Habang nilalapatan ng paunang lunas ang nasugatang paa ni Lexie ay nakita niyang may kausap sa cellphone si Miguel. Nang matapos ang pakikipag-usap nito ay nilapitan siya ng binata. Natapos na rin ang paggagamot sa kanya ni Dr. Gozon. "Thanks Brenan, we have to go brod" paalam nito kay Dr. Brenan Gozon. "No problem brod, I give her antibiotic injection and tetanus booster shot" tinapik nito sa balikat si Muguel. "Let's go! our ride is here" itinulak nito ang wheelchair papasok ng elevator. "Miguel, thank you" aniya. "Nada para ti nena" mahinang bulong nito na di niya naintindihan. (Anything for you babe) "What did you say" tanong niya. "Nothing, I said no problem" sagot nito, but Lexie knew it's Spanish, but she didn't hear it clearly. Lulan ng helicopter ay lumapag sila sa helipa

