CHAPTER 04

1358 Words
"Huy milo! Adik ka ba?!", inis na tugon ni Tonton. Kasunod nun ang pagtahimik ng paligid, habang ako naman ay nagtatago parin ng tingin sa kanya. "Siraulo ata tong si Milo eee, ganyan ba ang pagsalubong sa matalik mong kaibigan?", Si Joaquin na pasugod na sana. Nakadinig ako ng tunog ng pagbagsak ng mga paa sa marmol na sahig ng salon. Pagkatapos ay biglang may nagsalita. "Relax lang Ton at Joaquin.. gayahin niyo si Lourd ohh, napakatahimik". Ano ng sunod na mangyayari? "Siyempre namiss ko tong kaibigan natin", nagulat nalang ako ng may yumakap sa akin. Hala! Di ko ito inaasahan. Si milo niyakap niya ako! Hinagkan ako ng hubad na katawan ni Milo! Pero bakit? "Namiss ko itong si Dennis.. miss na miss", Dumiin bigla yung isang kamao niya sa aking likuran. Tila ba sa konting bilis ng oras ay tatagubtuban niya ako ng ubod ng lakas. "Ehh ako namiss mo ba ako Dennis?", naramdaman ko ang pag-alis ng kanyang pagyakap at ngayon ay munti kong naaaninag na nakaharap siya sa akin. "Huy Dennis nahihiya ka ba dyan kay Gago, tangna andrama niyo men!", Bigla ng sumingit si Tonton at pinaharap na ako ng ayos sa kanya. "Aaa hai.."-Kinabahan ako pagkatapos kong masabi yun. Bat nga ba ako kinakabahan? Mukhang tanga lang Dennis?! Past is Past! Hmmmmmp pero ang nakaka-imbyerna ang katotohanang jowa niya ang baklitang si Michael?! How Come?! "Ohhh tama na yan! Masyado niyo ng pinepressure ang bhebhe ko. Umagang umaga ehh panay dayo dito. Sige at balik nalang kayo mamaya libre ko nalang din yang gupet niyang kasama niyo. Tutal mukhang bagong bakasyon ka rito at kaibigan ka ng bhebhe ko. Libre ka na"-- Wala akong pake sa sinasatsat ng baklang itu!! kainis panay yakap siya kay Milo! Child Abuse! "Ms. Ikel naman ohh, patambay na muna kame rito. Uyy milo sabihan mo nga yang magandang Jowa mo"-Pang-uuto ni Joaquin kay Michael. "Pre sumunod nalang kayo dito sa Bhebhe ko (Sabay tingin sa akin ni Milo, kasunod ng pag-akbay niya kay Michael! Kadiri! Nakakadiri!) Marami pa kase kameng gagawin bukod sa mag-almusal"-Kakaiba yung tingin niya, parang may bastos na kapilyuhan yung taglay. [4___4] "Ohh gora na gora na!"-Pagtataboy sa amin ni Michael. "Ms. Ikel naman ohh", pag-angal pa ni TonTon. "Lalaspagin mo nanaman ata yang kaibigan namin ehh", si Joaquin. Naitulak na kame nun palabas ng baklang manyakis ng muli itong nagsalita. "Wala kamong labot ta... agum ko na ya! Aku lang iya, kaya dawa unong gibuhun ko. MagKado man kame dine sa loog ka salon. Uda na kamo labot! Gora na kayo.. balik nalang kayo mamaya!" Kainis! Naiinis ako! Anong ginagawa nila diyan sa salon? Milo ano bang nangyari sayo? Bat sa kanya pa?! Pwede namang sa babae nalang ehh. Pero bakit sa kanya pa? Sobrang nakakasama sa pakiramdam. Insulto toda much! Pero anu pa bang magagawa ko? bat nagiging apektado ako ng husto? mag-i isang taon na kameng nawalay. Siguro apektado bilang isang concern na kaibigan. Pero hinde ehh.. hindi ito nararamdaman ng bilang isang kaibigan lamang. Bat sila Tonton, Joaquin at Lourd wala lang sa kanila yung relasyon ng dalawa? Huhuhuhuhuhuhu siguro nga may kakaiba! Siguro may feeling pa ako sa kanya? Parang nagmatured siya ngayon.. Lalong gumwapo at kumisig. Pero ang dating pagmamay-ari ko dito sa bicol ay pagmamay-ari na ng iba! At sa baklita pang iyon! "Tindi ni milo, dame nanaman nun panglibre satin mamaya", sabi ni Joaquin habang nagsisimula na kameng maglakad pabalik. "Matagal na ba sila?"-tanong ko naman. "Mag-iisang buwan na siguro ngayon.. Hahahahahahaha malungkot kase yang putang si Milo, ayun natipuhan ni Michael. Di na tinigilan"-Kwento ni Tonton. "Hanggang sa nagpachupet na si Milo!"-Sabay na tumawa si Joaquin at Tonton. "Bat naman siya malungkot?"-tanong ko. "Basta naging inisin yang si Milo, mga linggo nung umalis ka dito sa baryo Dennis", pagsagot naman ni Lourd. "Kayong dalawa ahh siguro may something kayo! Halata kanina ehh!"-Hala napansin ba nila?! "Ou nga Dennis may something nga sa inyo ni Milo, kase kung matatandaan ko. Tuwing napagkekwentuhan ka namin ehhh laging tahimik at no Comment ang gagstie"-Pagdugtong ni Tonton sa salaysay ni Joaquin. "Uyy anu bang pinagsasabi niyo? Grabe kayo ahhh..Di kame talo ni Milo noh?!" "Huhh?! Anu!!!"-Sabay-sabay ang tatlo, napahinto at gulat na gulat. OOOpss! May mali ba akong nasabi? "Uyyyyy bakit?"