Tinignan ni Kyle ang babaeng kinamumuhian niya habang payapa itong natutulog. He's not sure anymore if he still hates her. Halos isang taon itong nawala. Akala niya ay ikatutuwa niya ang pag alis nito pero nakita niya kung paanong nasaktan ang mga anak, kaya mas lalo siyang nagalit. Ang taong inutusan niyang hanapin to ay bumalik dala ang evidence ng kataksilan nito. Naikuyom niya ang kanyang palad. As much as he wanted to forget, he can't, he still remembers the lies and deceit she did. Kinalma niya ang sarili, isa lang ang sigurado siya sa ngayon. He desires his wife and he hated it. He feels it is part of another act of hers. Natuon ang pansin niya nang bumukas ang silid ng mga anak. "Good morning daddy" nakangiting bati ng kanyang prinsesa. Kasunod nito ang kakambal na naghihikab pa.

