Nagising si Lexie sa mga halik ni Kyle, "Good morning my queen" bati ng asawa sa kanya habang patuloy siyang binibigyan ng mumunting halik sa kanyang mukha. "Good morning my king" nakangiting bati niya. "You taste like vanilla, hmmm" sa pagkakataong iyon ay ang kanyang labi naman ang hinagkan nito. Tinugon niya ang matamis na halik nito, papalalim ng palalim ang mga halik ni Kyle ng bulabugin sila ng kambal. "Good morning Daddy why are you wrestling Mommy" nakasimangot na sabi ni Drei. "Wah!!!" umiiyak namang sigaw ni Drea. Nagkatinginan sila ni Kyle at sabay silang natawa pero halata sa mukha nito ang inis. "I hate you Daddy, your hurting mommy" umiiyak pa ding sabi ni Drea. Bumangon si Kyle sa pagkakadagan kay Lexie, kinuha nito ang unan para takpan ang hinaharap nito. Parehong na