-Nagulat nalang ako ng biglang tumawa ang tatlo. "Tangna Dhenz! pinapatawa mo kame Hahahahahahha!"-Si joaquin na tawang'tawa. "Hahahahahaha gagu.. ang tinutukoy lang namin. Baka may tampuhan kayo bilang magkaibigan.. Hindi yung may tampuhan kayo bilang bromance!", sabi naman ni Tonton. Hayyy salamat kala ko may alam sila! "Pero.. ano nga ba talaga ang realidad sa kakaiba niyong tunguhan dennis? amin Amin rin pag may time.."-Makulit na sabi ni Lourd. "Mga chongoloid na talaga kayo pre.. sige bahala na kayo diyan uuwe na ako sa bahay.", sabi ko naman. "Hahahahaha sige dito na rin kame ni Lourd", sabi naman ni Tonton. "Huh?", bigla akong tumalikod. "Kita nalang tayo ulit mamaya! Lilibre tayo nun ni Milo ng Pancit at sinapot!", huling sigaw ni Tonton habang tinatahak niya pati ni Lourd yung daan papunta sa ibang bahagi ng baryo. Dun nga pala pabalik sa bahay nila, kaya naman ang naiwan kasama ko ay si Joaquin.. Si joaquin.. Oo si joaquin! Pero nasan na yung mokong?! "Huy Dennis bilisan mo!", narinig ko nalang na may sumigaw. Pagtingin ko sa unahan ng daan ay nandun na ang nakangiting si Joaquin. "Huy ulat!", patakbo akong sumunod kayJoaquin. Nagsabay na nga kameng dalawa on the way. Malapit kase yung way papunta sa kanila sa parte kung nasan ang aming bahay. Hangang sa kailangan na naming maghiwalay pansamantala ng daan. "Uyyy salamat pala aa.."-sabi ko. "Saan sa pagsundo namin? Walang anu man yun.. namiss ka talaga kase namin ehh"-Sabi naman niya. "Sige.. bye na muna. Kita kita nalang mamaya" "Ahhh nga pala Dennis.." "Ohh bakit?" "Sabi ni Kuya Erick.. minsan punta ka daw sa bahay"-HUH?! Hala.. Si Kuya Erick? Hala! Shemay!! Bat ba sila isa-isang nagbabalikan?! My Gawwwwddd. "Ahhhh? Aaaa.. Aa?", Di ko alam sasabihin ko. "Diba magkakilala na kayo ni kuya?" "Aaaaa owuu.. Ahhh oo sige!" "Sige.. uwe na muna ako bestfriend.. goodluck sa pag-uwe" "Ingat!" Tirik na rin yung araw at dumarami na ang tao sa kapaligiran, habang tinatahak ko yung daan pauwe ay nahihiya ako sa mga taong nagsisitinginan. Nakikilala man ako ng iba, pero di ko sila matitigan ng ayos. Nahihiya ako sobra! Nakakapanibago rin ng aura. Ng papalapit na ako sa bahay ay mabilis akong pumasok sa gate na gawa sa kawayan at sa ground na napupuno ng batong pinagsama sama Hehehehehe, mga batong galing sa sapa. Biglang may tumahol.. Arff.. Arff.. Arfr.. Ayyyyyyyyyyy bat may mga aso na dito? Lalong lumakas yung tahol. Nyay anu tohh! Dalawang kulay abong aso ang aking nasa harap. Konting distanya nalang at masasakmal na ako ng dalawang mababagsik na aso. "Kuya!!", sumigaw na ako. Gagalaw sana ako pero napapansin kong humahakbang rin yung kanilang mga paa, nakakatakot rin yung mga pangil na galit na galit at may tumutulo pa halos na laway. Arff.. Arff.. Arfr.. Waahhhhhh! Susugurin na nila ako. Parang nanigas ang kalamnan ko, kadahilanan para ako'y mapa-upo sa mga batong nakalatag. Napapikit nalang din ako at naghihintay ng milagrong makapagliligtas sa bingit ng karabies'san! Biglang may sumipol! Tatlong beses ata yun! "Avu.. Ava tigil! Yusttt.. tututu!", isang pamilyar na boses ang biglang nagsalita! Parang inuutusan niya yung mga aso na tigilan ako. Pakiramdam ko rin, wala na yung dalawang dogie sa harap ko.. "Kayo ahhh.. sabi ko diba wag kayong lumabas diyan sa balcony"-- Yung cute na boses na yun ay kinaka-usap ang dalawang aso. Pagkatapos nun ay nakadinig naman ako ng parang mahinang ungol ng aso na tila naglalambing. Minulat ko na ang mga matang nakapikit at nakita ko nga ang dalawang aso na dinidilaan ang isang lalaki na nakasuot ng short, kulay abong medyo may mga butas na t-shirt at may sukbit itong itak. Ang gwapo niya kahit nakasuot siyang parang isang magsasaka! Hala to the power of power of power of throwback! Bakit isa-isa silang nagpaparamdam? Nagpapakita sa akin? Pagkatapos makipaglaro sa dalawang aso.. "Avu.. Ava, upo muna kayo", nagulat ako ng makitang sumunod sa kanya yung dalawang aso. Naupo ang mga ito ng matino habang ang tingin ay nakasunod sa kanya. "Okay lang ba ang pinsan ko? Ayyy mali pala.. ang mahal ko palang pinsan"-Dub Dub Dub Dub Dub!! Biglang ang lakas ng kabog ng dibdib ko o___0!! Requirement's Para Sa Next Chap:50 (individually comment) and 50 (votes)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD