Masaya niyang pinapanood ang kambal habang naglalaro ang mga ito kasama ng mga batang anak ng mga tauhan sa hacienda. Naisip niya na kailangang mapalapit ang loob ng lahat sa kanya upang makahanap siya ng impormasyon. Ngunit bumabagabag sa kanya ang naging pag-uusap nila ni Miguel. "Do you think you can ignore me forever!" galit na sabi nito sa kanya. Nagtatakang tinignan niya ito. "M-miguel" mahinang wika niya, "I don't understand what you are talking about!" sagot niya sa binata. Tinangka niyang iwasan ito pero hinawakan ng binata ang kanyang braso. Medyo mahinahon na ito nang muling nagsalita. "Do you think di ko mahahalata na hindi ikaw si Carina?" nakangisi nitong sabi na kinasinghap niya. Pilit niyang pinanatili ang kanyang anyo upang di makahalata ang kaharap. Miguel, I don'

