ako pinansin bagkus ay nahiga ito patalikod sa akin.
"Krab naman, pansinin mo na ako.."—Hinaplos haplos ko pa yung braso niya. "Antok ako..", naringig kong sagot niya.
"Ehh di gigisingin ko ang natutulog mong puso... uyyyy ngingiti na yan.. papansinin na niya ako"—Hinug ko na siya ng mahigpit at sabay halik halik sa mabango niyang braso.
"Antok na ko ehhh"—Humarap na ito sa akin ng di na nakasimangot. "Di ka na galit?"—Parang nag-isip ito nang tinanong ko siya.
"Kiss para di na ako galit"
"Ganun?"
"Ayaw mo? Magagalit na talaga ako sayo.. uuwe na kong Maynila"
"Bat ka uuwe? Siguro di mo gusto tong Lugar namin"
"Hindi talaga"—Mabilis niyang sagot.
MAIKLING PATALASTAS:
Mga mahal kong Reader Kumakatok po ako sa inyong mababait na kalooban na kung maari'y iboto niyo ang El Gamma Penumbra, Isa sa mga Grand Finalist ng Asia's Got Talent. Alam niyo kase Guy's El Gamma Penumbra inspire my name Green Shadow. Dun ko po nahugot ang pagkapaborito sa salitang Shadow. Simula ng sa Showtime palang sila sumasali which is "Graffiti Motion" pa ang name nila ay avid fan at believer na talaga ako nila. Kaya nga todo support ako every Sali nila sa bawat Contest. Kaya naman nasad ako ng nadisqualified sila nuon sa Showtime grand finals at di sila nanalo sa Pilipinas Got Talent. Kaya naman Siguro pagkakataon naman nilang manalo ngayon, pero kailangan po talaga nila ng support niyo! Pleaseee kahit konting tulong lang po.
Siguro naman po natouch at namangha kayo sa mga pinakita nilang performances LOVE (Audition), TOLERANCE (Semi-Final) at ngayong Grand finals na nagpatindig ng ating balahibo ay ang performance nila about sa Pagkakaroon ng Awaireness to Saved Mother Earth!
PLEASE GUY'S VOTE VOTE PO TAYO! Yung mga vote po ang magiging 50 % Requirements ko para sa next Chap. Paki ScreenShot/PrintScreen po ng mga Vote niyo bilang katibayan po.
Ito po ang way para mag Vote:
1. SMS Voting
AGT7 and send to 2929 for Globe, TM, Smart and TnT subscribers only
(THIS IS FOR PHILIPPINE SMS VOTING ONLY.)
*You can vote via txt as many times as you want.
*P2.50/txt
If are outside of the Philippines, send the el gamma voting syntax to:
Singapore: 146073300
Thailand: 4541501
Indonesia: 95899
HongKong: 503230
Malaysia: 33200
Vietnam: 7587
Philippines: 2929
Taiwan: 55828
2. f*******: Voting
Click the links below.
For f*******: desktop:
http://bit.ly/AGTFacebookapp
For f*******: mobile:
https://fbvotenow.asiasgottalent.tv/
(If di niyo po ma-access yung link, I will post it po sa sss or pwedeng Immessage niyo po ako)
HALA GANUN. Di niya pala nagustuhan tong Bicol @___@
"Isa lang kase ang gusto ko at ikaw lang yun krib"—Boom! Yung lungkot sa aking mata ay napalitan ng saya. "Ako rin Krab kaw lang din gusto ko!"—Sabay Kiss ko sa kanya. Uhmmmm Muahhhh. ^@^
"Krib.. amoy munggo ahhh"—nakangiti nitong sabi. "Di pa ko nagsisipilyo ehhh"—Malungkot kong sabi. "Biro lang.. kahit di ka magsipilyo.. mabango parin yang hininga mo Krib", sabi niya naman.
"Ehhh di.. di na ko magsisipilyo, dito na muna ako! Kasama mo krab"
"Ayus.. ehh di sara mo na Krib yung pinto.. pahinga na muna tayo"
"Pinto?"
"Oo yan ohhh.."—Sabay turo niya sa pinto nga! Wew bat kase papasok tahahahahahha kaya naman di ko agad na sight! Agad naman akong bumangon at sinara yan. Wala ng sipilyo sipilyo hehehehehehehe Agad akong bumalik at nahiga katabi ni Krab.
NATULOG NA KAMENG MAGKATABI! (^
"Krib?"—Habang nararamdaman ko ang pagyugyug sa aking katawan. "Uhmmm bakit?"—Tanong ko habang pilit na iminumulat ang mga mata. "Gising ka na hapon na Ohhh.. may pupuntahan daw tayo sabi ng Kuya Brenth mo"—Pupuntahan?
Inayos ko narin ang aking sarili, bumangon na ako at naupo sa kama. "Saan daw tayo pupunta?"—tanong ko.
"Ewan ko Krib di ko alam ehh, basta mag-bihis daw tayo"—Nakita ko naman na bihis na bihis si Krab. Porma ng loko, ano to sa maynila ang galaan? Hahahahahaha...
"Krab mag T-shirt ka nalang.."
"Bakit?"
"Basta.. Di yan bagay dito"
"Ganun?"
"T-Shirt at Short ka nalang"
"Okay na tong pantalon, palitan ko nalang tong pang-ibabaw"
"Sige... Uhmmm labas muna ako ahhh, maghilamos lang ako ng mabilis"—Hehehehe Walang liguan ituuu!
Nakasalubong ko naman si Kuya Brenth...
"Saan tayo punta kuya?"
"Aaaa anu kase kanina bunso.. pumunta dito yung mga kaibigan mo hinahanap ka"
"Hinahanap ako?"—Ayyy oo nga pala may nasabi sila kanina tungkol sa pancitan.
"Sabi nila, libre ka daw nila sa may pancitan"
"Tapos anung sabi mo kuya?"
"Sabi ko.. sunod nalang tayo. Nagustuhan ko rin kase yung pancit na pinakain sa amin ni Lola kahapon na galing pala sa pancitan rin na yun"
"Aaaaa so magfofodtrip pala tayo?"
"Sige na Bunso magbihis ka na, mag-gagabi na baka maubusan tayo"
"Okey okey.. Okkey!"
Binilisan ko na ang paghilamos at muli akong bumalik sa kwarto, nagulat naman ako ulit ng makita ang bagong suot ni Krab. Nakashort na siya at nakaT-Shirt na pute na may print na alimango. Hiyang Hiya naman ako Hehehehehe!
"Wow proudly Crabnatics hehehehehe"—Sabi ko.
"Kaw rin suot ka ng may Crab.."
"Ehhh baka mahalata tayo niyan ni Kuya"
"Suot mo nalang kaya yung Jacket na di mu sakin sina-uli? Uhmmmm may Crab design naman yun diba?"
"Ahhh ou buti nadala ko yun! pati yung Couple Jacket natin!"
"Pero yun nalang isuot mo"
"Yes po My Prince!"
Pagkatapos kong magbihis ay, nanalamin na ako. Tapos humarap ako sa kanya. "Cute na ako?"—Tanong ko. Pero bigla itong sumimangot. "Uyyy bakit?"—Tanong ko ulit. "Asan yung anu mo?"—Bigla niyang pinakita yung Bracelet niya. Ahhhhhh alam ko na!
"Krab baka may mag snatch sakin, alam mo na napakapang rich naman kase nung gift mo ehhh"
"Basta tago mo lang sa pagitan ng isusuot mong jacket.. gusto ko kase makita na suot mo yun"
"Actually isusuot ko naman talaga"—Bigla kong bawe. Kinuha ko naman na yun sa aking bag at nagpatulong sa kanyang isuot yun.
"Ayan .. cute ka na. cute na Cute"—Tapos lumalapit yung labi niya sa noo ko.
"Huyyy tagal niyo tara na!"—s**t! Si kuyaaaaa!
"Uyyyyy uyyyyyyyyy.."—Biglang natumba si Krab dahil sa pag-iwas na akoy mahalikan. "Aaaaa kraa—— (Oooopz!) Aaa ganny okay ka lang?"
"Uyyy pre anung nahule"
"Gagu.. !"—Mabilis na tumayo si Krab na parang walang nangyare. Natawa naman ako ng bahagya.
"Hehehehe tara na.. gutom na ako sa pancit!"—Excited si Kuya. "Pancit? Uhmmm parang okey yan. Parang gusto ko rin!"—Si Krab naman.
"Pati sinapot Ganny.. gugustuhin mo rin yun"—Sabi ko kay Krab.
"Ako supot?"—Biglang tanong ni Krab!
HAHAHAHAHA! SABAY KAMENG TUMAWA NI KUYA BRENTH. Adik tong si Krab.. kaasar! parang ako pa tuloy nahihiya #^__^@#
"Sinapot Pre .. hindi Supot"
"Anu yun?"
"Luto yun sa saging na saba.. pagdating natin dun, malalaman mo rin kung anu yun. Adik ka talaga Pre"—Palihim nalang akong tumingin sa kanya ng nakangiti. Adik ang Krab ko..
Madameng nagtitinginan sa amin habang naglalakad. Waw ahhh kasasabi palang kanina ni Kuya brenth na di niya dito kabisado.. Pero ngayon parang siya pa mas may alam sa akin! Ang destinasyon namin ay malapit lang dun sa pinuntahan namin kanina! Hmmmmm dun sa salon ng baklang yun!
Alam ko naman kung saan ang pancitan na tinutukoy nung mga kolokoy kong kaibigan dun yun sa Pancitan ni Ate Marie. Dun yun sa malapit sa basketball Court Mismo. At eto na nga kame papalapit na sa maraming bangketang nagbebeta ng sari-saring makaka'in!
Nagulat naman ako ng malayo palang ay nakita ko na agad sila! Si Joaquin.. Si Lourd.. Si Tonton at si....
MILO!! Na iba ang istilo ng gupit ng buhok! Yun ba yung gupit na tinatawag na UnderCut?
|MILO|
"Tang-ina si Gagu Bagong Chupet!"—Bulalas ng maingay na si Joaquin.
"UnderCut amputa!"—Sabad naman ni Tonton.
"Bagay naman ahhh..!"—Maangas kong sagot.
"Tagal mo nanaman lumabas diyan sa salon ahhh.. marami ka bang nahinge sa jowa mo?"—Pagtatanong ni joaquin. Nasasanay na tong tatlo na lage kong nililibre sa binibigay ng baklang si Michael sakin. Dun sa uto-u***g bakla. Patay na patay sakin ehhh, anung magagawa ko? Ipagdadamot ko ba? Basta daw lage akong nasa tabi niya.. may Pera ako. Kaya naman nagiging praktikal na ako.
"Inggit nanaman kayo kay Milo"—Sabi naman ni lord, napangiti naman ako sa pagtatanggol ng kaibigan kong ito.
"At dahil diyan Lourd.. meron kang dalawang Sinapot!"
"Tang na.. bata? may premyo?"—Sabay tawa yung dalawang gagu!
"Kayo lang? Akala ko kasama si Dennis?"—Si Dennis..
Si Dennis na hanggang ngayon ay nandito parin sa puso ko! Dahilan kung bakit ako nagalit sa kanya? Simple lang..
Nahule ko sila ng kuya ko na nagtatalik. Saan? Sa Maynila sa Apartment na inupahan ni kuya..
"Uyyy nakikita ko na yung buhok ni Kuya Danny Ohh! May rainbow sa kalsadang naglalakad!"—Anong pinagsasabi ng mga to?
"Ganny pangalan niya Ton"—Sabi naman ni Lourd.
"Ehh mas Gusto ko Danny ehhh.. Laka ng paki dun Lourd"
"Ohhh wag niyo sabihing mag-aaway kayo? Andiyan na si Dennis Milo ohhh.. simulan na ang libre time!"—Dineretso ko na ang titig ko at nakita ko naman agad siya. Kasama ang dalawang lalaki. Isang napakakolorete ng buhok at isa namang itim lang. Nakajacket siya.
"Sino yung mga kasama niya?"—Biglang tanong ko sa tatlo. "Yung nasa kanan niya, kuya Brenth niya yung nasa kaliwa naman Super Close Friend niya daw na Bestfriend ng kuya niya"—Paliwanang ni Lourd.
"Siya ba yung pinag-uusapan niyong Ganny?"
"Ahhh oo pre.. madali yan mapikon.. gusto mo pikunin natin?"—Tanong naman ni Joaquin.
"Wag mo ko isama sa kalokohan mo Pre.."—Biglang napatingin sa akin si Dennis mula sa kinatatayuan nila.
"Dennis! Huyyyyyyyyyyy!"—Biglang sumigaw si Joaquin.
|DENNIS|
"Dennis! Huyyyyyyyyyyy!"—Biglang sigaw sakin ni Joaquin. "Ayun pala sila Ohhh..", sabi naman ni kuya Brenth. "Aaa oo nga kuya"—Mahina at natatakot ko namang sagot. Napatingin ako kay Krab... ihhhhhh patay kailangan kong umayos neto!
"Tara lapit tayo dun"—Sabi naman ni kuya Brenth. Mas Excited pa siya sa akin! "Tara na.."—hala umakbay sa akin si Krab! Nirelax ko nalang din ang self at mind ko. Hanggang sa makalapit na kame.
"Ohhh nandito na pala kayo.."—Sabi ng kuya ko sa kanila. "Hai kuya Brenth, tinupad niyo talaga pramis niyo na susunod kayo dito.. Okey po yun!"—Sabi ni Tonton, gasshhhh feeling Weird. pakiramdam ko nakatitig si Milo sa amin, kahit di ako nakatingin sa kanya!
"Ahh hi po.. Milo nga po pala kaibigan ni Dennis"—Patay sana naman di maalala ni Krab yung name na Milo! Kung naalala ko kase nabanggit ko yun ng managinip ako sa Bus! Shittt pleaseee lord help me po palimutin niyo ang name na yun kay Gannybear!
"Ahhh ganun ba pre.. nice meeting you. Ganda ng gupit ahh.."
"Ahh salamat po"—Yung magalang na boses na yun ay nariringig ko. Si Krab lalong hinigpitan ang pag-akbay.
"Ahhh sige dun lang ako sa banda dun.. Parang gusto ko magpa-ihaw ng mais"
"Kuya sama kame!"
"Bunso wag na.. babalik din ako."
"Oo nga Dennis wag na, ililibre tayo ni Milo ng Pancit at Sinapot Ehh"—Si Joaquin.
"Oo nga naman Bunso, tsaka diyan lang ako ohh. Kasama mo rin naman si Ganny.. diba pre?"
"Ahh ou pre ako bahala dito kay Dennis"—Si Krab. Ohhhhh Myyyy Paano na ito? Umaliss na si Kuya.
"Libre time!"—Si Joaquin.
"Ate Marie.. ahhh isa .. dalawa.. aaa Pito ngang pancit at pito rin na mainit na sinapot"—Napatingin ako sa nagsalita at bumungad sakin si Milo na malapit sa kinatatayuan namin ni Krab.
"Dame Pera ni Milo! Whooo sarap ng Libre!"—Si Joaquin. Inilabas ni Milo yung Isang 200 peso bill.
"Eto po ate marie ohh bayad.."—nagulat ako ng biglang nawala sa pagkaka-akbay si Krab.
"Sige Pre bulsa mo nalang yan ako nalang magbabayad.. Libre ko na kayo"—Sabay labas ng wallet, pagkatapos dukot at lapag ng 500 peso bill.
"Ha? Wag na pre ako nalang pakibulsa nalang niyang Five Hundred mo!"—Inis na sabi ni Milo.
"Yang two hundred nalang ibulsa mo.. sayang baka makabile pa yan ng kailangan niyo sa bahay. Ako na bahala.. miss ako na magbabayad"
"Yabang mo rin noh? Anong magagawa mo ehh gusto kong ilbre ang matagal ko ng di nakitang kaibigan"
"Di ako mayabang, gusto ko lang ilibre ang mga kaibigan ni Dennis"
HALA ANONG NANGYAYARE? BA'T SI KRAB AT MILO NAGKAKA-INITAN NA! DI KO NA GUSTO TONG NANGYAYARI?! PERO ANONG GAGAWIN KO?
"Ano bang problema mo Pare?!"—Galit na tanong ni milo, habang masama ang titig kay Ganny at naka-akma na itong susuntok.
"Eh ikaw anong problema mo?!"—Sagot naman ni Ganny. HALA! Anong gagawin ko? Parang naninigas lang ako dito sa kinatatayuan ko. (3*___*3)
Requirement's Para Sa Next Chap:
50+ (individually comment) and 50+ (votes)—[50%]
50+ (text vote for EGP) and 50+(sss votes for EGP)—[50%]